Lahat ng mga pasyente ay pinagtipon sa may kainan ng ospital.
I slammed down on my seat. Naiirita. May misteryo talaga dito sa ospital na ito at nabbwisit ako dahil hindi ko makita si Achesia at Titus. Kasabay namin lagi kumain ang mga taga ibang ward. Pero lagi silang sa may dulo.
Kanina ko pa sila hinahanap but I couldn't find them. Nasa dulo lang ang mga taga Ward C.
Dahil harmful at bayolente ang iba sa kanila.
Sa inis ko ay tinignan ko na lang ang paligid. Maraming nurse ang pakalat kalat. Maraming pasyente ang mga may saltik talaga at meron ding tahimik lang at may sariling mundo.
Nakita kong si Cara ay kumakain na sa tabi ko. Wala siyang paki sa paligid. Natatawa niyang tiningnan ang asar kong mukha.
"Alam mo Hiyo, kumain ka nalang kailangan natin ng lakas mamaya." Bahagya niyang bulong sa akin. Napakunot ang noo ko at sumubo ng isang sandok ng kanin at sabaw ng sinigang.
"Bakit anong meron?"
She leaned in at naging seryoso. "Basta. Ihanda mo ang sarili mo mamaya. Tatakas tayo."
Bigla naman akong nabuhayan ng dugo at medyo napailing.
"Cara. Hindi pa ngayon."
"Look Hiyo, wala na sila Titus at Achesia rito."
Medyo naman sumama ang timpla ko. Anong wala na sila?
"Papaano mo nalaman? Si Titus ay wala na talaga pero si Achesia? Kausap ko lang siya kagabi."
"Kaninang alas sinco nang magcr ako may sumundong mga kalalakihan kay Achesia."
"What? Tell me, may mask ba silang suot, anong postura nila, anong armas ang gamit nila?" Napatigil sa pagkain si Cara at nagtatakang tumingin sa akin.
"Alam mo bang ilang linggo ko ng pinag-iisipan kung bakit ang dami mong alam tungkol sa Underground na mga bagay bagay?"
Tahimik lang ako at napaiwas ng tingin. I can't trust anyone now. Dahil pwede silang maging susi sa ikababagsak ko kung sakali.
"Look. Kasi yan na yan din ang unang itatanong ng isang gang member kapag narinig nila yon. Nagtataka lang ako. Sino ka ba talaga Heoucrux?" She asked curiously. And I dont know If I can deceive a girl with a High IQ.
Yumuko ako at umarte. I know a person like her. Hindi siya madaling lokohin dahil sa IQ niya and I will act like how Domino Thirteen deceives.
I hate to lie again but this is for my safety. I am not capable of trusting again, it would lead me to danger. I fiddled with my fingers and I eyed my lap. I was shaking. And looks like I am terrified of something. I am quite an actress.
I can be quite manipulative if I want to.
and I said the most shitty lie.
"Cara, I'm Chrome's Daughter."
Napabitaw siya sa kutsara niya at halatang nagulat. Kunwari hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. Nakanganga siya na pilit may iniisip.
"You are the Daughter of the old founder of Rulers City?" Pabulong niyang sabi at halatang manghang-mangha.
Tumango ako. I can see that she easily believed me. I hate lying to her. After all she became my friend. But then at situations like this I need to lie. I need to deceive.
"Oh God! Kaya pala ang dami mong alam. Bali-balita na pati ang anak ni Chrome ay nabighani rin ng isa sa mga Rulers of Death right? At kinabaliwan daw ng anak ni Chrome si Wrath. So tell me, do you really love Wrath?"
I need to act pained or whatever in the sound of his name dahil baka may connection nga sila. But hindi ko na rin naitago ang totoong nadarama.
Nasasaktan ako at the sound of his name and a tear immediately flows down my face. I felt like my heart is being ripped off nang maalala kong ipinaubaya niya ako sa taong hindi ko kilala para sa Levi na iyon.
Ang sakit sakit na hindi ka piliin ng mahal mo. At may pinili siyang iba kaysa sayo. I dont know, sa tagal kong tinago ang nadarama ko ay napahagulgol ako, sunod-sunod ang mga luha na tumulo. Hinawakan ko ang bandang dibdib ko, bakit ka namimilipit sa sakit? Pangalan lang ni Wrath yon. Pangalan lang ng taong mahal mo!
Pero yun nga kaya ka nasasaktan kasi mahal mo!
Why the f**k did he choose him over me? What's with his brother? Nakakapangselos at nakakainggit si Levi.
Naramdaman kong may humagod sa likod ko at bahagyang tumahimik ang paligid tapos biglang may narinig akong samu't saring iyak at hagulgol. Mga may saltik nga naman. Huminto na ako saglit at napahinahon pero masakit pa rin.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay Cara. She is also hurt as I can see the vulnerable emotions in her eyes.
"Thank you."
Pinunasan niya rin ang mga luhang papatak sa mata niya at ngumiti kahit nababasa ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Hey Cara are you okay? Bakit ka umiiyak?" Hindi na ako umaarte ngayon. I am genuinely concern with her. She shook her head.
"Wala. Wala naman, kasi totoo pala ang chismis kay Charisma at Wrath and he is a playboy after all pareho lang sila ng kaibigan niyang si Titus. Mga manloloko."
"Wait. Hindi naman manloloko si Wrath, si Titus oo, sagad sa buto ang hayup na iyon."
"Charisma, ginamit ka lang ni Wrath para makuha ang 50 gems mo."
Nagulat ako at parang nabuhusan ng nalamig na tubig. I was istunned. Bakit ginawa iyon ni Wrath? Why does he need 50 gems? If he already had 50 gems then that will make him kicked out of Rulers of Death dahil tataas ang posisyon niya. But what made him do that? What for?
"Yeah, I know but he did love me for a minute or a second, but that's all I could ask for."
Napabuntong hininga siya at kinuha na ng mga nurse ang plato namin.
"I know it hurts so much. I know it does. Na pipiliin mo nalang magsinungaling sa sarili mo na mahal ka niya but girl wake up. They don't love us. They don't know the word love."
Because if he does. He wont leave me in this place, he wont leave me in danger, he wont let me suffer. If he loves me, he will never leave me. He will never make me feel this small.
May namumuong galit sa loob ko. Galit ako kay Wrath. All I know is that all my love for him suddenly became anger. Nakakapagod magmahal lalo na kung hindi ka naman tunay na mahal ng taong mahal mo. All I knew is, I want to make him taste the bitterness of what I feel.
Nasasaktan pa rin ako sa loob ko pero hindi na lungkot ang nararamdaman ko. I am so mad. Mad that I want vengeance for what he did. I want him to repay dahil sa kanya, nandito ako sa mental andito ako, nakakaranas ng impyerno ni wala akong kalayaan dito!
Nilingon ko si Cara at napaiwas siya saglit sa mata kong nag aapoy na ata sa galit.
"Ikaw Cara. Minahal mo ba ng sobra si Titus?"
She looked at me at para siyang maamong pusa. Tumingin siya sa kalangitan at sobrang madamdamin ang expression na ipinakita niya.
"Yeah. I love Titus so much, by the way I am Titanium Lyre. Nice meeting you Charisma."
She smiled at nakipaghand shake sa akin. Pinigilan ko ang mga emosyon ko. Pinigilan kong wag maging guilty. Because it wont do me good. I'll try to be heartless and an emotionless b***h once again.
I need to win the war.
Nabigla naman ako nang nakangiti pa rin at mayroong bumasag ng mga salaming bintana ng hospital. Nagkagulo sa loob at may nakita akong maliit na helicopter, yung sing size lang ng tricycle ang pumasok sa basag na salamin.
~
Nagkakagulo. Umiiyak at sumisigaw ang mga nakakarinding mga pasyente. Natatakot sa mga biglaang pagbasag ng mga salamin. Nagsipuntahan ang mga guard at mga opsyales sa pinangyayarihan.
Hinatak ni Cara si Heoucrux papunta sa helicopter at madalian silang sumakay roon. Ito na ang sinasabi ni Cara na pagtakas. At nagkakagulo pa rin sa loob ng mental.
Nakita ni Heoucrux ang mga lalaking nurse na tumakbo papunta sa kanila at hinihila nila sila Cara para hindi sila makaalis. Pinipigilan nila ang dalawa na makaalis.
Bumaba si Heoucrux saglit para patulugin ang mga nurse. Nanggigil siya at galit na galit. Halo-halo ang emosyon niya.
Sinipa niya sa p*********i ang unang nurse na bumuhat sa kanya pabalik. Tinuhod niya sa may tiyan ang sunod. Binigyan niya ng round kick ang pangatlo at sinaksak niya ng tinidor sa may pulso ang pang-apat, naubos na sila. At isa ang napansin niya. Underlings sila ni Scarface dahil sa galaw at paraan ng pakikipaglaban. Nakita niya si Scarface na papunta sa kinapupwestuhan nila.
Niyukom ni Heoucrux ang kamao.
Agad siyang lumapit kay Cara dahil hindi pa siya tapos at dahil alam niyang siya ang puntirya nung Scarface na iyon. Tinulungan ni Heoucrux si Cara sa pag dispatsya. Nanunood ang mga nurse at mga pasyente, ang iba ay namamangha, ang iba ay nanginginig sa takot lalo na sa babaeng Heoucrux dahil nakangisi ito at walang habas na pinatutulog ang mga kalaban.
May lumapit sa kanya na isang guard at mabilisan niyang kinuha ang baril nito agad niyang pinaputukan sa tuhod, paa at braso ang mga lalaking sumusugod kay Cara. Heoucrux got nice posture, she looks great with a gun .
Not making any necessary movements. Nakita ni Heoucrux ang buong paligid.
"Cara! Sakay na, ikaw na magpatakbo tulog na piloto mo!" Sigaw sa kanya ni Heou and she nodded at binuksan ang namatay na engine ng kakaibang helicopter.
Nakasakay na sa loob si Cara kinakaban sa ipinapakita ni Heoucrux, hinahantay niya ito. Lumapit si Scarface at ngumisi ang dalaga sa kanya. Napaatras ito sa dalang kakaibang atmosphere na bumabalot kay Heoucrux.
"Scarface, buti naman nakapunta ka sa despidida namin." Nanginig sa takot at napakurap sila sa kalamigan ng boses nito, hindi rin magawang tumitig ng matagal ni Cara sa kakaibang kaibigan.
Napaatras kahit si Scarface.
"Heoucrux. Put that gun down." Umaarte siya na parang inosente at mahina, mas lalong lumaki ang ngisi ng nakakatakot na dalaga at matigas niyang ipinaramdam ang kalamigan na nagmumula sa kanya.
"Umamin ka na rin sa wakas. Sasabihan mo pa kong baliw at may saltik. Anyway, it is legal to kill you nasa Death list pa rin naman ang pangalan mo so--"
Hindi na talaga maganda ang ipinapakita ni Heoucrux dahil para siyang demonyo na nakatingin dito pailalim, parang binubuksan ang kaluluwa mo habang nasa labi ang kasindak sindak na ngisi.
"Wait, wait, dont kill me. Mayroon akong hawak na sikreto na makakapagbago sa lahat. Please dont kill me." Pagmamakaawa niya at tinutok niya pa kay Scarface ang baril.
Tama lang ang distansya nila. He was begging for his life and so afraid of the lady infront of him.
"And what is it?"
Tahimik ang lahat at para siyang demonyong kinakatakutan. Hindi na rin makahinga si Titanium Lyre ang dating isa sa mga Era Queens noong Old Era dahil sa ipinapakita ni Heoucrux na akala niya ay si Charisma.
"A-about the Emperors. Kung s-sino ang nagutos sa akin n-na sabihing b-baliw ka. A-about the ZX Skulls Gang, the Rulers of Death, j-just please let me l-live--" Nagkandautal-utal na ito sa nginig at takot. Ibang iba ang Heoucrux na ito.
Naputol ang sasabihin niya nang agad na pinatamaan siya nito sa mata. Dumiretso sa mata niya ang bala at napaluhod siya, nakangangang hindi makapaniwala. Kinalibutan ang mga nanonood sa ginawa ng dalaga. Nang biglang matauhan ang lalaki nang maramdaman niya ang hapdi at sakit na idinulot ng bala sa mata.
"Oh God! What have you done? My eyes! My eyes!" Sigaw niya hawak ang binaril na kaliwang mata niya. Napahiga siya at nakatitig ang mga mga tao lalong lumakas ang iyakan at takot nila sa ginawa ng dalaga. Tumawa siya ng malakas at nang hindi tumigil sa pag-iyak si Scarface ay binatukan siya ng dalaga sa batok gamit ang likod ng baril para makatulog ito.
Galit si Heoucrux pero nakangisi ito at dinaan na naman sa kabrutalan.
"Walanghiya ka! Wala kang puso!"
"Halimaw ka! Lumayas ka rito!" Sigaw ng nga pasyente at nurse. Napailing siya at kinuha ang laylayan ng damit nang tulog na binata at hinilahod ang katawan nito papuntang helicopter at binuhat niya ito paakyat.
Nagulat sila ng kayang buhatin ng dalaga ang isang lalaki. Umakyat na rin siya. Gano'n pa rin ang aura.
Napansin niyang nakanganga si Cara sa ginawa ng dalaga. Medyo kinalibutan ito dahil hindi manlang ito kumurap nang barilin ang mata ng lalaking inakyat sa helicopter.
Isa lang ang nasa isip niya. 'Demonyo ang nasa harapan ko.'
Umupo na rin siya sa loob ng helicopter at binagsak ang ulo ni Scarface sa sahig. Lumuluhang dugo ang binata sa ginawa niya at nakabukas ang mata nito, kitang kita ang likod ng bala na nasa mata nito. Nakakadiring isipin at nasuka pa si Cara nang matitigan ang lalaki. Isinara naman ni Heoucrux ang mga mata ni Scarface.
Hindi na pinigilan ng mga tao ang helicopter dahilan sa kahindik-hindik balahibong anyo ng doktor nila kuno at sa ginawa ni Heoucrux. Mas mabuti pang umalis na iyon kaysa madamay pa sila sa pagpatay nito.
Nanginginig na pinatakbo ni Cara ang eroplano. Nagdadalawang isip kung tama bang itinakas niya rin kasama si Heoucrux na alam niyang anak ni Chrome na si Charisma.
Lumipad sila sa ere.
At may binato si Heoucrux mula sa ibabaw nang makataas na sila.
Sumabog ito ng sobrang lakas at nasunog at nasira ang buong mental ospital.
Narinig pa nila ang malakas na iyakan at palahaw ng mga taong naroon sa loob.
"The f**k Heoucrux? Baka may mga inosente roon! At sa'n mo nakuha yung granada?" Sabi ni Cara sa walang paki na si Heoucrux. Nagtataka siya. Walang puso ang kasama niya ngayon. Kahit sino kayang patayin nito.
"Matagal ko ng planong pasabugin yang ospital. Kaya matagal na akong may dalang granada, napulot ko ito sa may basement."
Binigay ito ni Achesia.
"God! Wala ka man lang bang puso? Paano yung mga pamilya ng napatay mo? Paano yung mga inosente doon?" Pangaral ni Cara, hindi kinaya ang mga kayang gawin ni Heoucrux.
"Cara, tandaan mong sa mundo natin, hindi ka pwedeng maging mabuting tao kasi yan ang unang papatay sayo. And that Hospital had are profiles and our real identities. Our enemies would find us immediately kung hindi natin papatayin ang mga witness."
"But I mean, pinatakas mo man lang sila bago mo pinasabog."
"You can't expect a criminal to be kind, Cara. Because everyone in this world is unkind in different ways. You just have to be the baddest para hindi ka nila maisahan. There's no room for kindness in the world we live, Cara."
Napatango nalang si Cara sa kalamigan ni Heoucrux.
Pinagmasdan niya ang ere kung saan sila lumilipad sakay ng helicopter. Ang ere kung saan siya tumambay ng mga panahong hindi siya pinili ni Wrath at iniwan sa ere.
Binuksan ni Heoucrux ang pinto ng helicopter at inihulog sa ere si Scarface. Tila naman nagising si Scarface at ang narinig nalang nila ay ang mahihinang sigaw nito habang hinaharap ang nalalapit na kamatayan.
Napangisi siya ng mapait at napagdesisyunang ibaon ang mga emosyon at baguhin ang sarili.
"This is for the best."
+++++