"Let's go!" hinila ni Aidan ang kamay niya palayo kay Leticia. Walang tigil naman ang iyak ni Leticia habang palayo sila. Marahil hindi nito matanggap ang nangyari kanina. Marami siyang gustong itanong kay Aidan. Ngunit hindi niya kayang komprotahin habang nasa loob sila. Ayaw niyang marinig ng Yaya niya ang ginawa niya dahil ayaw niyang makadagdag sa problema nito. Minabuti na lang niyang ituon ang pansin sa kanyang Yaya ang oras niya habang nasa loob sila ng sasakyan. Katabi kasi ni Aidan ang driver ni Lolo na maghahatid sa 'min pabalik ng Manila. "Ma'am, Devon, maraming salamat po sa tulong n'yo mas mapapadali na ang paggaling ni Nanay," sabi ng bunsong anak nito. Ngumiti siya at tinapik ito sa balikat. "Walang anuman ang mahalaga ay gumaling na si Yaya." Pinagmasdan pa niya ito haba