Zana POV Dahil sa pag-iisip ko sa nangyari kagabi nag-disesyon akong duon na kay Apollo tumira. Binabagabag ako sa mga nangyari kagabi. Ayoko mang bigyan ng malisya ang nakita kung pag akap niya kay Tallie pagkatapos niyang iligtas ito ngunit hindi ma-alis sa isipan ko iyon. Ayokong mas magkaroon pa kami ng di pagkakaunawaan dahil sa selos na nararamdaman ko at hindi rin ako mapalagay kagabi hindi ko magawang matulog ng mahimbing kaya nag impake na lang ako ng aking mga damit. Iniwan ko muna ang aking mga gamit dahil di ko naman iyon kakailanganin sa condo ni Apollo dahil kompleto naman siya sa gamit. Balak ko sanang i surprise si Apollo ngunit ako pala ang masosopresa dahil wala siya sa condo. Halos kalahating oras akong nag-antay bago siya dumating. Napansin kong kakagising lang din niy