Sa mundong ito, hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng magandang buhay. Siguro may mga panahon na nabubuhay tayo ng masaya, walang iniisip na problema, kumpleto ang pamilya pero sa mundong ‘to, hindi rin nagtatagal yung saya na nararamdaman natin—yung buhay na kinagisnan natin. Magbabago at magbabago ito sa pagdating ng panahon.
Darating yung araw na magigising nalang tayo iba na ang landas na tinatahak natin. Iba na ang posisyon ng buhay na kinatatayuan natin. ‘Yong tipong maiisip mo nalang na bakit hindi patas ang pagtingin ng tadhana sa buhay ng tao. Bakit hindi nalang niya gawin masaya ang lahat?—hindi na lang niya gawing buo ang mga wasak?
Everyone deserves to be happy. Everyone deserves to be loved pero hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na maramdaman na minahal din sila. Hindi lahat nabibigyan ng tiyansa na maging masaya.
***
Jacquiline Villanueva
Simula nang mamatay ang mga magulang ko, nagbago ang takbo ng buhay naming magkapatid. Lahat ng ari-arian at ang tahanan kung saan nabuo ang masasayang memoriya ng aming pamilya ay nawala ng parang bula.
I was 14 years old when my mom was killed at kitang-kita ko kung paano siya pinatay sa harap ko. After 2 years, my dad was paralyzed because of car accident. Bago pa siya masangkot sa isang aksidente ay nagkaroon siya ng bagong kinakasama. We called her Tita Rina. Hindi naging maganda ang pakikitungo niya sa amin ng kapatid ko. Sinasaktan niya kami at hindi ‘yon alam ni dad. Sobrang hirap ng naranasan namin sa puder niya and last year, our dad died because of heart attack and he left us nothing.
Pinalayas kami ni Tita Rina sa bahay kung saan kami lumaki at sa kagustuhan kong makalayo at makaiwas sa pananakit niya ay umalis na lang kami ng kapatid ko at namuhay na magkasama.
Anim na buwan na simula nang umalis kami sa bahay na ’yon at ginagawa ko ang lahat para lang mabuhay kaming dalawa ni Lisa. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko habang pumapasok ako sa iba’t-ibang trabaho pero isang hindi magandang balita ang natanggap ko.
***
Labis na kaba ang nararamdaman ko habang naglalakad ako patungo sa opisina ng punong-guro ng aming eskwelahan. Tinawag ako ng adviser ko upang magtungo roon dahil may kailangan daw akong malaman. Hindi maganda ang pagkakasabi ni Ma’am ng mga katagang ‘yon kaya nag madali akong pumunta roon. Kinausap ako ng principal at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga nalaman ko. Pinipigilan ko ang pag-iyak. Pinilit ko magsalita. Pinilit ko magtanong.
“Bakit niyo po tinanggal ang scholarship ko Mrs. Tuazon? Paano po nangyari 'yon?”
Naguguluhan ako sa mga nangyayari—nagtataka kung bakit nila nagawa ito. Hindi pwede matanggal ang scholarship ko. Ito na lamang ang pag-asa ko para makapag-aral at para maabot ang mga pangarap ko. Nakita ko kung gaano kadismayado ang itsura ng aming punong-guro.
“Pasensiya ka na Ms. Villanueva. Hindi lang scholarship mo ang nawala. Patawarin mo ako sa sasabihin ko,” tumigil siya saglit at huminga ng malalim. “I’m sorry Ms. Villanueva. Hindi ka na din pwede pumasok sa paaralang ito.” Tugon niya.
Binaling niya ang kaniyang tingin sa ibang direksiyon matapos niyang bitawan ang mga salitang ‘yon. Tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko pati pangarap ko nawasak dahil sa mga salitang narinig ko.
“A-ano po!? Ano pong sinasabi niyo!? B-bakit hindi na po ako pwedeng pumasok?! A-ano po ba ang nagawa kong masama para gawin niyo po sa akin i-ito!?” Halos napipiyok na boses kong tugon.
I was about to cry but I tried to stop it. Sinubukan ko na magpakatatag sa harap niya habang hinihintay ang sagot na hinihingi ko pero hindi siya nagsalita.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin—tingin na parang wala na siyang choice kundi gawin ang bagay na ito. Pero hindi ako nagpatinag.
“Mrs. Tuazon? Please… Nagmamakaawa po ako. Huwag niyo po sana tanggalin ang scholarship ko. Nag enroll po ako dito dahil ito nalang po ang school na kaya kong matustusan ang pag-aaral ko. Ano po ba ang nagawa kong masama? Matataas naman po ang mga grado ko. Hindi naman po ako nasangkot sa kahit anong gulo. Bakit niyo po ako papaalisin na parang wala lang?—na parang trip niyo lang? Sabihin niyo po sa akin ang dahilan. Please... Mrs. Tuazon... Nagmamakaawa po ako...”
Sa puntong ito hindi ko na napigilan ang sarili ko na huwag umiyak. Kusa na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Nanginginig din ang mga kamay ko. Gusto ko malaman ang dahilan kung ano ang rason bakit nila nagawa ito. Baka may pag-asa pa na maayos ko. Baka may pag-asa pa na magbago ang isip niya.
Napansin ko na hindi siya makatingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko hindi niya rin alam ang kanyang sasabihin kaya ay nag patuloy ako sa pag sasalita nang maisip ko kung sino ang pwedeng gumawa ng bagay na ito.
“May nag-utos po ba sa inyo Mrs. Tuazon? Siya po ba ang may pakana nito? Nabayaran nanaman po ba niya kayo?” taas noo kong tanong.
Nagulat siya sa sinabi ko. Ngumiwi ako sa naging reaksiyon niya.
Alam kong si Tita Rina ang gumawa nito. Noon pa man gusto na niyang sirain ang buhay ko at ng kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit gano’n kalaki ang galit niya sa amin. Hindi pa ba siya nasiyahan sa pagpapalayas sa amin? Kinuha na niya lahat ng meron kami. Bakit pati pag-aaral ko pinagkakait niya sa akin?
“Sorry Ms. Villanueva. Maari ka ng makaalis.” Kalmado niyang sambit.
Nagpumiglas ako. Hindi ako umalis. Sinubukan ko ipaglaban ang karapatan ko. Nagmakaawa ako. Lumuhod. Umiyak sa harap niya. Nagmukhang tanga at desperada pero walang nangyari. Wala akong nagawa kundi umiyak habang patuloy na nagmamakaawa. Hanggang sa tumawag na siya ng tauhan upang mapalabas ako sa opisina.
Ikinuyom ko ang kamay ko. Pinigilan ko ang sarili ko na hindi sumigaw. Gusto kong magwala para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan sa amin pa mangyari ang sitwasiyong ito? Bakit may mga tao na patuloy akong isinusubsob pababa? Lugmok na lugmok na ako sa hirap pero bakit ito pa rin ang natatanggap ko? Bakit mas pinabigat pa nito ang mundo na dinadala ko?
Paano na ngayon ang pag-aaral ko? Paano na ang pangarap ko? Edukasyon na lang ang natatanging pag-asa ko pero pati ba naman ‘yon ipagkakait sa akin?
Patuloy pa rin sa pagragasa ang luha galing sa mata ko. Hindi ko napansin na naglalakad na pala ako sa kalye kung saan malapit na ang apartment na tinutuluyan ko.
“Ate Jackie!” rinig kong sigaw ni Lisa sa pangalan ko.
Napalingon ako sa kaniyang direksyon at nakita ko siyang kumakaway mula sa kinaroroonan niya. Mabilis kong inayos ang sarili ko at pinunasan ang mukha ko. Matapos ‘yon ay bumalik ang atensyon ko kay Lisa. Nakita ko siya na kasalukuyan naglalaro kasama ang iba pang mga bata sa kalsada.
“Ate laro tayo!” nakangiting ani niya.
Nakita ko kung gaano kasaya si Lisa habang naglalaro at dahil do’n napawi lahat ng pagod, galit at sakit na nararamdaman ko nang makita ko ang mga ngiting iginawad niya sa akin.
“Gabi na Lisa. Pumasok kana,” Utos ko nang makalapit ako sa kanya. “Tignan mo ang likod mo basing-basa ka nanaman ng pawis. Magpalit ka na ng damit sa loob at baka magkasakit ka pa.” Dagdag ko.
Tumango siya bilang pagsang-ayon at sumunod sa akin papasok sa apartment. Luma na ang apartment na tinitirhan namin. Binabayaran namin ito ng tatlong libo kada buwan. Maliit lang ito at gawa sa kahoy. Ito na lang kasi ang pinakamurang apartment na mauupahan sa lugar na ‘to. Wala akong pake kung mumurahin lang ang tinitirhan namin. As long as kasama ko si Lisa hindi na ako maghahangad ng iba pa.
Siyam na taong gulang na ang kapatid ko at masasabi kong lumaki siyang mabait at masiyahing bata. Alam na niya kung ano ang tama at mali. Marunong na rin siyang umitindi ng mga bagay-bagay katulad ng buhay na mayroon kami ngayon.
“Ate nagugutom na po ako. Wala po ba tayong pagkain?” tanong ng kapatid ko na kakalabas lang ng banyo.
Agad naman ako napadako ng tingin sa kinaroronan niya at nakita ko siyang hawak-hawak ang tiyan niya. Nakalimutan ko wala na pala akong pera para pambili ng pagkain namin. Tinanggal ako sa trabahong pinapasukan ko, tatlong araw na ang nakalipas at ang natirang pera kong isang daang piso ay naipambili ko ng project sa school pero pinatalsik din ako. Isa sa mga scholarship ko ang bumubuhay sa amin. Malaki rin ang naitutulong ng pera na ‘yon para sa pagkain at tinitirhan naming magkapatid pero ngayon wala na rin ito. At ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako maghahagilap ng pera para sa panggastos namin sa araw-araw. Punong-puno na ng problema ang utak ko.
“Pasensya kana bunso. Wala pang nahahanap na bagong trabaho si Ate. Titiisin mo muna ha. Uminom ka nalang muna ng maraming tubig.” Sabi ko habang pinipigilan kong umiyak. Hindi ko maatim na makitang nahihirapan ang kapatid ko dahil sa akin.
"Wala po ba tayong pagkain ate? ‘Wag ka mag-alala ate. Okay lang po ako. Iinom nalang po akong tubig. Ikaw po ba kumain kana?" tanong niya.
Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang niyakap at umiyak.
“Ate ‘wag kana umiyak. Okay lang po. Sa susunod nalang po tayo kumain pag may trabaho kana. ‘Wag ka mag-alala ate pag nagkatrabaho ako, ako naman ang bibili ng pagkain para sa ating dalawa.” Masayang sambit niya na mas lalong nagpaiyak sa akin ng sobra. Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap. Ang bata-bata niya pa para isipin ang mga ganitong bagay.
Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
“Pag nagkaroon ng magandang trabaho si ate promise ko sa’yo bibilhin ko lahat ng favorite food mo. Okay ba?” bitaw ko.
“Promise?” pag-uulit niya,
“Promise.” Sagot ko.
Kinuha ko ang bag ko para sana ayusin ang mga gamit ko nang may Makita akong isang ballot ng biscuit. Kinuha ko ‘to agad at tinawag si Lisa.
“Lisa, kunin mo ito oh. May pagkain pa pala ako dito.” Sambit ko.
Nakita kong nagningning ang mga mata niya at mabilis na lumapit sa akin.
“Wah! Thank you ate.” Binuksan niya ang biscuit at hinati ito sa dalawa.
“Ate oh! Kain tayo. Hati tayo sa biscuit mo.” Nakangiting pag-aalok niya.
“Huwag mo na alalahanin si Ate. Busog pa ako. Kumain ako kanina. Sige na kain kana diyan.” Pagsisinungaling ko.
“Sigurado ka po ba?”
Tumango ako bilang sagot.
Busog na rin naman ako pagnakikita ko siyang kumakain at masaya. Si Lisa nalang ang meron ako at gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang magampanan ko lahat ng responsibilidad ko bilang kapatid niya. Pinapangako ko hinding-hindi ko siya papabayaan.
Nakita kong tumingin si Lisa sa direksyon ko sabay ngiti.
“I love you Ate.”