Kabanata 2

2320 Words
"Yana, kailan daw ang balik ni Aling Vicky dito sa mansion?" tanong ni Aia sa kaibigan habang nagluluto sila ng pananghalian. "Hindi ko rin alam, e, by the way Aia ang sabi nga pala ni sir Hercules, dalhin mo raw ito sa opisina niya," tugon ni Yana sa kanya sabay abot ng isang lunch box. Nagtataka na nakatitig lang siya sa lunch box na iyon, talaga lang ha? Wow! "Titigan lang te, ano sumasagot ang lunch box?" pukaw sa kanya ni Yana. "Ay hindi, ngumingiti lang siya?" pa-balik niyang biro sa kaibigan at saka sila kapwa nagtatawanan. Kinuha niya ang lunch box mula kay Yana at ibinalot niya iyon sa magandang plastic. Pero bago pa siya tuluyang umalis may pahabol pa sa kanya ang kaibigan. "Alam mo bang first time na nag-pahatid si sir Hercules ng baon for lunch?" kunot ang noo nito na tila matamang nag-iisip. Na-iiling na lamang si Aia at hinanap ang driver na si Mang Glen para maghahatid kanya sa Del Fuego Buildings. "Hinahanap mo raw ako Aia?" salubong sa kanya ni Mang Glen. "Magpapahatid po ako sa Del Fuego Buildings Mang Glen. Ihahatid ko lang ito sa amo natin," saad niya dito at saka ipinakita ang dalang lunch box na nakabalot sa plastic. "Ihahanda ko lang ang sasakyan, sandali lang hija," nasundan na lamang ng tingin ni Aialyn ang nagmamadaling si Mang Glen at sumunod dito. Nang makasakay na siya sa sasakyan ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang tumakas, pero naisip din niya ang kapakanan ng kanyang anak. Kung tatakas siya saan na man siya pupunta? Mga ilang minuto bago nila narating ang Del Fuego's building. Nakatingala si Aia sa malaking building. Hindi pa naman niya alam kung saan ang opisina ng demonyo niyang amo. Magtatanong na lamang siguro siya. Nakangiting binati siya ng guard at dire-diretso siyang pumasok sa loob. Takaw-pansin siya sa mga employees and staff na naroon, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kanya, e, naka maternity dress lang siya? Diretso lang ang tingin niya at saka nagtanong sa front office. Lihim siyang nagpapasalamat dahil very genuinely good natured ang ipinapakita na ugali ng magandang babae, walang halong pekeng ngiti. Pagkatapos ay dire-diretso na ulit si Aialyn sa paglalakad patungo sa elevator. Kanina pa niya napapansin ang mga bulung-bulongan kaya lang hindi iyon gaanong narining ng kanyang tenga. Nang mapasulyap siya sa Finance Department nakita niya kung paano siya pukulin ng tingin ng mga staff and employees roon, saka niya na-realized na sinadya ito ni Hercules para ipahiya siya. Naikuyom ni Aialyn ang dalawang kamao. Gusto niyang manampal sa pagkakataong ito. Nagtangis ang kanyang mga bagang at humigpit ang hawak niya sa plastic at mabibigat ang mga hakbang na tinungo ang opisina ng demonyo niyang amo. SAMANTALANG SI Hercules ay busy sa kanyang laptop. Sumulyap siya sa kanyang wristwatch, ilang minuto nalang ay papatak na ang alas dose. Kumunot ang noo niya ng hindi pa rin dumadating si Aialyn. Lihim siyang napangisi, siguradong napahiya na ito habang dumadaan ito ngayon sa Finance Department. Isinandal niya ang likod sa kanyang swivel chair at napangisi ngunit ang ngising iyon ay dagling napalis mula sa kanyang mga labi nang maalala na buntis nga pala ang babaeng 'yon. Marahas na napatayo siya mula sa kanyang swivel chair. Damn! Paano kung makunan ito at siya pa ang maging dahilan? Hindi ba't bawal sa buntis ang ma-stress? Nagulat siya ng pabalyang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at pumasok doon ang tila nanggigigil na dalaga. Tila isang tigre na gustong mangalmot. Nasa likuran nito ang kanyang sekretarya na hindi lubos maipinta ang mukha. "Sir, pinigilan 'ko po siya pero-" hindi na pinatapos pa ni Hercules sa pagsasalita ang kanyang sekretarya at sumenyas siya dito na umalis na muna at isara ang pintuan ng kanyang opisina. "Damn you, asshole! What do you think of me, boba?! Bullsh-t! Akala mo hindi ko alam? Na kaya mo ako pinapunta dito sa pesteng building na 'to para ipamukha sa mga employees and staff mo ang anak ng taong nagnakaw sa'yo na ngayon ay isa mo nang muchacha?! Just wow, Mr. Del Fuego! You're such a jerk!" galit na galit na turan ng dalaga, ngunit ang hindi inaasahan ni Hercules ay ang buksan nito ang lunchbox na dala at itinapon iyon sa kulay blue niyang polo. "What the f-ck!" malutong na mura ni Hercules. Basa ng ulam at kanin ang kanyang polo. "Damn you woman!" sa inis niya'y hinablot niya ang isang braso ng dalaga at matalim itong tinitigan. Ngunit palaban si Aialyn. Nakipagtagisan siya ng titig sa binata. Ipaglalaban niya kung saan alam niya kung ano'ng tama. "Hindi mo ako matatakot, Mr. Del Fuego. Dahil lalabanan kita kung kinakailangan, kaya kung magpaalipin sa'yo pero ang insultuhin at ipahiya ako ay ibang usapan na iyon, f-ck you!" at marahas na tinanggal ni Aialyn ang mga kamay ng binata na nakahawak sa isa niyang braso at saka niya tinulak ng marahas ang binata at mabilis na tinalikuran ito. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban. Damn him for insulting her! Dammit! Hinubad agad ni Hercules ang polong namantsahan ng ulam at kumuha ng bagong polo sa kanyang maliit na sliding wardrobe. Mas nanaig ang pag-alala niya sa dalaga kesa ang magalit dito. Sh-t! Labis siyang nagsisisi sa maling hakbang na ginawa niya, paano kung makunan ito. At mabilis na sinundan niya ang dalaga. Napahawak si Aialyn sa kanyang tiyan bigla kase itong kumirot, napa-upo siya sa may couch at napahilot sa kanyang sentido. Tila umiikot ang kanyang paningin. Mabuti nalang at naabutan ni Hercules ang dalaga na kasalukuyang nakaupo sa may couch, malalaki ang kanyang mga hakbang na lumapit dito. Nang una'y pinukol siya nito ng matalim na tingin pero hindi niya iyon pinansin, ramdam niyang tila hindi maganda ang pakiramdam nito. "You look pale, come on dadalhin kita sa ospital," may pag-alalang tugon niya sa galit na si Aialyn. "Gago ka pala, e, hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Kung inisip mo sana kung ano ang maging epekto ng mga walang kwenta mong plano hindi sana maapektuhan ang anak nat-" mabuti nalang at napigilan ni Aialyn ang bibig, bwisit! Muntik na siya don a. Saka niya muling naramdaman na tila umiikot ang kanyang paligid, at hanggang maigupo na nga siya ng dilim. "F-ck!" mura ni Hercules at saka binuhat ang walang-malay na dalaga. "MAY PUSO ka pa pala?" asik ni Aialyn nang magising siya. Ang gwapong mukha agad ni Hercules ang bumungad sa kanya. "Shut up!" inis na sagot ni Hercules sa kanya. Umirap si Aialyn at inis na kinuha ang throw pillow at tinakpan ang kanyang mukha. "Stop acting like a brat, woman!" marahas na kinuha ni Hercules ang unan mula kay Aialyn at inis naman itong hinarap ng dalaga. "Ano ba, pwede ba patulugin mo ako," bulyaw niya sa binata.  "You're already awake," may diin sa tono ng boses ng binata. Kaya muli itong hinarap ni Aialyn at nakipagtagisan ng titig dito. Ngunit siya rin ang unang nagbawi ng tingin, aaminin niyang kinakabahan siya sa paraan ng pagtitig ng binata sa kanya, parang nakakatakot na ewan.  "I'll apologize for what I did, nadala lang ako sa galit ko," nakatitig lang si Aialyn sa mukha ng binata pero wala siyang nakikitang pagmamakaawa sa mukha nito. Sabagay, sino ba naman siya para tratuhin nitong tao ni hindi nga niya alam kung anong plano nito sa kanya, hindi ba't sapilitan siya nitong ipinakidnap?  "Ganyan ka ba talaga humingi ng apology walang emosyon? Paano kung ayokong tanggapin ang apology mo?" mataray niyang sagot sa binata. "Then, it's not my problem anymore, I have to go, si Mang Glen ang maghahatid sa'yo sa bahay and always remember, don't you dare tried to escape dahil kahit saan ka man magpunta mahahanap at mahahanap pa rin kita," ramdam ni Aialyn ang halong pagbabanta sa boses na iyon ng binata. "As if namang tatakas ako, kung hindi lang talaga ako buntis talagang lalayas ako no! Pasalamat ka't buntis ako, at sa tingin mo ba kung lalayas ako sa mansion mo saan naman kami pupulutin ng anak ko?" palatak niya sa binatang nakakunot-noo. "You're crazy!" naiiling na sagot ni Hercules sa dalaga. "Hoy, lalaking pinaglihi sa daig pang may regla kung baliw ako 'di sana naghubad na ako sa harapan mo, no! Ayusin mo ang mga binitawan mong salita, ha?" mataray na saad ni Aialyn sa binata.  Nagpakawala ng malutong na tawa si Hercules. It was the first time na nakita ni Aia ang binata na tumawa, mula nang dumating siya sa mansion nito ay ni hindi man lang niya ito nakitang tumawa ng ganito. Hindi niya akalaing napaka-hot pala nito kung matuto lang itong ngumiti at makibagay sa kanyang pag-uugali. Ngunit infairness, siya naman ngayon ang na tahimik. Hercules is really a good-looking man, no wonder his captivating deep dark eyes, perfect aristocrat nose, thin lips, and hot body makes every woman fall for him.  "You're really annoying sometimes but honestly you makes me laugh this time huh," nakangiting turan ng binata sa kanya. Habang siya ay nganga. Sh-t, Aialyn umayos ka nga. Jusmiyo kung gano'n lang sana ito palagi mukhang maganda lagi ang araw niya. Jusko day, what a perfect white teeth pwedeng model ng Colgate. Nagulat si Aia nang isara ni Hercules ang kanyang bibig. "Too obvious, stop drooling at me," tila nakakalokong saad ng binata sa kanya. Tumaas ang kilay ni Aialyn sa tinuran nito at kunwari nagalit-galitan siya para pagtakpan ang kahihiyan na natamo. "Hoy, ibahin mo ako excuse me hindi ako madaling matangay sa mga katulad mong pa-charm lang, mas type ko iyong good boy at gentleman," muli na namang palatak niya sa binata. Naiiling na lamang si Hercules at saka ito nagpaalam sa kanya. Umirap lang siya sa binata, nang tuluyan na itong lumabas sa silid na iyon, lihim naman siyang nanghinayang. Nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid lihim siyang nabuhayan ng loob ngunit agad ring napawi nang hindi pala iyon si Hercules kundi si Mang Glen. Pumasok ito para daw umuwi na sila, ang sabi ng kanyang doktor bawal siyang ma-stress at iwasan ang madaling magalit. ILANG BUWAN na bang hindi niya nakikita si Hercules? Mahigit ng walong buwan. Ngayon ang araw na manganganak si Aialyn. Kasalukuyang nasa isang mall siya kasama si Yana, bumili siya ng gamit para sa kanyang baby. Nang biglang mahagip ng mga mata niya ang matalik na kaibigang si Norain. Nagpaalam muna siya saglit kay Yana. Lumapit siya kay Norain na ngayo'y abala sa pagpili ng bestida.  "Norain!" tawag niya sa kaibigan, napalingon naman ito sa kanyang gawi at halos hindi ito makapaniwala ng makita siya. Agad na lumapit siya sa kaibigan. Niyakap siya nito at saka tila nasorpresa ito na mapansin nitong buntis siya.  "Aia, kumusta ka na, gosh buntis ka na pala?" bulalas nito at saka ito napahaplos sa kanyang bilugang na tiyan.  "Heto buntis na, ikaw ba kumusta na?" nakangiting saad niya sa kaibigan. Pero bago pa man makasagot si Norain, biglang kumirot ang tiyan at balakang ni Aia. Sh-t! Mukhang manganganak na yata siya.  Nabahala si Norain ng biglang napahawak si Aia sa kanyang tiyan at balakang, sa tingin niya'y manganganak na yata ito. Mabilis na inalalayan niya ang kaibigan at saka siya napasigaw ng tulong. Mabuti nalang at may mga security guard na rumespunde at agad na inalalayan ng mga ito si Aia, walang choice si Norain kundi samahan ang kaibigan hanggang sa makarating ito sa ospital. Mga isang oras din na mahigit naghintay si Norain. At saka siya nakahinga ng maluwag nang lumabas ang babaeng doktor at ibinalita dito na nanganak na ang kaniyang kaibigan. Pumasok agad siya sa kwartong pinaglipatan ni Aia. Pagpasok pa lang niya sa entrada niyon ay nagulat siya nang makitang kambal pala ang iniluwal nito. Napangiti siya at masayang nilapitan ang dalaga. "Gosh, ang swerte mo at kambal pala ang iniluwal mo," hindi makapaniwalang bulalas ni Norain sa kaibigan. Ngunit nagulat siya nang hawakan nito nang mahigpit ang kanyang kamay. Napatitig siya sa mga mata ng kaibigan. "Norain, kailangan ko ang tulong mo. Naalala mo ba no'ng sinabi ko sa iyo noon na may problema ako? Kailangan kong iligtas ang mga anak ko, pwede bang ikaw muna ang mag-alaga sa isa sa kambal ko? Please...," pakiusap ni Aia sa kaibigan.  "Pero-" hindi na pinatapos pa ni Aialyn ang kaibigan at saka ibinigay niya si Lance kay Norain.  "I know na hindi mo ako matitiis, but I promise na babalikan ko siya sa iyo, maraming mga taong naghahabol sa'kin at alam mo 'yon hindi ba? Alam mo rin na may mga sindikatong pinagkautangan ang mga magulang ko, at ako ang target nila ngayon para pagbayarin sa mga naging utang ng mga magulang ko. Please, Norain. Sana pumayag ka na," pagmamakaawa ni Aialyn sa kaibigan. Walang choice si Norain kundi tanggapin sa mga bisig ang sanggol na iniabot ng kaibigang si Aia. Alam niya ang kwento sa likod ng buhay nito noon pa man. Naaawa siya sa kalagayan ng kaibigan at sa mga anak nito. At hindi niya ito pwedeng tanggihan lalo na't nasa mga kamay niya ang kapangyarihan na tulungan ito. "Aalagaan ko si Lance para sa iyo, pangako ko iyan," ani ni Norain at muli niyang niyakap ang kaibigan.  "Maraming salamat, utang ko sa iyo ang kaligatasan ng anak ko," hindi na nila napigilan ang mapaluha. Hindi basta-bastang sindikato ang pinagkautangan ng mga magulang ni Aia kahit pa nga ibenta niya ang kanilang mansion sa Cebu ay hindi iyon sasapat sa lahat ng pagkakautang nila. Lahat ng kotse nila'y nabenta na rin niya pero kulang pa rin iyong kabayaran, kaya nga napadpad siya sa Manila para magtago. Pero sa malas niya'y may pinagnakawan pala ang kaniyang ina na higit ilang bilyon, walang iba kundi si Hercules Del Fuego. At sa malas ay heto pa ang naging ama ng kanyang dalawang anghel na hindi niya inaasahang mabuo sa isa lamang gabi ng kanilang pagniniig, at dahil na rin sa katangahan at kalandian niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD