Ilang minuto lang ang nakalipas at bumaba na din ang mga magulang ni Apollo abot-abot ang kaba ko. Pakiramdam ko ay sasalang ako sa panel interview. Nanatili naman si Apollo sa tabi ko.
"Papa, Mama, Si Zana Alonso po. May fiancé." Pakilala niya sa akin.
"Magandang gabi po sa inyo." Nakayukong bati ko sa kanila.
"Hi Zana, finally nakilala ka na din namin kumusta ka? Ako nga pala si Henry." Nilahad niya ang kamay niya at inabot ko iyon.
"Ako naman si Helen," Nakangiting wika ng kanyang Mama.
"Kanina pa nakahanda ang pagkain tayo na at baka lumamig na iyon." Aya ng kanyang Mama.
"Tito,Tita!" Bati ni Tallie mula sa likuran at niyakap niya ito.
"Tallie! Hay naku bakit ngayon mo lang kami dinalaw dito anak?"
Sapalagay ko ay magkasundong magkasundo sila kaya anak ang tawag ng mama ni Apollo sa kanya.
"Pasensiya na po Tita, si busy po kasi kami ni Apollo sa negosyo." Nakangiting sagot ni Tallie.
Magkakasunod kaming pumunta sa mahaba nilang dining table. Magkatabi kami sa dulo ni Apollo, habang sa kabila naman ay ang mga magulang niya. Nasa kaliwa naman ng kanyang mama si Tallie katabi si Monica. At is Bea naman ang nasa kaliwa ko.
"By the way Zana, nasaan ang parents mo? Bakit hindi mo sila kasama? Engaged na kayo ng anak ko kaya dapat makilala namin sila." Wika ng ni Papa Henry.
"Hiwalay na po sila, at may kanya-kanya ng pamilya.". Ayoko pa sanang ungkatin ang buhay ko sa kanila ngunit palagay ko kailangan nila yung malaman. Para makilala nila ako. Dahil ilang buwan na lang magiging mag-asawa na kami ni Apollo.
"Ganun ba? San ka lumaki? Sa father mo ba o sa mother mo?" Sunod niyang tanong.
"Sa Tita ko po, pero patay na po siya dalawang taon. Simula noon nabuhay na po akong mag-isa." Sagot ko halos di ko malunok ang kinakain ko dahil sa kaba at sunod-sunod nilang tanong sa akin. Nakatingin din ang buong pamilya niya sa akin pati na rin si Tallie. Kaya panay inom lang ako ng tubig.
"Saan ka na nakatira?"
"Ano ka ba Henry. Kumain muna tayo mamaya na ulit natin siya tanungin.” Wika ng kanyang mama niya medyo nakaluwag-luwag na din ako.
“Diba bumili si Apollo ng condo?" Si Ate Monica ang sumagot. Nakaramdam ako ng pagkailang sa paghagod ng tingin niya sa akin.
"Hindi po, nangungupahan po ako sa isang studio type na apartment." Mabilis na sagot ko.
"Bakit nagtitiis ka pang tumira doon pwede naman kayong magsama na ni Apollo?" Usisa ulit ng kanyang Papa.
"It was her decision Pa, ayaw niyang magkasama kami hanga’t hindi pa kami kasal." Si Apollo ang sumagot
"Tama yan Ate Zana," Nakangiting wika ni Bea. Kaya sinuklian ko din iyon ng ngiti.
"Diba sa bar ka ni Apollo nag tratrabaho? Bakit hindi ka na lang mag-resign? Kaya ka naman buhayin ng kapatid ko." Si Ate Monica.
"Ate," Saway ni Apollo. Halos hindi na ako makanguya sa sobrang kaba at hiya. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede nilang itanong sa akin. Pero pakiramdam ko ay hindi ako welcome sa kanilang pamilya.
"Wag na nating pag-usapan yan. At hayaan na lang natin sila ang magdesisyon sa pagsasama nila. Makikilala din natin si Zana pag naging myembro na siya ng pamilya natin." Nakangiting wika ni Papa Henry.
"Tallie, bakit ang unti mong kumain? Ako ang nagluto ng adobo na yan. Diba favorite mo yan? Lalo pag iga na sa sariling mantika?" Sabi ni Mama Helen.
"Oo nga Tita kaya lang, I'm on a diet." Sagot nito sa kanya.
"Kaya lalo kang gumaganda at sumi-sexy eh! Siguro ay may boyfriend ka na ano?" Hirit pa ng mama ni Apollo.
"Naku Tita! Wala po! At isa pa busy ako pati narin sa pagpapalago ng negosyo namin ni Apollo." Sagot niya sabay tingin kay Apollo. Ngumiti naman si Apollo sa kanya. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko kung pwede nga lang na tumayo at umuwi na lamang kanina ko pa ginawa.
"Mabuti nalang at naging best friend mo si Apollo. Biro mo yung pangarap nila noong high school na magtatayo sila ng negosyo nilang dalawa ay nagkatotoo? At dahil yun sa sipag at tiyaga ni Tallie." Nakangising wika ni Ate Monica. Habang ako naman ay nakayuko lang at pinakikingan silang mag-usap na parang wala ako sa tabi nila. Mataas talaga ang siguro ang insecurity ko sa katawan dahil hindi naman ako lumaking mayaman.
"Wait Ate Monica? Ano ang ibig mong sabihin, na si Tallie lang ang gumawa nang lahat para mas maging succesful ang Moonlight A.T?" Kunot noo na tanong niya sa kanyang kapatid.
"Hindi naman, I think mas magaling lang si Tallie."
"Hindi po Ate Monica, parehas kaming nagsikap ni Apollo. At marami kaming pinagdaanan bago namin naitayo ang limang branch ng moonlight A.T" Paliwanag ni Tallie.
"Napakaswerte ng magiging asawa mo Tallie." Sabat naman ng ina ni Apollo. Ngumiti si Tallie bilang pagtugon.
"Naku best siguraduhin mo lang na makikilala ko yan bago ka magpaligaw ha?" Sabi ni Apollo. Bahagya naman akong napatingin sa kanya. At bumalik ulit ang atensyon ko sa pagkain. Pinagsandok ko na lang siya ng chicken sa plato niya.
"Ah, Zana? Kasi—“
"Hindi pwede si Apollo sa peanut, Zana. May peanut kasing halo yang chicken na yan. May allergy siya." Putol ni Tallie.
"Ah ganun ba? Sorry hindi ko alam." Nakayukong wika ko.
"Okay lang yun Zana." Sabi niya.
"Aling Meding, papalitan na lang ng plato si Apollo." Utos ng Papa niya.
"No its okay, hindi ko na lang kakainin." Wika ni Apollo.
"Naalala niyo ba ng kumain si Apollo ng cupcake na may peanut gawa ni Tallie? Tapos di niya alam na may allergy pala si Apollo?" Natatawang wika ni Ate Monica.
"Oo ate Monica. Tandang-tanda ko yun. Grabe ang iniyak ni Tallie non dahil nahirapan si kuya huminga tapos sinugod pa natin sa ospital at halos lumuhod na siya kay mama dahil panay sorry niya." Natatawang saad ni Bea.
"Oo na! Wag niyo na ipa-alala ulit at hindi ako nakatulog ng ilang araw dahil doon. Hindi ko din yun sinasadya at alam ni Tita yun." Wika ni Tallie.
"Tama si Tallie. Nakaraan na yun. Hindi naman ako nagalit sa kanya ng husto. Alam naman niya na para ko na siyang anak. At hindi niya rin naman sinadya." Nakangiting wika ng Mama ni Apollo. Tuluyan na akong nawalan nang ganang kumain. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko at uminom na lamang ng tubig.
"Zana, are you done eating?" Usisa ni Apollo. Sadyang pagdating kay Tallie ay manhid na siya sa mararamdaman ko. Idagdag pa ang pagkapahiya ko nang subukan ko siyang pagsilbihan.
"Oo busog pa kasi ako Apollo, pasensya na po." Wika ko sa kanila.
"Okay lang hija," Sagot naman ng kanyang Papa.