Prologue

1900 Words
Warning: (SPG) Violence +++++ "Passengers we are now boarding." Kalmadong sabi nung babae sa speaker. Lingid naman sa kaalaman nila ay merong mga pasaway na lalaki sa likod. Nagulat naman sila nang biglang may narinig silang pagsabog. Kinabahan ang lahat ngunit ang pumutok lang pala ay isang kulay asul na lobo. Bahagya namang napangiti ng alanganin ang isang lalaki sa may gitna ng eroplano. Hawak hawak ang pumutok na lobo. Makulit at mapang asar ang aura ni Titus. Binigyan ito ng masungit na tingin ng isang flight attendant. At tumalikod na ito para bumalik sa pinaroroonan. Maraming tao sa loob ng eroplano. Iba't-ibang lahi. May mga ordinaryong tao. Marami masasama. Sa isang banda ay mayroong kumpol ng mga masasamang tao. "Are you sure the bastards of this country are powerful? Our City needs allies." "Are you saying the Gang's of this country--" "Shut the f**k up! What if someone hears you?" "They wouldn't. I checked the passengers list and there's no gang or gang member is in the plane. We are safe--" Napahinto siya sa pagsasalita. This time nakarinig ulit sila ng pagsabog. Hindi nila ininda iyon dahil baka isang laruan na naman ng makulit na bata. Pero biglang nagkagulo na nang marealize nilang hindi na basta balloon iyon,  nagkagulo na sa buong eroplano. "s**t! Are we gonna crash?" Nagpapanic na ang mga tao sa loob. Ang mga kalalakihan sa likod ay kalmado lang pero may pagtataka. "I thought you've checked everything." "And everything was supposed to be fine." "Supposed to, idiot! Supposed to!" Pagtatalo ng mga foreigner. Maingay na sa loob ng eroplano. Ang mga piloto ay patay na. Ayon sa nakalap ng mga flight attendant. At lahat sila ay nagpapanic na. Lihim namang napangisi ang isang kalmadong lalaki sa gilid. Tumayo ito at pinuntahan ang mga kalalakihan. "Look, the man looks like a demon." Bulong ng isang batang babae na napapaligiran ng mga kapwa bata at madre. Katakot takot bumabalot na hangin at ngisi ng binata nang lumingon ito sa bata at sa mga kasama nito. Tinakpan ng madre ang bibig ng bata at pumikit ng mariin ang madre. Nanginginig sa takot nang tingnan sila nito. "Gents. Do we have a problem here?" Tanong ng lalaki sa mga foreigner. "Don't f*****g meddle with our s**t! Go on and make yours." Sinubukang itulak ng lalaki ang binata pero sobrang tigas ng dibdib nito at napakalakas nito. Napahinto ito saglit nang di gumalaw at tinitigan ang binata. "Who the f**k are you, huh?" Tinanggal ng binata ang aviators niya. At agad siyang namukhaan ng mga foreigners. Rumehistro ang kaba at takot sa mga lalaki nang makilala nito kung sinong binastos nila. Ngunit huli na. "Emperor Wrath--" Natigil ito nang malakas na kinuha ni Wrath ang kamay nito at binali ang buto nito. Napadaing sa sakit ang lalaki. Hinala nito ang baling kamay. At sa lakas nito ay natanggal ang kamay nito sa braso. Napunit ang balat nito sa braso nang hatakin ito ng matindi ni Wrath. He can break bones. He can cut flesh wih his bare hands. Kagimbal-gimbal ang nasaksihan ng mga tao sa eroplano. Natulala sila at natahimik nang makita ang laman loob ng braso ng lalaki. Nagpalahaw naman sa sakit ang lalaki. Takot na takot na napaatras ang iba. Itinapon saglit ng binata ang kamay nitong putol sa kung saan nang may sumugod sa kanyang hangal. Natawa na parang demonyo ang binata. Di makapaniwala. Bibigyan sana nito ng malakas na suntok si Wrath ng nahawakan nito ang kamao ng lakaki. Sinandal niya ang lalaki sa haligi ng eroplano at sinuksok nito ang kamao ng lalaki sa sariling bunganga hanggang sa mapunit ang balat ng bunganga ng lalaki at sumuka na ito ng dugo sa pilit na pagpasok sa bunganga ng kamao. Napadaing sa sakit ang mga nanonood, nandidiri sa nakikita. Para silang nanonood sa isang nakakadiring horror movie. Marami kang maririnig na iyakan sa takot at pagewang-gewang na ang eroplano. "Pierce, Chev. Fly the airplane." Utos ni Wrath. Agad na tumayo ang dalawa. Si Pierce ay sinara na ang kanyang binabasang magazine. At tinanggal na ni West ang earphones sa tenga. Napatanga ang mga tao sa kalmadong itsura ng dalawa. Samantalang ang sumugod kanina kay Wrath, his mouth is slithed. Nawalan na ng malay ang lalaki. Magpupunas na sana ng kamay si Wrath ngunit mayroong sumugod sa likod nito at agad niyang naagapan ang atake nito. Nakapanood ang mga tao ng magandang dwelo. Ngunit ang nagtagumpay ay si Wrath. Nasa may gilid na sila ng eroplano at naramdaman na nila ang pag-ayos ng pagtakbo ng eroplano. Nagulat ang lahat nang di pa pala tapos ang labanan ng dalawa nang may huguting kutsilyo ang lalaki. Iwinasiwas niya ito sa tagiliran ni Wrath. Umiwas ng mabilis si Wrath at napatingin sa relo. Nainis ang lalaki kaya sinubukan ulit saksakin si Wrath nang biglang tumama sa kanya ang nakakatakot na mata ni Wrath. "Are you nuts? Your toy can't kill me." Natatawang sabi ni Wrath sa panaksak nito. "Hindi ko alam ang ginagawa mo. Pero napakadesperado niyo. Pati ibang City sa ibang bansa ginulo niyo. Nanghihingi kayo ng gyera at delubyo ang ibibigay namin sainy--" Naputol ang sasabihin nito. He didn't realize na may Pinoy din pala na kasali sa gang ng mga foreigners na yon. "Like you could." Bagot na sabi niya at sumenyas. "Hold on tight, everyone." Sabi ng isang misteryosong lalaki na nakaharap lang sa tablet nitong apple. Napakakalmado ng postura nito. Para namang may kung ano sa boses at tindig nito na nakapagpasunod sa mga takot na pasahero. Nagulat sila sa susunod na ginawa ni Wrath, binasag niya gamit ang siko ang bintana ng eroplano. Wrath was that strong. At inihagis niya palabas yung lalaki na balak sana siyang saksakin. Sumigaw ito bago naglaho sa dagat ng mga ulap. Tumunog ang alarm ng eroplano at pumasok ang malakas na bayo ng hangin. Nasa ere sila kaya aasahan mong mahihigop ka palabas. Maraming nang gamit ang nahulog nang higupin ng hangin. Nahulog na rin sa labas ang dalawa pang gang member na patay na. Nakakapit ng maigi ang mga tao at nag-iiyakan na ang mga babae at mga bata. Takot na takot. May pinindot naman si Wrath sa eroplano at napalitan ng bago ang bintana. Nagsara iyon at huminto ang pagbulusok ng malakas na hangin sa ere. Naging normal na ulit sa loob ng eroplano. Huminahon na saglit ang mga tao. Pero takot pa rin sila sa presensya ng mga delikadong tao. "La-landing na tayo." Masayahing sabi naman ng isang boses mula sa speaker. Boses ito ni Titus.  Nagpalakpakan ang mga tao sa loob pero hindi pa rin naiaalis ang takot nito kay Wrath at sa mga kasamahan nito. "Are you gonna do to us. What you did to those three men?" Sabi ulit ng isang batang lalaki. Nagtaka sila dahil mangha ang nasa mata nito hindi takot. Ito yung kasama ng isang babaeng matapang kanina. Lumuhod si Wrath para maging kalebel ang bata. Napaatras naman ang mga madre. hula niya ay sa ampunan ang mga ito. Mamasyal siguro. "Little boy, you did nothing wrong. No one's should harm you. Those guys are in a syndicate. I mean, they are very bad people." Manghang sabi ni Wrath dahil nakatitig ang bata sa mga mata nito. It's the first time na may batang hindi natakot at umiyak dahil sa kanya. "But not very bad like you? You are badass. I wanna be like you. You guys are so awesome!" The boy said enthusiastically and Wrath chuckled sexily. Ang mga dalaga sa eroplano ay kinilig sa nakita. Ngunit may takot pa rin sa binata sa kaya nitong gawin. Wrath smiled at the little boy at ginulo nito ang buhok. Admiration can be seen in the eyes of the boy. This was the very first time Wrath interacted with a kid. And the very first time he liked one. "Hawk, stop recording." Bumalik ang normal na aura ni Wrath. Tumawa si Hawk at inistop ang pagvivideo. "Siguradong matutuwa nito si Domino kapag napanood niya ito." Tuwang sabi ni Hawk at biglang lumungkot ang puso ni Wrath. He miss her. Nag-landing na ang eroplano at bumukas na ang hagdanan. "Pwede bang pakiexplain kung anong dahilan ng lahat ng pangyayari kanina?" Tanong ng medyo takot na madre. "As I said those guys were in a syndicate. Maraming kargadong illegal na droga ang eroplanong ito. Pinatay nila ang piloto. At balak nilang patayin kayong lahat dahil killing hundreds would make them an Emperory." "Paano mo nalaman iyon?" "I heard them." Napatango ang mga nakikinig na pasahero at nagsibabaan na sila sa eroplano. Huli silang bumaba. Maraming pasahero ang nagpasalamat sa kanila. Pero marami pa ring natrauma sa kabrutalan ni Wrath. "Lies. Lies. Lies." Sabi ni Hawk. Nagpintig naman ang tenga ni Wrath. He is living in a lie all his life. And he even lied to his woman. The truth hurts him like a b***h. "Then, what do you want to tell them?That they almost died because of the underground cities war? Because we wanted the top rank again?" "Man." Medyo guiltyng sabi ni Hawk sa matigas na mukha ni Wrath. "I didn't even f****d up the whole plane because you told me not to. You know me. I wouldn't even hesitate to kill those people even if they're innocent." Napaiwas naman ng tingin si Hawk. May kinuha si Wrath sa mga gamit ng mga pinatay. Isang briefcase. Binuksan niya ito. At puro gems ang nandito. A signature of Power and Position. Sinara na niya ito. "Nakuha mo na ba lahat?" Tanong ni Hawk habang may minamanipula pa rin sa kanyang tablet. Dumating na ang tatlo. Nakaakbay si Titus sa bad mood na dalawa. "Oh, anong nangyari sa dalawa?" Tanong ni Hawk. Magaling talaga ang mata nito kahit nakita lang sila sa peripheral vision pati ekspresyon ay nababasa niya. "Eh, kasi nakita ko sa footage na nilipad din yung magazines at headphones nila." Tatawa-tawang sabi ni Titus habang nakasibangot ang dalawa. "Latest yung magazine na yon. At konti nalang ang piraso no'n. I haven't even reach the half of it." Pagmamaktol ni Pierce. "The headphones was also the latest. It cost 35k. Nakakainis." Chev pouted Titus tapped him on the back. "Guys, stop pouting tara na, naihanda ko na lahat. Paliparin niyo na ulit." Pumunta na agad si Pierce at Chev sa pilot seat at agad na pinalipad ang eroplano. Na-hack na ni Hawk ang systems ng airlines. Nakababa na rin lahat ang mga inosenteng pasahero. Nagulat ang mga engineer sa biglang paglipad ulit ng eroplano. Nagtaka sila sa pangyayari ngunit huli na, sa ZX Skull na ang eroplano. They just have to remodel this airplane to make it theirs. May bagong nakaw na naman sila. "Why are we flying again? We are already in Thailand." Nagulat ang ZX Skulls Gang nang may bulto ng maliit na nilalang ang nasa eroplano pa rin. "Anak ng tokwa, bakit mayroong daga rito?" Tanong ni Hawk. "Bakit hindi ka bumaba? Nasaan magulang mo?" Tanong ni Titus. Nagulat kasi sila dahil hindi nila naramdaman ang presensya nito. They should have known. This is not good. "I have no parents. So tell me jerks, where are we going?" Mataray na sabi ng batang babaeng nasa limang taong gulang lang ata. Eto rin yung batang babaeng malakas ang loob, naalala nilang kaibigan ito ng batang lalaki na naangasan sa gang nila. Namamangha sila dito dahil magaling magtago ng presensya ang bata. At bakas ang katalinuhan rito. Napangisi naman sila. "Philippines." Tamad na sabi ni Wrath habang umupo naman ito sa isang upuan. "What do we do with this little brat?" Asar na sabi ni Hawk. "I am not a fucki--" "Woah there, kiddo. Cursing is bad." Sabi ni Hawk. "But hey, she has the same attitude as Domino" Tuwang sabi ni Titus habang nilalaro ang kamay ng maliit na nilalang. Nagsusungit naman ang kakaibang bata. "Domino? How is she? Probably having a terrible life in the mental." Bulong ni Wrath habang nakatingin sa papalubog na araw sa labas. Bumayahe lang sila hanggang makabalik ng Pinas kasama ang isang kakaibang klaseng batang babae. +++++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD