Pinagmamasdan ko si Nayeli habang nililibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto ko. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko dahil nakikita ko na gustong-gusto niya ang nakikita niya. Pinasadya ko talagang baguhin ang lahat ng narito sa bahay ko. Lalo na ang pintura at ilang mga gamit dahil ramdam ko na malapit ko na siyang iuwi rito sa bahay ko. I want my queen to feel comfortable at my palace. Kabisado ko ang lahat ng paborito niya kaya ako ang nag-adjust para makita kong matuwa siya. Nakita kong tinungo niya ang bintana ng kwarto ko at tumunghay sa labas. Tinanaw niya ang kanyang silid at iniisip niya marahil kung paano ako nakarating sa kwarto niya ng hindi nalalaglag sa bubong. I love extreme sports, like bungee jumping, BMX, skateboarding, mountain climbing, drag racing at sy