Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Tim. Tatlong taon na itong nasa Amerika kasama ang lolo niyang bilyonaryo.
"You have nine days left to prove us that you have a new boyfriend my little sister," wika ni Tim habang nasa kabilang linya.
"s**t!" Mahina niyang sabi niya habang nakikinig.
"Wala ka bang sasabihin Devon?" Tanong ni Tim.
"Wala! Anong gusto mong sabihin ko sa'yo? Inip na inip na nga akong bumalik kayong dalawa ni lolo dito sa Pilipinas para ipakilala ko sa inyo ang boyfriend ko."
"Really? Well, goodluck Devon!" Sabay halakhak ni Tim.
Pinindot niya ang end sa screen ng cellphone niya pagkatapos ibinato niya ang cellphone niya sa dingding. Sira-sira itong bumagsak sa semento. Nilamukos niya ang mukha sa sobrang inis.
"Damn! Damn it!"
Siyam na araw pa ang nalalabi bago muling bumalik ang kanyang lolo at kapatid na lalaki na si Tim. Labing apat na taon na siya at certified single, nagkaroon siya ng boyfriend ngunit naghiwalay lang din sila nang napagod na siya rito. Ngayon single siya at masaya sa pagiging happy go lucky. Wala siyang alam kung hindi ang paglustay ng pera ng mga magulang niyang matagal ng yumao.
Naisipan bumalik ng lolo niya sa Pilipinas dahil nais nitong makilala ang imaginary boyfriend niya. Dahil sa pangungulit ng kanyang lolo, sinabi niya na may boyfriend na siya. Ngayon tuloy ay sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kung sinong anak ni Adan ang ihaharap niya sa lolo niya bilang boyfriend.
"Kailangan kong may ipakitang boyfriend kay lolo at kuya para hindi ako alisan ng mana."
Kinuha niya ang susi ng kotse niya at lumabas ng condo unit niya. Pupuntahan niya ang matalik niyang kaibigan na si Pam.
"Devon? My God! Hindi ba ako nanaginip? Nandito ka sa bahay ko," nakangiti na sabi ni Pamela ang college friend niya.
Umiikot ang eyeballs niya. Tapos tumingin siya sa loob ng bahay nito. Napansin naman 'yon ni Pamela. "Come in."
"Thank you!" Sumalapak siya sa malambot na kama nito.
Kumuha ng maiinom si Pamela sa kusina habang siya ay nakahiga sa malambot na sofa at pinikit ang mga mata. Nakaramdam kasi siya nga antok. Bukod kasi sa sumasakit ang ulo niya dahil sa long distance call ng kuya Tim niya, sumasakit din ang ulo niya dahil sa hangover sa ininom niyang alak kagabi. Alas tres na kasi siya ng madaling araw nakauwi ng condo. Mabuti na lang at nakapagbanlaw siya ng beer kung hindi baka hindi na siya nakauwi kanina.
"Hey! Devon! Gumising ka nga! Pumunta ka lang ba rito para dumayo ng tulog?" Sabi ng kaibigan niya si Pamela. Inilapag nito ang hawak niyang tray sa table na nasa harapan niya.
Idinilat niya ang mga mata niya pagkatapos dinampot niya ang maliit na pillow na nasa sofa at itinakip niya sa kanyang mukha. "Can I take a nap here?"
"I'll kick your ass." Tugon ng kaibigan niya.
Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya pagkatapos bumangon siya at pailalim niya itong tinitigan ng masama. "Ang sama mo sa akin akala ko bestfriend tayo."
Nilagyan ni Pamela ng juice ang baso na dala-dala niya. "Devon, bestfriend tayo at hindi ko kinukunsinti ang pagiging lasinggera mo. Kung hindi ko pa alam na kaya ka ganyan dahil inumaga ka ng uwi dahil sa sobrang pag-e-enjoy mo sa party," sermon ni Pamela.
"Fine! I'm sorry, nakalimutan kong i-text ka naging busy kasi ako kagabi."
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" Deretsahang tanong ni Pamela sa kaniya.
Lumapit siya sa kaibigan niyang si Pamela at hinawakan niya ang kamay nito."I have something to tell you pero sana wag kang magagalit."
Kunot ang noo ni Pamela habang nakatingin sa kanya. "Don't tell me lesbian ka?"
"That so funny!" Sabay irap niya sa kaibigan.
"Ano nga iyon?"
"I need a boyfriend right now."
Tumaas ang kilay ni Pamela habang nakatingin sa kanya. "Baliw ka ba? May boyfriend ka 'di ba? Tapos maghahanap ka ulit? Break na kayo?" Naguguluhang tanong ni Pamela sa kaniya.
"Wala akong boyfriend, Pam." Yumuko pa siya upang hindi niya makita ang mapanuring mga mata ng kaibigan.
"And who's Peter? Your one year boyfriend."
"My imaginary boyfriend. Isipin mo ng baliw ako pero sinabi ko lang iyon sa'yo at sa barkada dahil ayokong kinukulit ninyo ako sa tuwing binanggit natin ang boyfriend. I'm sorry kung nagsinungaling ako sa inyo."
"Baliw ka nga!" Sagot ni Pamela matapos niyang marinig ang sinabi niya.
"I'm sorry! Please help, Pamela, kailangan ko ng boyfriend ngayon para ipakilala kay kuya at lolo. After nine days nandito na sila sa Pilipinas para makita at makilala ang boyfriend ko."
"Sagutin mo si Ricky."
"Ayoko sa kanya. Ang sabi ko kay lolo macho ang boyfriend ko. Si Ricky isang pirma na lang ng butiki ay hihimlay na."
Humalakhak si Pamela. "Grabe ka kay Ricky may asim pa iyon at stable pa ang business, saan ka pa!"
Hinawakan niya ang sentido. "Bagay sa kanya ang business niyang hospital dahil mukhang doon ang takbo niya everyday. Kung si Ricky ang sinabi ko mas lalo silang hindi maniniwala sa'kin."
Dinampot niya ang basong may lamang juice at tinungga niya iyon.
"So, kung ayaw mo si Ricky, Sino? May papayag bang maging boyfriend mo sa loob ng siyam na araw?"
"Kaya nga ako nandito para tulungan mo tapos ibabalik mo sa'kin ang tanong."
"Ano kaya kung mag hunt tayo sa mga bar. Yung bar na pang low class. Marami kasing mga lalaking macho doon na pwede mong i-hired bilang nine days boyfriend."
Lumapad ang ngiti niya. "That's a brilliant idea!" Tumayo siya at binitbit ang maliit na handbag niya. "Let's go, Pamela, operation finding a new boyfriend."
Tumayo na rin ito. "Go ako diyan! Wait for me Devon magbibihis lang ako. It's your treat okay?"
"As always," lumalabi pa niyang sabi.
"Okay!" Tapos nagmadaling pumasok sa kanyang silid.
"Make it faster, Pam. You have two hours left!" Pahabol niyang sigaw sa kaibigan.
Matagal kasi itong mag-ayos sa sarili marami kasi itong nilalagay sa mukha. Hindi katulad niyang lipstick at pulbos lang. Hindi rin siya mahilig magsuot ng mga kikay dress, maong na pants at fitted na blouse ang suot niya lagi. Minsan nagsusuot siya ng jacket kapag sobrang lamig ng pupuntahan nilang party.
HINDI natupad ang two hours na pag-aayos ni Pamela dahil umabot siya ng tatlong oras para sa pag-aayos. Sa isang low class na bar sila pumunta malapit sa C5 pagpasok pa lang nila. Amoy na amoy nila ang usok ng sigarilyo at amoy ng alak na makakasalubong nila.
"Miss, may I have your order?" Tanong ng waiter sa bar na iyon. Pagpasok kasi nila sa bar na ay may nag-assist sa kanilang waiter at inabot ang menu sa kanila. Pagkalipas ng sampung minuto ay muli itong lumapit sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa. "Ikaw ang may alam dito, Pam, ikaw na ang bahala."
Ngumiti si Pamela sa waiter. "I'd like to order the expensive wine."
Nanlaki ang mata ng waiter. "Are you sure, Miss?" Tanong ng waiter na halos hindi makapaniwala sa order nila.
Tinaas ni Devon ang kanang kilay. "Yes, there's any problem?"
Umiling ang waiter. "No, Miss."
Nakataas pa rin ang kilay ni Devon habang kumukuha ng pera sa bag. "How much your Expensive wine?"
"Later, Miss, I'll get your order right away."
Umikot ang eyeballs niya. " Go!"
"Mukhang maraming poging lalaki ang pwedeng maging instant boyfriend mo rito," sabay ngiti ni Pamela.
Mabilis niyang sinuyod ang mga tao sa buong paligid at napansin niyang karamihan sa mga tao rito ay may magandang mukha. May nakita siyang panlaban sa contest. Napangiwi pa siya ng mahagip ng mga mata niya ang gwapong lalaki na may kahalikan na bakla.
"Yeah, pero kailangan ko yatang ipa-general check up ang makukuha ko rito baka kasi may bitbit siyang sakit."
Ilang saglit pa dumating ang order nilang alak. Agad naman niya itong binuksan upang tikman.
She sighed. "Ito na ba ang sinasabi nilang mahal na alak dito ang cheap."
"Huwag kang magreklamo hindi ito high class bar tulad ng lagi mong pinupuntahan."
"So, let's find new boyfriend bago pa ako mainis sa lugar na ito."
Nagkibit-balikat si Pam. "Okay!" Tumungga muna ito ng alak bago tuluyang tumayo. Sinundan niya ang kaibigan upang maghanap ng gwapong lalaki.
"Hey!" Tawag ni Pam sa lalaking nag-iisang uminom ng alak.
Salubong ang tingin ng lalaki nang tumingin sa kanila. "Ako ba ang tinatawag mo?" Tanong ng lalaki.
Tumango si Pamela. "Anong pangalan mo?" Hindi na rin hinintay ni Pam na alukin siyang umupo dahil kusa na itong umupo sa tabi ng lalaki.
"Hindi ako magpapa-table," sagot ng lalaki.
Tumaas ang kilay ni Devon dahil sa naging sagot ng lalaki. "Hindi 'yun ang gusto namin, swerte mo naman!"
Nakangisi ang lalaki ng tumingin kay Devon. "Mukha kasi kayong matrona."
"F*ck-
"Stop! Devon!" Putol ni Pamela sa sasabihin niya.
Binaling ni Devon ang tingin sa lalaki.
"May I know your name Mr?” Tanong ni Pamela, habang ang mata niya ay sinadya niyang ipungay. Kung sabagay expert si Pamela pagdating sa pang-aakit diyan nga niya nahuli ang boyfriend niya.
Pinaikot naman ni Devon ang mata nang tumingin sa kanya ang binata, pagkuway ngumisi habang iniinom ang laman ng baso na may lamang alak.
"Gusto ko yung babaeng baliktad ang mata ang magtanong sa akin." he smiled.
"Fuckin s**t!" Hindi niya napigilang sabihin. Kung hindi siya pinigilan ng kaibigan baka nasampal niya ito.
"Tama na Devon!"
Matalim siyang tumingin sa lalaki. "He insulting me, and he f*****g rude."
"Naiintindihan ko ang sinasabi mo Miss. Sungit," sarcastic nitong sagot.
"Umalis na tayo sa impyernong ito dahil nasa harapan ko ang pinuno nila."
Sumunod na naman ang kaibigan niyang si Pamela habang ang lalaki ay nakatanaw sa kaniya.
"Bye! Lesbian!" Sigaw ng lalaki.
Huminto siya at mariin na ipikit ang mata upang pigilan ang nagpupuyos niyang galit sa lalaking sumira ng gabi niya.
"Devon, Let's go some other place baka wala rito ang lalaking hinahanap mo," wika ni Pam.
"You're right! Eww! Pati mga tao rito nakakadiri at mga hampaslupa!" Muli pa niyang pinaikot ang eyeballs niya pagkatapos bumuga siya ng hangin bago tuluyang lumabas ng bar na iyon.