Inaantok pa si Nayeli habang nakaakbay ako sa kanya. Nakakapit siya sa aking baywang habang tamad niyang iginagala ang kanyang paningin sa lawak ng karagatan. Narito kami sa dalampasigan at naglalakad papunta sa isang panig ng resort na sinasabing maganda ang view ng pagsikat ng araw ayon kay Blue. Gusto ko kasing panoorin ang magandang sikat ng araw doon habang nakayakap ako mula sa kanyang likuran. Wala lang, gusto ko lang panoorin ang pagsikat ng araw kasama siya. For me, it's another day to spend my life with her. Ang sarap lang panoorin ang pagsikat ng araw habang kasama ang mahal ko. When I was a kid, madalas akong umaakyat sa bubong namin para panoorin ang pagsikat ng araw. Nakagawian ko na ito hanggang sa nagbinata ako. Pero nang maging busy na ako sa pagpapalawak ng negosyo n