"Are you avoiding me?" takang tanong ni Drex sa dalaga. Kahapon pa niya napansin na iniiwasan siya ni Aialyn. Kaya nilapitan na niya ito at lakas-loob na hinarap. "No Drex, busy lang ako. Alam mo namang malaki ang naging pag-increase nang kita ng boutique ko. I just want to focus in my business," turan ni Aialyn at hinarap ang laptop. Kasalukuyang nasa sariling opisina si Aialyn kasama si Drex. "Is it because of Hercules, I'd heard about the both of you dating at Hong Kong, and you know what kung anong ikinalat ng mga journalist? You're the mother of his children which is not true, right?" bakas sa boses ni Drex ang pagtutol. "Yes it's true, I'm their mother. Totoo lahat ang sinabi ng journalist na iyon, ano bang problema doon? At isa pa, Drex. Ikakasal na kami," diretsahang sagot ni