Halos hindi ako mapakali sa upuan ko nang pinark ni Ethan ang sasakyan niya sa basement ng Casa Hulyana. "Bakit dito mo ko dinala? " tanong ko sa kanya. Bakit kailangan dito pa? Pwede naman sa hotel di ba? Pero hindi siya sumagot. He just stopped the engine, unbuckled his seatbelt and then move out of the car. Napapikit na lang ako sa inis tsaka ko siya sinundan. "Ethan! " tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon. Dire-diretso lang siya hanggang sa may akyatan siya na hagdan sa loob ng basement. "Ethan, ano ba! " pero wala akong narinig na sagot. Tanging ang hampas laman ng alon ang naririnig ko. Sumunod ako sa kanya paakyat sa hagdanan na iyon hanggang sa marating namin ang isang pintuan, pumasok siya doon kung kaya't sinundan ko siya. Laking gulat ko na pagpasok ko ay ang pasi