Chapter 6

2078 Words
Iyak ako ng iyak hanggang sa nakasakay ako ng taxi kaya kahit ang driver medyo nababahala na rin. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa paghahalo ng sipon at luha. "Ma'am, maaari niyo pong sabihin sa akin ang problema ninyo para kahit papaano magiging magaan sa pakiramdam," bigla kong tiningnan ang driver sa rear view mirror. He smiled a bit so I sighed. Pinilit kong ihinto ang malakas na pag hagulgol saka pilit na ngumiti sa driver. "Kuya, may asawa po kayo?" marahan na tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang traydor na ayaw huminto sa pagtulo. "Opo, Ma'am," nakangiting sagot niya habang pasulyap-sulyap sa akin sa salamin. Marahan akong tumango sa naging sagot niya saka bahagyang napaisip. The way he smile and the twinkle of his eyes are telling me that he really love his wife. Nakita ko na rin ang ngiti na tulad ng ganoon kay Jeck. Pero hindi para sa akin. "Masaya po ako para sa inyo, Kuya," sabi ko gamit ang maliit na boses. "Kayo po?" tanong niya na ikinatango ko ng mahina. "Yes, isang taon po." "Nag-away po ba kayo ni Mister? Naku, Ma'am, normal lang sa mag-asawa ang mag-away. Kami nga ng asawa po halos araw-araw kaya laging may basag na plato at baso sa bahay," sabi niya na sinabayan pa ng tawa kaya napangiti na rin ako. Sana nga nag-away na lang kami dahil kahit sa paraang iyon magiging masaya pa ako sa atensyon na ibibigay niya. Mas gugustuhin ko pang awayin niya ako kaysa makita ko siya na may kahalikang iba na siyang dumurog sa puso ko. "Ang sakit po, Kuya, nasasaktan ako. Iyong tipo ng durog na durog na ako pero may mas idudurog pa pala," parang bata na sumbong ko kaya napabuntong hininga si Kuya. "Maganda ka po, Ma'am. Kung wala ka lang asawa irereto kita sa anak kong binata. Engineer na iyon, kapapasa lang sa board exam," bahagya akong natawa kaya natawa na rin siya na parang nabuhayan ng loob kasi napatawa niya ako. Naging tahimik na kami hanggang sa huminto kami sa tapat ng gate namin. Dahan-dahan akong lumabas saka nginitian si Kuya. "Salamat po," magalang na sabi ko kaya tumango na rin siya saka umalis na. Wala sa sarili akong naglalakad patungo sa gate namin na sarado. My knees are so weak and I might cry again later. Pumikit ako ng mariin bago pinindot ang doorbell saka parang lasing na sumandal sa gilid. "Ma'am Eya?!" gulat na tanong ng guard nang mabuksan niya ang pinto. "Hi po," marahan kong sabi saka pumasok habang nakayuko ng kaunti para hindi niya makita ang namamaga kong mga mata. Tumingin at sumilip pa siya sa labas na parang may hinahanap kung may kasama ba ako o wala. At nang napagtanto na wala kaagad niyang sinara ang pinto. Dala-dala ang mabigat na pakiramdam, wala sa sarili akong humakbang patungo sa likuran kung nasaan ang pool. Pagkarating ko doon agad akong umupo sa gilid saka walang pakialam na nilaro ang paa ko sa pool kahit pa nababasa na ang ilalim ng damit na suot. Sabay-sabay na namang tumulo ang mga luha ko na parang mga ulan na sunod-sunod. Hinayaan kong kumawala ang hikbi at hagulgol na maaaring mag pagaan ng pakiramdam ko. Alam ko namang hindi niya ako mahal. Tanggap ko iyon. Pero bakit parang ang unfair niya naman. I am there! I am there with him yet he is making out with his woman in the powder room. Hindi man lang siya nag-isip na maaaring may makakita sa kanila na iba. He is not afraid to ruin his name just for his girl. I am jealous because that was suppose to me because I am his wife. Pero papel nga lang naman ang hawak ko. Puso ang hawak ng babaeng iyon kaya talo na ako. The stars are with me while I am crying tonight because of my bleeding heart. Sa gitna ng sakit nagawa ko paring tinghalain ang mga bituin saka marahan silang binigyan ng ngiti. Sabi nila kapag daw nag wish sa star magkatotoo. I was a fool to believe that but I am always wishing for my husband to see me as his wife. Kahit kakarampot na atensyon lang. Kahit tira-tira lang magiging masaya na sana ako. Habang naghihilamos ako ng mga luha ko nagawa ko pa ring tumayo. Binuksan ko ang pintuan na galing dito saka dahan-dahan pumasok. Pagkarating ko sa living room ay may narinig akong tunog ng isang pamilyar na kotse. Mas lalong lumakas ang pag-agos ng luha sa mga mata ko at kasabay nito ay ang mabilis na pag bukas ng pinto. Gusto ko siyang lingunin na may ngiti sa mga labi pero hindi ko ito nagawa. Ang matapang na amoy niya ang kaagad na nanuot sa ilong ko pero sa ngayon may matamis na halo na ito kaya mas lalo lang akong nasaktan. Marahas kong pinahid ang mga luha ko saka mabilis na tumakbo papunta sa itaas na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. I immediately ran inside my shower to soak myself in the cold water. Napahagulgol ako ng malakas habang nababasa na ng tuluyan ang buong katawan ko. After taking a bath I forced myself to sleep but I just couldn't. Pinili kong magsuot ng night robe saka mabilis na bumaba at sa garden dumiretso. At kagaya kanina tininghala ko muli ang mga bituin habang sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. They are shining and they are so beautiful. Wala sa sariling napahawak ako sa itaas ng puso ko na siyang kumikirot pa rin. This heart just wants simple attention but it keeps on receiving heartaches. Kasalanan ko ba? Na minahal ko ang asawa ko kahit una palang alam kong may mahal siyang iba? I chose to fell in love with him. At isinusumpa ko na hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal ko siya. Marahan akong tumalikod para sana pumasok na sa loob ng bahay pero kaagad akong natigilan sa nakita. Jeck is seriously standing in front of me while holding a glass of wine. He's just wearing his cotton shorts and white plain t-shirt while staring at me. Umigting ang panga niya habang sinusundan ng tingin ang pagtulo ng mga luha ko kaya mabilis akong tumingin sa gilid. Ilang sandali pa nagkaroon ako ng lakas ng loob na salubungin ang malamig niyang mga mata. I gave him my sweetest smile even though my eyes are full of tears and my heart is bleeding. "Mauna na ako, goodnight, Jeck," marahan na sabi ko diretso sa mga mata niya pero ni isang reaksyon wala siyang pinakita. Marahan ko siyang tinanguan saka bahagyang yumuko at nagsimula nang maglakad papasok. Nang tuluyan akong makapasok saglit ko siyang nilingon at nakita ko na naglalakad na siya papunta sa likuran na parang walang pakialam. Malungkot akong ngumiti habang tinatanaw ang likuran niya. Kinabukasan maaga akong nagising saka unang hinanda ang susuotin ni Jeck para sa trabaho bago bumaba. Pero sinigurado ko muna na maayos kong natakpan ng makeup ang namamaga kong mga mata para hindi na magtanong si Manang. Pagkarating ko sa kusina kaagad ko siyang naabutan doon kaya ngumiti ako ng kaunti bago binuksan ang ref. "Sinabi sa akin ni Lando na mag-isa ka raw na umuwi kagabi? Diba magkasama kayo ng asawa mong umalis?" Hindi ko inaasahang tanong niya kaya bahagya akong natigilan. I cleared my throat before turning to her again. "Nauna po ako, Manang," mahinang sagot ko kaya napabuntong hininga siya ng malakas. "Anak, hindi ako magtatanong kasi alam kong ayaw mong pag-usapan. Pero palagi mong tatandaan na narito lang ako lagi para makinig. Huwag mo sanang kakalimutan iyon." Tumango ako ng dalawang beses saka nginitian si Manang ng matamlay bago mag-umpisang magluto ng pagkain. Nang matapos akong magluto ako rin mismo ang nagdala ng lahat sa lamesa kung saan kami kumakain. "Hi, goodmorning," bati ko kay Jeck na may pilit na ngiti kasi nakita kong naglalakad na siya papunta dito. Hindi niya ako pinansin kagaya ng mga unang araw kaya maingat na lang rin akong umupo para sabayan siyang kumain. Nasa gitna kami ng pagkain nang biglang tumunog ang phone niya na nakalagay malapit sa akin kaya hindi ko maiwasang silipin iyon. Someone's calling him. The name is Denise. Mabilis niyang kinuha ang phone saka agad na sinagot ang tawag sa harap ko. Pinilit kong tapusin ang pagkain ko pero hindi ko maiwasang makinig. "Yes? Dadaan ako sa condo mo bago pumasok sa opisina." Natigil ang akmang pagsubo ko nang marinig iyon. Napakurap ako dahil agad na namang namuo ang luha sa mga mata ko. Nang inangat ko ang tingin ko ay kasabay rin nito ang pagtayo niya. Nakita kong hindi pa niya nakakalahati ang pagkain sa plato niya kaya sinubukan kong ibuka ang bibig para punahin iyon kaya lang kaagad na niyang naglakad. Wala sa sariling sinundan ko siya hanggang sa makasakay siya ng kotse niya. Malungkot akong ngumiti dahil doon. Denise pala ang pangalan ng babae? It sounds so good and sweet. Bagay sa kanya kasi maganda siya. Matamlay akong bumalik sa lamesa pero hindi na ako kumain ulit kasi nawalan na ako ng gana. Nang makabalik ako sa kwarto naramdaman kong mas malulungkot pa ako lalo kung mananatili lang ako dito sa bahay kaya naisipan kong bisitahin si Joy sa condo niya. I don't know how to drive so I asked our driver to drive for me. "Salamat po, Manong," nakangiting sabi ko bago bumaba. "Hihintayin ko po kayo, Ma'am?" tanong niya kaya bahagya akong umiling bago naglakad papasok sa loob. Sa front desk muna ako dumiretso at dahil kilala na nila ako na bestfriend ni Joy at mabilis akong pinayagang pumasok. Kakalipat lang ni Joy sa building na 'to kaya unang beses ko ring makita ang condo niya. I need her to make me happy. But I won't tell her anything. Nang bumukas ang elevator kaagad nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita kung sino ang naghihintay sa labas. Nagkatinginan kami ni Jeck at kita ko sa mga mata niya ang gulat pero kaagad ring bumalik sa seryoso. "Come on, babe," malambing na sabi ng babaeng nakakapit sa braso niya kaya doon nabaling ang tingin ko. When the girl saw me her eyes widened in shock but she did not get her hand away from my husband's arm. "May lalabas ba?" iritadong tanong ng isang lalaki kaya dali-dali akong lumabas at pumasok rin sila Jeck. Napalunok ako ng mariin saka malungkot na tumitig kay Jeck na nakaharap na sa babae ngayon. Namasa ang mga mata ko at noong papasara na ang elevator ay kaagad na nagtagpo ang mga mata namin. Nagawa ko pa siyang bigyan ng isang pilit na ngiti bago tuluyang sumara ang elevator. Kailan kaya magiging ako 'yon? Napakurap ako sandali bago tinuloy ang paglalakad papunta sa unit ni Joy na parang walang nangyari, na parang hindi ako ulit nasaktan. Pagkarating ko sa tapat ng condo ni Joy kaagad itong bumukas at nakita ko siya na sobrang laki ng ngiti. "You're here! Come! I'll show you my condo! Start na ng independent life ko! I am so excited! Pero baka gusto mo mag-gift sa akin. I still need a tv and fridge! Wala na akong pera!" Dahil sa sobrang bilis ng pagsasalita niya ay nagawa kong tumawa. "Wala nga akong pera," sabi ko kaya inirapan niya ako. "Nahiya naman ako sa milyones na halaga ng paintings mo. Kailangan mo ba ng assistant? Kahit fifty thousand a month lang," dahil sa sinabi niya doon lang ako humagalpak ng tawa dahil sa tuwa. "Joy, you are earning a lot!" giit ko pero inirapan lang niya ulit ako. "I want to earn as much as you earn in every painting you sell!" "Mag-paint ka rin?" "Argg! Sana may talent ako eh no?" Natawa ulit ako ng malakas sabay lakad papunta sa living room niya na medyo malaki-laki rin. Pasalpak ako na umupo sa couch kaya inis niya akong binato ng throw pillow. "Ouch!" "Bumisita ka nga wala ka man lang dalang pagkain!" At dahil sa pagbisita ko kay Joy nagawa kong tumawa na hindi peke. Nagawa kong kalimutan ang sakit na pinaramdam ni Jeck kahit ilang oras lang. Pero alam kong pag-uwi ko kaagad babalik sa akin ang lahat ng sakit at lungkot na gusto kong takasan. But pain is just a part of love. I can handle the pain. I will handle the pain. Kahit ilang dekada pa ang aabutin para lang bumaling sa akin ang buong atensyon ni Jeck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD