#MyObsessedEx
"Hi"
Bigla ako napahinto mula sa paglalakad. May humarang kasi sa akin na lalake.
"Hi? Ulit?"
Bigla siya napakamot. Tumingin ako sa likod para e-check kung ako ba ang kausap niya pero wala naman.
"Ikaw ang kausap ko"
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Hmm? May kailangan ba sila?"
Nagulat nalang ako ng biglang namula ang tenga niya. Huh? Bakit bigla nalang namula? Lumapit ako sakanya kaya bigla siya napaantras. Napakunot noo ako.
"May sakit ka ba? Bakit ka umantras? May nakakahawa ba sa akin?"
Nagtatakang tanong ko. Agad naman siyang umiling ng paulit ulit kaya natawa ako. Para siyang bata. Hahaha.
"Y-You're l-laughing"
Bigla ako napatigil sa pagtawa. Napansin ko naman na titig na titig siya sa akin kaya naconscious naman ako. Napangiti ako ng pilit at tumingin sa Relo ko bago sakanya.
"Pasensya ka na. May pupuntahan lang ako."
Sabi ko nalang. Tinalikuran ko na siya pero ilang hakbang lang ang naapakan ko ay bigla niya akong hinawakan sa balikat.
"T-Teka. A-Anong pangalan m-mo?"
Gusto kong pigilan ang pagtawa ko dahil sa nauutal na parang 'di mapakali. Humarap ako sa kanya. But a simple smile..
"Tammy"
Napansin ko na bigla nalang lumawak ang ngiti niya at ilalahad niya sana ang kamay niya ng hinablot ko ang I.D niya.
"Julius Karl Deven? Wow Ikaw pala ang lalakeng varsity na pinag uusapan nila nanalo sa Soccer? Congrats!"
Nakangiting bati ko sakanya. Mag sasalita pa sana ako ng biglang nagtime na senyales na Class time na. Bigla nalang ako umalis sa harap niya pero bago 'yon ay.
"Nice to meet you. Karl"
**
"Tam!! Gising!"
Bigla ako napabangon. At bigla rin kumirot ang sintinido ko.
"Urgh! s**t!"
Napayakap ako sa ulo ko sa sobrang tindi ng sakit sa sintinido ko. Urrghh. Bakit ang sakit ng ulo ko? Halos mapahiga na ako. Masakit talaga.
"T-Teka Tam! Okay ka lang? Ano'ng masakit sa ulo mo?"
Hinilot ko nalang ang ulo ko at tumingin kay Lyn na nagsisimula nanaman mag alala.
"Okay lang ako. Masyado atang kulang sa tulog"
Well. Baka ganun na nga. Kulang ata sa tulog pero bakit naman?
"W-Wait lang ha! Kukuha ako ng gamot"
Bumaba agad siya at ako naman ay napatingin sa orasan. 5:50 o'clock palang naman. Akala ko na malalate ako nito pero hindi pala. Mabuti naman ay ginising ako ni Lyn. Dahil baka naman mahuli ako nito.
"Bakit ba sumakit ang ulo mo?"
Pagkatapos kong inumin ang ang gamot ay tumingin ako kay Lyn. Umiling naman ako.
"Hindi ko alam"
Tumabi naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako pero isa itong malungkot.
"May nangyare ba na wala ako?"
Para akong natigilan. A-Ano daw? Tatanungin ko sana siya ng magsalita ulit siya.
"Tell me Tam. May nangyare ba?"
"T-Teka! Ano ba'ng simasabi mong nangy--"
Bigla ko nahigit ang hininga ko ng itinaas niya ang kadena.
Kadena.
Kadena.
Kadena.
"T-Tam. Kaninong g-galing 'to?"
Parang nanigas ang lahat ng sistema ko. Bumalik bigla sa kukote ko ang nangyare. Ang nangyare kagabi. Para itong Fastforward na paulit ulit pumapasok sa utak ko.
"Ooohh.."
"I love you so much Babe"
"Hinayaan mo akong gawin 'to kaya aangkinin na kita ng paulit ulit"
"Hi babe"
"I love you so much babe"
"I love you so much"
Nakita ko nalang ang sarili ko na mahigpit akong niyayakap ni Relyn habang humahagulgol na ako sa iyak. Hindi. Hindi nangyari 'yon. Walang nangyari.
"Re-Relyn... P-Panaginip lang yon"
Pilit kong ikumperma na panaginip 'yon pero hindi. Totoo 'yon. Nangyari iyon. Napapikit ako at sa pagpikit ko ay bumabalik ang mga ginawa niya sa akin. At naiinis ako sa sarili ko. Galit! Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili ko na maging kadidiring nilalang! Hinayaan ko ang sarili ko na hawakan ako ng kinamumuhian kong tao sa boung buhay ko.
Pero ang mas lalong ikananagalit ko ay tumugon ako sa mga halik niya. Umiling ako. Hindi. Tumugon ako dahil hindi ko siya mahal. Tama. Hindi ko siya mahal. Si Gabb lang.
"Sshh. Tahan na"
Tumingin ako kay Lyn. Pinigilan kong maiyak ng maisip ko si Gabb. Hindi pwede malaman iyon ni Gabb. Dahil alam ko sa sarili ko ay hindi ko ginusto iyon. Lalo na't hindi ko siya mahal.
"Maliligo na ako"
Nakita ko kung paano gumuhit sa mata niya ang pag aalala at awa. Ngumiti nalang ako sakanya ng pilit. Pumasok ako na para maligo. Para linisin ang katawan.
Sa bawat pagpatak ng tubig ay halos mamula na ang iba't ibang parte ng katawan ko dahil sa tinde ng pagkakakuskos ko. Pero hindi ko mapigilan mapahikbi habang ginagawa ko 'yon. Pakiramdam ko ginahasa na ako.
Napauntog nalang ako dahil sa galit ko. Mas galit ako sa kanya. Sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana hindi ko nalang siya minahal! Pinagsisihan ko na ang lahat. Sana si Gabb nalang. Si.. Gabb.. na mahal ako at hindi iniwan. Napahagulgol nalang ako.
-Relyn's P.O.V-
Shit! Kanina pa ako hind mapakali sa kinauupuan ko. Kanina ko pa kasi hinihintay si Tam eh. Susunduin ko pa siya. s**t talaga! Kasalanan ko 'to eh! Sana hindi ko nalang siya iniwan dito kahapon! Nakakainis! Kung alam ko lang sana na dadating rito si Karl eh mabilis kong binantayan sana si Tam pero hindi eh!
Bigla tuloy ako naawa. Hindi ko alam kung may nangyari sa kanila pero hindi ako sigurado na walang nangyari dahil tinignan ko ang higaan niya ng walang bakas na dugo.
Pagkadating na pagdating ko dito kahapon ay pinuntahan ko agad si Tam at nagulat nalang ako ng makita siyang nakakadena. At yong susi ay nasa tabi lang 'to. Na may naiwan na sulat.
Thank you Relyn.
Napahawak ako sa sintinido ko. Anong ibig niyang sabihin? Alam kong galing kay Karl ang sulat na 'yon pero bakit siya nagpapasalamat sa akin? Wala naman akong ginawa kundi bantayan si Tam.
Damn it! Hindi kaya? Nasundan niya ako dito? Pero imposible! Alam kong sa oras na iyon ay sinisigurado kong walang ano man na sasakyan ang sumunod sa akin.
"Tara na"
Bigla ako natauhan ng makita ko sa harap si Tam. Halatang mugto ang mata at... napakunot noo ako na makitang sobrang pula ang nasa bandang leeg niya. Hahawakan ko sana siya ng lumayo siya.
"Tara na sabi eh. Malalate ako nito"
Walang emosyon na sabi nito. Pero ngumiti at halatang napakapeke. Napabuntong hininga ako. Ayaw ko muna siya tanungin hangga't hindi pa siya ganyan.
Tahimik lang ang biyahe pero napapasulyap ako sa kanya kung okay lang siya. Ngunit nakikita ko siyang tulala habang nakatingin sa labas. Parang nasa malalim siyang pag iisip. Napabuntong hininga ako.
Kasalanan mo ito Relyn. Sana hindi ka nangialam.
-Tam's P.O.V
Bumaba ako at nagpaalam kay Lyn. Pero bago ako bumaba ay tinanong muna niya ako kung okay lang ba talaga ako. Pero syempre sinabi kong oo dahil ayaw kong mag alala siya kahit ang totoo talaga ay hindi ako maayos.
Boung araw ay wala ako sa sarili at lalong wala ako sa tama sa pag iisip. Masyadong napuno ang nasa utak ko dahil sa kanya. Gusto kong kalimutan pero para itong plakang paulit ulit. At naiinis ako dito.
Alam ko sa sarili kong hindi ko talaga siya mahal at si Gabb ang mahal ko dahil bawat segundo na nakakausap ko si Gabb ay may nararamdaman ako na saya na wala kay Karl at kahit kailan ay hindi ko hihilingin na maging masaya kay Karl dahil ngayon palang ay pinagsisihan ko na makilala siya noon.
"Tam!!"
Bigla ako napalingon at napangiti ako ng makita si Vince. Si Vince ang dapat kong kasama sa Library pero naunahan na siya eh. Si Fara ang naging Kalibrarian ko. Kaibigan ko si Vince. Mabait iyan lalo na't mapagmahal ito sa girlfriend niya. Pero hindi ko pa nakikita kung sino ito.
"Vince! Kamusta?"
Masayang ako na makita siyang masaya ngayon. Dati kasi noong last year ay lagi itong nakasimangot habang nakatingin palagi sa Cellphone niya at alam ko na kung bakit dahil nasa stage pa ata siya sa panliligaw doon sa girlfriend niya ngayon.
"Eto masaya pero teka.. sarado na ba ang library?"
Tumango naman ako. Biglang sumimangot ang mukha niya.
"Eh? Bakit?"
"Doon mo sana makikita ang girlfriend ko eh!"
"Hala! Bakit 'di mo sa akin sinabi?!"
Nanlalaki na sabi ko at hinampas siya. Tange talaga 'tong lalaking 'to. Hindi pa sa akin sinabi kanina? Pero sabagay wala ako sa sarili ko kanina at puro lang siya. Pero nagpapasalamat ako ng makita ko si Vince dahil nakalimutan ko rin siya kahit minuto lang.
"Itetext ko sana siya pero nakita na kita dito eh! Sayang!"
Natawa nalang ako at tinapik siya.
"Okay lang. Maraming panahon pa naman"
Natatawang sabi ko. Bigla niya kinurot ang dalawang pisnge ko kaya mas lalo ako natawa. Grabe naman 'tong lalakeng 'to.
"Tam!"
Lumingon ako at nakita ko si Relyn na nakasandal sa kotse niya. Hinihintay ata ako. Bigla ako humarap kay Vince at sinabing mauna na ako.
"Sige! Ingat ka! Sa susunod ulit mag usap tayo ha?"
Ngumiti akong tumango at tuluyan siyang umalis. Tumungo ako kay Lyn na nagtataka.
"Sino 'yon?"
"Kaibigan ko"
"Kailan?"
Bigla ako napakunot.
"Well. Noong last year pa. Dapat nga siya ang kasama ko sa Library eh. Pero si Fara ang nauna"
Pumasok naman kami pero tuloy naman ang tanong ni Lyn.
"Sino si Fara? Ang pandak na babaeng nakakolerete?"
Bigla ko hinampas si Relyn. Ang sama talaga nito.
"Kung makalait ha! Ang taas mo! Haha" Natatawang sabi ko. Pero sinimangutan niya lang ako.
"Mabuti naman at nakalimutan mo siya"
Bigla nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Lyn. Bakit pa niya sa akin pina alala? Napansin ata niya ang reaksyon ko at tumawa siya ng peke.
"He-he-he. Napaaga ata kayo sa uwi?"
"Napaaga? Ganitong oras naman ang uwi ko diba?" Bigla siya napatampal at inistart ang engine.
"Ay oo pala! Hehehe"
Ngumiti nalang ako sakanya. Tumingin ako sa labas ng sandali at pumikit. Pakiramdam ko sobrang sirang sira na ang araw ko. Kapag iniisip ko si Karl. Sa ginawa niya. Pero pilit ko naman inaalis ito at kinakalimutan. At mas lalo ako nagpapasalamat ng makita kong boung araw na walang bakas na Karl o anino niya. Mabuti na 'yon. Ayaw ko kasing makita ang mukha niya.
Pagkatapos ng mahabang biyahe ay tumungo ako sa kwarto at nag palit. Pagkatapos kong magpalit ay tumungo ako sa kwarto ni Relyn para sana makipagkwentohan ng makarinig ako ng boses.
"Ma'am. P-Pasensya na--"
"Stupid! Bakit niyo hinayaan na papasukin siya?! Ano'ng klaseng security kayo?!"
"E-Eh Ma'am ang sabi ng lalakeng 'yon ay girlfriend po kayo at dadalawin po kayo"
"Mga tanga! Nakita niyo naman diba na umalis ako! Sinabi ko sainyo kahapon na bantayan niyo si Tam! At walang sino man ang nilalang ang lalapit sakanya!"
"Ma'am. Ang T-Totoo po n-niyan.. ay binaril niya ang kasamahan n-namin"
Bigla ako napaantras sa gulat.
"O-Opo Ma'am! N-Natakot kami ng malaman namin i-isa siyang D-Deven"
"Damn! Curse that guy! Fucvk!"
"B-Bakit po kayo g-galit sa B-Boyfr--"
"Shut up! He's not my f*****g Boyfriend! Fucvk!"
Nanigas ako ng bumukas ang pintuan at lumuwa sa akin si Relyn na nanlalaki ang mata.
"T-Tam"
_____
#Guard
#Friend
#Chain
#Note