Chapter 8 * Reasons why i love her *Lelouch Pov "Ge . Bye Lelouch . Ingat pag-uwe" Paalam sakin ni Crystal at Clariville . Tapos na kasi kaming tumugtog atsaka kailangan ko na ding umuwi dahil walang kasama sa bahay ang asawa ko . Lumabas na ko ng bar at tumungo sa parking lot . Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa condo namin. Gising pa kaya yung si Euphemia ? Past 11 na din kasi ng gabe . Baka tulog na nga yun . Di naman mahilig magpuyat yun eh -____________- Pagpasok ko sa condo namin , ang tahimik . Ang dilim pa . Binuksan ko yung ilaw tapos dumiretso ako sa kusina . Napangiti ako sa nakita ko . Tinirhan ako ng dinner ni Euphemia. May mangkok ng adobo sa lamesa . Kumuha lang ako ng plato at kutsara tapos kinain ko na yung adobo . Haha ang sarap pala magluto