Hindi malaman ni Devon kung ano ang gagawin niya habang sakop ng labi ni Aidan ang kanyang mga labi. Nais niya itong sampalin o pagsalitaan ng masakit na salita ngunit hindi niya magawa sa harap ng kanilang pamilya. Tinutulak niya si Aidan ngunit mas lalong hinigpitan nito ang yakap sa kanya. Hindi alintana ni Aidan na maraming nakatingin sa kanilang dalawa. Napansin niyang ang lente ng camera sa kanyang mukha ngunit baliwala ito kay Aidan. "You're a good kisser." Habol ang hiningang sambit ni Aidan. Sumimangot siya rito. Inilapit ni Devon ang labi niya sa tainga nito. "Take me away from this place." Hinawakan ni Aidan ang kamay niya saka tumingin sa Daddy at kapatid niya. "Dad, Ate, mag-uusap lang kami ng girlfriend ko." "Okay, pag-usapan n'yo ang hindi n'yo pagkakaintindahan," sagot