Hindi naman gaanong nag-usisa si Papa sa akin nang umuwi kami bandang alas-dos ng hapon ni Uncle Zeke. Dalawang beses na akong isinasama ni Uncle Zeke sa mga lakad ng barkada niya kaya hindi na gaanong nag-uusisa si Papa sa akin. Gusto rin naman kasi niya na makapasyal ako sa mga lugar na 'di ko pa napupuntahan kaya pinapayagan niya akong sumama kay Uncle Zeke kapag pinapaalam ako ni Uncle Zeke para sumama sa pamamasyal nila. Kinumusta lang niya ang naging biyahe namin ni Uncle Zeke at kung may natutunan ba ako sa kaibigan ni Uncle Zeke na nagtapos ng Accounting. Kahit nalilito man ako sa binanggit ni Papa ay umoo na lang ako. Naisip ko na lang na baka ito ang idinahilan ni Uncle Zeke kaya pinayagan niya akong sumama sa kapatid niya. Pagkatapos naming mag-usap ni Papa ay saka niya ako h