#MOE 1 - MOE

328 Words
#MyObsessedEx Napahawak ako sa sintinido ko dahil sa inis at irita sa nararamdaman ko ngayon dahil sa paghahanap ng nawawala kong cellphone. "Urgh! Asan ka na ba?! Naman eh!" Nagpapadyak na ako sa inis dahil kanina ko pa kasi hinahanap ang cellphone ko! At kanina pa ako dito sa library sa kakahanap ng phone ko. "Grr..!" Huminga ako ng malalim at tumungo ulit sa ikalawang palapag. Hindi naman 'yun mawawala kasi limang minuto ako umupo at tumayo para humanap ng libro ulit at alam ko naman na naiwan lang ang phone ko sa ibabaw ng bag ko at nasisigurado ko na ako lang ang natitira dito. "Haaay!" 'Di ko na kinaya at napaupo ako sa mga upuan dahil isang oras na ako humahanap sa cellphone ko. Pero hindi kaya? May multo? Psh. Wala naman ganun. Aish! Nilibot ko ang tingin ko sa kabouan ng libdary. Habang inilibot ko ang mga mata ko ay napatayo ako ng makita ko ang cellphone ko sa ilalim ng mga history book. "Hay salamat." Pagpapasalamat ko habang tinutungo 'yun. Andoon pa naman kasi ang mga notes ko lalo na ang picture at mga number ng mga kaibigan ko. Umupo ako at muling sinilip ang phone ko sa ilalim ng mga libro. Nagtataka ako kung paano ito umabot ang cellphone ko dito sa ilalim ng mga history books? Nakita ko lang mula sa kinauupuan ko kanina ng umilaw ito kaya napansin kong cellphone ko 'yun Kinapa ko lalo ang sahig hanggang sa naramdaman ko ang cellphone ko. Inilabas ko 'yun mula sa ilalim at napabuga ako ng hangin ng cellphone ko nga ito. Tatayo sana ako ng may pares na itim na sapatos na nasa harap ko kaya tumayo agad ako dahil baka ito ay isang librarian at pagalitan ako pero nagulat ako sa nakikita ko ngayon. "Hi. It's been awhile. How are you now?" Dug.Dug.Dug. Bigla nalang bumilis ang takbo ng puso ko dahil hindi sa pagmamahal pero sa gulat na makita ko ulit siya. --- Author's Note: Started - 2014 Ps. This stage is a long time. So I expect you to have incorrect/error grammar. #THANK YOU #MIESY #MYOBSESSEDEX
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD