"Pa, hindi po ako sasabay sa inyo paglabas ng bahay," sabi ko kay Papa ng umagang 'yon. Tapos na siyang mag-agahan habang ako ay nagsisimula pa lang. He's sipping on his coffee while reading an article in the newspaper.
"Why? Isasabay ka ba ni Clara papunta sa school?" He asked while frowning. Hindi yata niya gusto ang idea na kay Clara ako sasabay.
"Yes, Papa. Sa kanya na lang po ako sasabay dahil mga eight a.m. pa po ang klase namin." Si Papa kasi ay alas-siyete ang pasok sa opisina. Ayokong maghintay ng isang oras sa school dahil masyadong maaga pa para pumasok.
"Alright, maiwan na kita at baka ma-late pa ako sa trabaho." Binaba ni Papa ang tasa ng kanyang kape sabay tayo.
"Ingat po kayo sa pagmamaneho."
"Ikaw din, Eli. Ingat ka sa pagpasok sa school. Agahan mo rin umuwi later at ayokong maulit pa na nagpupunta ka sa bar," bilin ni Papa habang tinitingnan ako sa kanyang salamin sa mata. He looked serious, alam kong hindi dapat baliin ang sinabi.
I will never go there forever! Because of my stupid plan, napahamak ako ng wala sa oras. Kung bakit kasi nagpakalasing ako ng husto habang naghahanap ng makakatalik. Dapat nagmenor ako sa pag-inom para alam ko ang ginagawa. Pero masakit sa dibdib ang ginawa sa akin ni Jethro kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na lunurin sa alak. Kung bakit naman kasi nasa iisang bar kami ng lalaking 'yon!
"I won't do it again, Pa. Don't worry, susundin ko po kayo this time." Well, sana noon ko pa siya sinunod. Hindi sana ako napahamak nang nakaraang gabi kung umuwi na lang ako at nagmukmok sa aking kwarto.
"I'm glad to hear that, Eli. I hope you're true to your words this time. Sige na, aalis na si Papa. Be good, okay?" Hinalikan pa muna ako ni Papa sa aking noo bago siya tumalikod at naglakad palabas ng komedor.
I left alone sighing. What would he do if he knew that I made a stupid mistake?
He won't know it, I know. Alam kong hindi magsasalita si Uncle Zeke sa kanya dahil pareho kaming mapapahamak.
Ang speaking of Uncle Zeke, dapat makaalis na ako rito before he went out at his house. Alam kong papasok na rin iyon sa trabaho at ayokong makasabay siya sa paglabas ng subdivision. Maglalakad pa naman ako palabas dahil sa labas na ako hihintayin ni Clara. Mga ten minutes lang naman ang lalakarin ko palabas ng gate mula rito sa aming bahay.
Nagsimula na akong kumain.Isang pirasong loaf bread at isang slice ng ham ang kinain ko. Uminom ako ng gatas at pagkatapos ay nagpasya na akong tumayo kahit kakakain ko lang. 'Di bale, magaan lang naman sa tiyan ang kinain ko kaya 'di naman siguro sasakit ang tiyan ko nito.
Sinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at saka na ako nagpasyang lumabas ng bahay bitbit ang aking mga libro.
Humuhuni pa ako ng isang awit habang naglalakad ako palabas ng gate. Subalit napatda ako sa aking nakita sa labas nang makita ko si Uncle Zeka na nakasandal sa kanyang magarbong kotse. Nakahalukipkip siya habang matiim na nakatitig sa akin. He's wearing his three-piece suit matching it with his black shiny shoes. He is ready to go to work I guess. Pero bakit siya nakaparada malapit dito sa tapat ng gate namin? Doon ang bahay niya at alam kong 'di naman siya naggagarahe dito sa tapat ng bahay namin. May sarili kaya siyang garahe.
"Good morning, Nayeli," bati niya.
"G-Good morning din po," naiilang na bati ko. Sinipat kasi niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo tumigil ang tingin niya sa tapat ng aking p********e na kaagad ikinataas ng aking kilay.
Minamanyak ba niya ako gamit ang kanyang tingin?
"How's your feeling? Hindi na ba masakit?"
Napatanga ako sa mukha niya dahil sa tanong niya. Pero kaagad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pamumula ng ang aking pisngi.
Bakit kailangan pa niya itong itanong sa akin? Hindi ba pwedeng kalimutan na lang namin iyon at umaktong walang nangyari sa aming dalawa? Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa akin ang katangahan ko?
"O-Okay na po ako. P-Please, huwag na po nating pag-usapan 'yan." Niyuko ko ang aking ulo dahil sa sobrang hiya.
I heard him sighed. Masyado iyong marahas at mukhang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
"S-Sige po, mauna na po ako Uncle."
I acted normal when I walked through his direction. Doon sa gawi niya kasi ang daan palabas ng subdivision kaya natural na maglalakad ako sa harapan niya. Kimi akong ngumiti nang mapatingin ako sa mukha niya. Pero sana pala hindi na lang ako tumingin dahil naramdaman ko ang pangangatog ng aking mga tuhod.
He's looking intensely at me. Nakasimangot na siya ngayon at tila hindi nagustuhan ang aking sinabi at inakto.
What is his problem? Anong gusto niyang gawin ko? Lumapit ako sa kanya at pag-usapan ang nangyari sa aming dalawa?
"Where are you going, Nayeli? Hop in, ako na ang maghahatid sa iyo sa school."
Natigil ako sa paghakbang at napilitan akong harapin siya. Sabi ko iiwasan ko siya pero bakit pakiramdam ko siya ang gumagawa ng paraan para magkita at magkalapit kami?
"M-May kasabay na po ako, Uncle. Naghihintay na po siya sa gate," sagot ko habang hindi mapakali.
I need to get out of here. Pakiramdam ko gusto niyang kontrolin ang sitwasyon. Parang gusto niya ako hawakan sa leeg.
Nakita kong nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
What's wrong with him?
Akala ko maiiwasan ko siya, pero bakit pakiramdam ko gumagawa naman siya ng paraan para makalapit sa akin.
"No. Sasabay ka sa akin."
"P-Pero, Uncle—"
"No more buts, Nayeli. Hop in now. Pareho tayong mali-late kapag hindi ka pa gumalaw diyan," mariin niyang sabi. Masama ang tingin niya sa akin at parang nais niya akong bugahan ng apoy dahil sa inis.
Ano 'yon? Magiging possessive na siya at bossy sa akin after what happened to us? Bigla naman ako napalunok ng laway at unconsciously napaatras ako ng dalawang beses dahil natakot ako sa reaksyon niya.
"M-May kasabay nga po ako. Nakakahiya naman po kung hindi ko siya sisipu—-"
"I don't care! Basta pumasok ka na sa kotse para tapos ang usapan!"
"Pero—"
"Papasok ka ba sa kotse o gusto mong buhatin pa kita?"
Gusto kong magpapadyak sa inis! Wala akong nagawa kundi paikutin ang mga eyeballs ko habang nagdadabog papunta sa kanyang sasakyan.
He has no right to do this to me! Gusto ko iyong isigaw sa mukha niya pero ginagalang ko siya kaya nagtimpi ako.
Nakakainis naman, oo! Iniiwasan ko siya pero mukhang siya naman ang gumagawa ng paraan para makalapit sa akin.
What is his purpose? Para matikman ulit ako?
Kinilabutan ako sa aking naisip at nagpasyang sa likuran ako ng kotse niya sasakay.
Hindi ako komportable at safe kapag sa tabi niya ako uupo. Baka manyakin niya ako or what.
"Where are you going? Sa harap ka na sumakay."
Natigil ako sa paghakbang at huminga ng malalim. "Uncle rito na lang po ako sa likod. Mas gusto ko po rito."
"Why? Are you afraid of me? Are you avoiding me, aren't you?"
Oo! I like to scream it on his face! Manhid ba siya? Nakikita naman siguro niya na I'm trying to distant myself! I'm avoiding him, hindi niya ba 'to ma-gets?
"What do you want me to do, Uncle? Ilapit ang sarili sa iyo after what happened to us?"
"Yeah, what's wrong with that? Bakit mo naman ako iiwasan pagkatapos ng nangyari sa atin? Sa tingin mo natutuwa ako?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napatanga ako sa mukha niya habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.
Wala raw mali? Bakit daw ako iiwas?
Tanungin din kaya niya sarili niya.