Maagang nagising si Norain. Wala siyang choice kundi ang ituloy ang binabalak na itakas si Lance. Kailangang makaisip agad siya ng paraan kung paano ang ang gagawing pagtakas. Kasalukuyan siyang nasa veranda ng malaking mansion. Napansin niya ang isang kawaksi na mukhang papaalis, naisipan niyang tawagin ito sandali at bumalik naman ito sa loob at dali-dali niya itong sinalubong. "Saan po ang punta ninyo, manang?" tanong ni Norain sa kawaksi. "Pupunta po ako ng palengke ma'am, paubos na rin kase ang stock nating pagkain kaya kailangan ko nang mamalengke, baka kase pagalitan na naman kami ni senyorita Aia," napayuko ang naturang kawaksi. Biglang nagliwanag ang kaisipan ni Norain. "Pwede po ba kaming sumama sa inyo ni Lance? Nababagot na rin kase kami sa loob," maagap na saad niya sa mata