Pinipigilan ko yung mga luha ko na bumagsak habang nasa elevator ako paakyat sa kwarto ni Theo. Gustong-gusto kong umiyak pero hindi sa lugar kung saan maraming tao katulad nito. Napahinga na lamang ako ng marating ko ang tamang palapag papunta sa room ni Theo. Hindi na ako kumatok at dire-diretso lang ang pasok ko na kinagulat ni Theo at Amelia na nanonood ng TV habang nanginginain, si Joaquin naman ay tulog pero bago na ang suot nitong damit. "Mamsh!" Tawag ni Theo pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso lang ako sa anak ko at hinalikan siya sa pisngi pagkaraan ay kumuha na ako ng damit para maligo. "Mamsh, may prob?" Tanong ni Amelia pero hindi ko siya sinagot at dumiretso lang ako sa banyo. Napasandal ako sa pintuan pagkapasok ko tsaka nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ko. Gu