Apollo POV "Bibigyan kita ng pagkakataong mag-isip Apollo. Papayag ka sa kundisyon ko o sasabihin ko kay Zana ang lahat." Kahit siguro anong paliwanag ang gawin ko hindi niya parin ako maiintindihan. "Kailangan ko ng bumalik sa fiancé ko. Baka kasi magising na siya." Walang emosyong tinungo ko ang labas ng pinto ni Tallie at bumalik na ako sa room namin ni Zana. Pagpasok ko sa kwarto ay wala na siya doon, narinig ko nalang ang lagaslas ng tubig sa banyo. Umupo muna ako sa sofa. At iniisip ang pwede kong gawin. Ayokong mawala si Zana sa akin. At ayoko ding magkasira kami ni Tallie. Ilang minuto din ang nakalipas ng marinig ko ang yabag ng paa ni Zana papalapit sa akin. Pinilit ko ang sarili kong alisin ang mga negatibong tumatakbo sa utak ko. "Wala pa ang inorder mong food?" Wika niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books