TDW-2

1231 Words
It’s been a long day for us today, ngayon na ang kasal namin. A garden wedding with our closest friends and parents. Walang ibang guest, tanging ang priest na magkakasal sa ’min. Ang mga parents namin and as much as I don’t want it nandito ang girlfriend niyang si Bianca. I should be happy because this is my day. I’ve waited for this. Napabuntonghininga ako at ngumiti nang pilit. Ilang sandali lang ay may pumasok sa room ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang aking bestfriend. “Oh my God! I thought you won’t make it,” naiiyak akong tumayo at niyakap ang aking mahal na kaibigan. “No way, alam mo namang mahal na mahal kita. Hindi ko yata kayang maikasal ka na hindi ako ang maid of honor,” nakangiting sambit niya. She wiped her tears and stared at me. “Bakit?” I asked her. She hugged me again. “You’re not happy. Dahil ba nandito ang ex niya?” tanong niya sa 'kin. Natahimik ako, she knows everything about my dilemmas in life. “I understand your reasons best, but always bear in your mind that he’s far from his parents attitude. He’s not in love with you too,” malungkot na wika niya. I smiled bitterly at her. I am compleely aware na ayaw niya sa akin. “I know, but I like him and I’m willing to take the risk for him,” sagot ko sa kaniya. She sighed deeply. “You know that I will always support you, pero kung hindi na tama ang nangyayari please say no, Kaisle. I know how kind you can be. Natatakot ako kung saan ka dalhin ng kabaitan mo,” nag-aalalang wika ni Shanleyh sa ’kin. I assured her that everything will be fine. “Bakit Shanleyh, wala ka bang bilib sa akin?” I said and  pouted. Inayos niya ang buhok ko at nginitian. “You don’t need to ask,” nakangiting sagot niya. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang seremonya. Sobra ang kabang nararamdaman ko. Umiiyak na nakahawak sa 'kin si mommy at daddy. Pakiramdam ko ay napakalungkot ng kasal ko. Bukod sa kaunti lang kami lahat ay seryoso. Nakita ko si Bianca na ang sama-sama ng tingin sa akin. Si Shanleyh na pilit maging masaya para sa akin at si King na walang mababanaag na emosyon. Pakiramdam ko ay maling venue ang aking pinasukan. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Hindi sa saya kung hindi sa lungkot na para akong pinapatay. Halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa sa bigat na aking nararamdaman. Sumisikip ang puso ko sa sakit na gusto ko na lamang tumakbo at huwag nang magpakita pa, subalit nang makita ko ang mga magulang namin nawawala ang lakas ko. Nawawala ako sa tamang pag-iisip. Kailangan kong isipin ang pamilya ko. “King..” bulong ko na may halong saya at pagka-excite nang makita ko siya papasok ng gate. Nandito kasi ako sa bench sa gilid ng mini park ng university kasama ang bestfriend ko. Nawala lang ang ngiti ko nang makita ko kung paano makalingkis si Bianca sa kaniya. Girlfriend siya ni King tago lang kasi ang kasal namin kaya ganito. Alam ni Bianca na mag-asawa kami ni King pero ayaw niyang pakawalan si King ganoon din naman si King sa kaniya kaya nakakalungkot. Nasanay na lang din siguro ako na lagi ko silang nakikita na magkasama. "Hoy! Kaisle, kailan ba magbabago 'yang puta mong asawa? Napaka-babaero, ang sarap bigyan nandito na nga ang asawa nagi-girlfriend. Akala ko ba naghiwalay na sila ng bruha?” inis na saad ni Shanleyh. "Kalma ka lang, Shanleyh alam mo kasi ang gwapo niya t'saka sikat pa kaya pabayaan mo na. Ganiyan naman talaga lalo na’t napaka-gwapo at ang hot pa ng asawa ko,” kinikilig kong sabi habang nakatingin kay King na papunta sa kinaroroonan ko. "Bes, papunta siya sa ’kin ano'ng gagawin ko?" kinakabahang sabi ko habang tinitingnan ko siya, hindi ko talaga pinalampas ang pagkakataong matitigan siya. Magsasalita na sana ako nang iba pala ang pinuntahan niya nakakainis talaga ‘yung babaeng ‘yun akala mo kung sino. "Oh, kitams? ‘Yan ang sinasabi ko sa ’yo. Alam mo kung ano'ng gusto kong gawin mo? E-anull mo na lang kaya ‘yan mayaman ka naman eh. Isang tawag lang 'yan sa papa mo anulled na ang kasal niyo. It’s been what? Two years had passed, Kaisle. Your family’s company is now on top," she exclaimed. Kung sana ganoon nga lang kadali. Malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila dahil nabawi namin ang company ni daddy dahil sa kanilang tulong. "Kung sana ganiyan lang kadali best eh, kaya kong magtiis basta para sa kaniya. Alam mo namang mahal na mahal ko siya," malungkot kong sabi. "Tingnan mo nga best harap- harapan ka na ngang niloloko mahal mo pa rin siya? Naku! Naiinis na ako riyan sa walang kwenta mong asawa ha. Naiinis na talaga ako isipin mo nga, mahal ka ba ng taong ‘yon ha? Gumising ka nga," frustrated na aniya. "Mahal niya ako best alam ko ‘yun," giit ko sa kaniya. Sino ba kasing niloloko ko? Nakakaawa ang isang tulad ko. "Mahal? Hahaha ‘wag kang magpatawa best, sabihin na  nating posible ka ngang  mahalin ni, King sa panaginip mo nga lang. Kung ako lang din ayaw ko talaga sa gagong ‘yan para sa ’yo," prangkang aniya sa ’kin. "Shanleyh naman eh." "Hay naku! dahil sa pagmamahal na ‘yan kaya patuloy ka nang nagiging tanga eh. Bahala ka nga riyan," inis na aniya. Mabilis na tumayo siya’t tinalikuran ako. "Best teka lang hintayin mo ko," tawag ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang gigil niya para sa asawa ko.  Kahit kailan talaga 'tong bessy ko. Totoo naman ‘yung sinabi niya eh. Talagang hindi ko lang talaga kayang iwan si King. "Sa totoo lang minsan ang sarap mo nang sapakin, nakakainis ‘yang kagagahan mo,” reklamo niya pero alam ko namang nangingibabaw ang pag-aalala niya sa ’kin. "I know,  I even want to slap my face baka sakaling matauhan ako. How I wish I can do that to myself,” I answered and sighed. Minsan kasi mas nananaig ang kagustuhan nating sundin ang sinisigaw ng puso natin kahit pa nakakasira na ng sarili. "Hindi rin naman kita masisisi. Ang sa akin lang naman ‘wag mong hayaang tratuhin ka na parang basahan nang bwesit na ‘yun. You're more than anything in this world. Marami ang handang magpakabaliw sa 'yo.” She sounds so convincing. Kung sana lang kaya kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko subalit hindi,  dahil 'pag mahal mo ang isang tao lahat hahamakin. "Too bad they're not, King,” natatawang ani ko. Inis na tinampal naman agad ni Shanleyh ang kamay ko. "Naku! Kung hindi ka lang maganda eh. Kung hindi ka lang mahalaga sa ’kin matagal ko nang pina-salvage ang gagong iyon. Isama mo pa ‘yung litseng, Bianca na ‘yun,” inis na sambit niya na ikinangisi ko. Maganda ring paminsan-minsan ay may napagsasabihan ka ng problema mo. No judgements just pure honesty. TBC Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD