Chapter 1
ANNA FAITH POV
" You may kiss now kiss the Bride" kasabay ng palakpakan ang pagtulo ng aking luha. Mapait akong ngumiti ng mag lapat ang kanilang mga labi. Masakit man pero kailangan ko siyang pakawalan para maikasal sa taong mahal niya. Sino ba naman ako para para tumutol sa kaligayahan niya, lalo na at nanganganib ang buhay niya dahil sa sakit niya.
"Here" napatingin ako sa panyo na inabot sa akin ng isang lalaki, siyang ang lalaking nakita ko sa roof top ng hospital at nagsabi na isigaw ko ang lahat ng laman ng puso ko.
" What are you doing here?" Tanong ko sa kanya at inabot ang panyong binigay niya.
" Kung alam ko lang na pinsan ko pala ang tinutukoy mo noon sa kwento mo, hindi sana ako nagdadalawang isip na yakapin ka ng panahon na yun. Alam ko kung gaano kamahal ni Bryce si Sunshine dahil isa din ako sa naging saksi kung paano nahirapan si Bryce ng kunin si Shine ng totoong magulang niya at nilayo sa pamilya namin." Aniya sa akin.
" P-pinsan mo si Bryce? " hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. Isang tipid naman na ngiti ang sinukli niya sa akin bago lumapit sa bagong kasal. Bumuga mo na ako ng hangin bago lumapit kina Sunshine at Bryce.
" Congratulations Bryce, Shine, masaya ako para sa inyong dalawa " maligayang bati ko sa kanila. Pero hindi ako sigurado kung bakas ba boses ko ang kasayahan.
"Anna.." sambit ni Sunshine sa pangalan ko kaya ngumiti ako sa kanya.
"Maraming salamat Anna, dahil sinamahan mo ako ng mga panahon na wala akong kasama, hiling ko na makita mo ang lalaking tunay na magmamahal sayo." Saad sa akin ni Bryce. Bakas sa mukha niya ang saya at may ningning sa kanyang mga mata, na kahit kailan hindi ko nakita ng kami ay magkasama.
"Pwede ba kitang mayakap kahit sa huling pagkakataon? Shine, pwede ko bang mayakap ang asawa mo?" tanong ko kay Bryce at Sunshine. Kahit sa huling pagkakataon lang ay gusto ko siyang mayakap.
"Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang, Ang makita kang masaya sa piling niya ay kasayahan ko din Bryce. Dahil ganun naman talaga ang pagmamahal, kaya sana lumaban ka para kay Sunshine. Maraming nagmamahal sayo na naghihintay kaya lumaban ka." Saad ko Bryce ng yakapin ko siya. Alam ko naman na minahal niya ako dahil pinaramdam niya yun sa akin. Sadyang mas matimbang lang ang pagmamahal niya para kay Sunshine.
"Mauuna na ako sa inyo, mahuhuli na kasi ako sa flight ko ngayon papuntang Australia, dumalo lang talaga ko para makita ko kayong ikinasal na dalawa." Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
"Thank you, Anna. Salamat sa lahat lahat ng ginawa mo para kay Bryce, hangad ko din ang kaligayahan mo." Ani sa akin ni Sunshine at niyakap din ako ng mahigpit.
Isa lang ang hiling ko para sa kanilang dalawa, na sana malagpasan nila ang pinagdaanan nila ngayon at sana ay maging successful ang operasyon ni Bryce.
May saya sa dibdib ko na lilisanin ko ang simbahan. Sinulyapan ko ulit sina Sunshine at Bryce naka lalabas lang ng simbahan habang parehas na may ngiti sa mga labi nila. 1 pm ang flight ko papuntang Australia kaya kailangan ko na rin umalis at baka mahuli ako sa sa aking flight. Napatingin ako sa panyong ibinigay ng pinsan ni Bryce na si Brandon. Hindi ko na pala ito naibalik sa kanya. Napangiti ako habang tiningnan ang naka burdang pangalan doon "BRANDON MONTEVERDE" Habang nagmamaneho ako hindi ko maiwasan mapangiti ng maalala ko ang una naming pagtatagpo sa rooftop ng hospital. Sino nga ba ang mag aakala na pinsan pala siya ni Bryce. Naiiling na tinago ko ang panyo sa aking bag.
***
BRANDON POV
Hinanap ng mata ko ang dating kasintahan ng pinsan kong si Bryce. Hindi ko alam pero may nag tutulalak sa akin na hanapin siya at kausapin. Nang makita ko siyang umiiyak kanina gustong gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at hindi na siya pakawalan pa. Napa buntong hininga ako ng hindi ko na siya nakita pa, siguro umalis na ito kanina. May kung anong panghihinayang akong nararamdaman dahil sa isipin na hindi ko na siya makikita pa.
"Ang lalim nun anak ah, may problema ba?" Tanong sa akin ni daddy.
"Wala po dad." Maikli kong tugon sa kanya at ininom ang wine na sa akin baso.
"Kanina ko pa napapansin na may hinahanap ka. Sino ba ang hinahanap? " aniya na inikot din ang mata.
" Wala dad, hinahanap ko po kasi ang panyo ko na gawa ni mommy, hindi ko po alam kung saan ko nahulog." Sagot Ko sa kanya at nag iwas ng tingin. Dala pala ni Anna ang panyo ko, sana maging silbi ang panyo na yun para punasan niya ang mga luha niya kapag umiiyak siya.
"Sana balang araw magkita ulit tayo, at sana sa pagkikita natin hindi na lungkot sa mata mo ang makikita ko kundi kinang na ng kaligayahan. Sana makita ko ang ngiti mong totoo kapag nagkita ulit tayo. " bulong ko sa aking sarili akmang aalis na ako sa hotel kung saan ginanap ang reception mg biglang sumigaw si tita Richelle. Agad naman akong tumakbo sa pwesto nila doon ko nakita nakahandusay na si Bryce sa lupa.
"B-bryce…!" Umiiyak na sinapo ni Sunshine ang ulo ni Bryce. "H-hindi ba nangako ka sa akin kanina tumupad ka sa pangako mo please. Bryce gumising ka please.. Para sa akin gumising" para akong na estatwa sa aking kinatatayuan habang umiiyak sina tita at Sunshine.
" Ate, dalhin na natin siya hospital mahina na ang t***k ng puso niya." Doon lang ako na tauhan ng mag salita si tita Bianca. s**t anong klase na pinsan ako, Hindi ko man lang nabigyan ng first aid si Bryce, ano pa ang silbi ng propesyon ko kung hindi rin ako makakatulong sa mga taong malalapit sa buhay ko. Habang dinala nina tita Richelle si Bryce ay agad din akong pumasok sa sasakyan ko para sumunod sa kanila.