Gangster 3: First DayKisha pov:
Well what do you expect ngayong araw na ang pasukan kaya heto ako ngayon sa loob ng taxi papuntang school, pag dating ko ay agad akong bumaba pagkatapos bayaran si manong napansin ko naman agad na may kalakihan din pala ang YB international well after all it's one of the most prestigious school in the Philippines. Habang nag lalakad ako ay napansin ko naman ang pagtitig sakin ng mga babae pati lalake dito sa campus, nakaagaw ng pansin ko ang mga lace ng ID nila at lahat ito kulay ginto habang sakin ay kulay puti.
"Omy gosh another poor nanaman ang nakapasok sa school"
"Yak sis look at her eyeglass grabe pati porma nya pang manang"
"Pre mukang may bago nanamang pag didiskitahan na scholar si Yugin"
"Takte pre tignan mo ohh manang na manang"
Rinig kong mga bulungan well madami pa silang bumubulong pero di ko na pinansin at dumiretso na lang sa office para kuhanin ang magiging schedule ko.
"Good morning Ma'am I'm Kisha Nakamura new student and I'm a scholar po?" Saad ko while pretending to be nice
"Ohh the new scholar well this is your schedule" ngiting sagot nito sakin bago ibigay ang isang papel
Pag kakuha ko sa schedule ko ay nakita ko agad na halos alam ko na ang mga subject nato, I'm not bragging or anything pero at the age of 18 graduate nako ng college kasi halos home schooled lang kami kaya naman 3 college courses ang kinuha ko . The first one is Culinary art, the second one is business administration and lastly is BS psychology, tinignan ko naman ang schedule ko and for sure medyo stress ako nito. Dahil ang mga core subjects ko ay Management, Introduction to Business, Financial Management, Business Policy, Venture Management, Economics etc. Kaya naman pumunta na lang ako sa room ko as I suspect 3 palang kami at mukang kaparehas ko silang dalawa na scholar dito, umupo naman ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Habang nagmumuni ay nilapitan naman ako ng dalawang scholar, kinalabit naman ako ng babaeng naka applecut at pagtingin ko ngumiti silang dalawa kasama ang isang lalake.
"Hi sis I'm Lance Ramos also dyosa and call me sissy" ngiting saad nung lalake ata
"Ako naman si Erika Pimentel parehas mo kaming scholar nitong bessy ko" saad nung babae
Tumango naman ako at tumingin ulit sa bintana napabugtong hininga na lamang yung dalawa at bumalik sa upuan nila, ilang minuto lamang ay nagsidating na lahat ng estudyante at duon nadin pumasok ang teacher namin.
"Good Morning everyone I'm Mrs. Reyes your teacher in Financial Management, now everyone introduce yourself starting from the left corner of first row." she said
Napansin ko na yung lance pala ito, natataawa naman ang ibang kaklase namin dahil kumekembot pa ito.
"Good morning everyone I'm Lance Ramos isang dyosang binagsak sa lupa para magkalat ng kagandahan sa mundo, and i believe in the saying na Ayos lang maging bakla basta maganda ka and I thank you." kwelang pagpapakilala nito
Natawa naman ang mga kaklase namin dahil sa istilo ng pagpapakilala nito, nakita ko naman nag tawanan sila ni Erika bago ito tumayo para magpakilala.
"Good day guys ako nga pala si Erika Pimentel scholar din taga Sampaloc kami ni Lance which is bestfriend ko sana maging friends namin kayo" pagpapakilala nito
Nag pakilala narin ang iba na di ko naman pinansin hanggang sa ako na ang magpapakilala, pagpunta ko sa harap ay tinignan ko naman ang mga kaklase ko at ang teacher namin.
"Good morning I'm..." putol kong pagpapakilala
Dahil pumasok ang isang lalake, lalakeng kilalang kilala ko dahil ito ay si Yugin.
Yugin pov:
Late nako nagising dahil galing ako ng bar kagabi pagtingin ko sa orasan ko ay 8:40am na 10minutes na lang late nako sa school kaya mabilis akong kumilos, pagbaba ko ay bumungad sakin si yaya Mina.
" Yugin hanap kana ng mommy mo nak" saad nito
"Sige thank you Nana Mina" sagot ko dito
At mabilis pumunta sa kusina at don ko nakita si mom na naka corporate attire mukang papasok na ito.
"Morning son kain na" ngiting bati nito
"Morning Mom but i'll pass late nako" sagot ko naman dito
Humalik naman ako sa Pisngi nito at mabilis pumunta sa sasakyan ko, after 10 minutes nakarating nako sa school. Tumango naman sakin yung guard at pinagbuksan ako ng gate kahit 20 minutes nakong late, pumunta naman ako sa school office para kunin ang schedule at mabilis pumasok sa room. Napansin ko naman yung mga kaklase kong babae at ilang bakla na kinikilig habang nakatingin sakin, napansin ko naman yung teacher namin pati ang isang babaeng banklong nakatingin sakin pero muka itong pamilyar sakin di ko na ito pinansin at umupo na lang sa isang vacant chair sa bandang likod na kasama ng 2 kong kaibigan.
"Ok miss you may continue" saad ni Maam dun sa babae
"I'm Kisha Nakamura from Japan also a scholar here in YG International School, 20 years old and i love silent places." pagpapakilala nito
Nakita ko naman na tumingin sakin si maam kaya pumunta na ako sa harap para magpakilala.
"Good Morning I'm Yugin Beckham the son of the owner of this School, I love playing basketball also I love going to Parties" pagpapakilala ko at may kasama pang kindat
Napansin ko naman kinilig ang iba kong kaklase habang yung babaeng nakasalamin ay nakatingin lang sa bintana, umupo naman ako at nakinig na lang sa tinuturo pero napangisi na lamang ako ng mapansin kong nakatingin sakin yung nerd na babae.
Kisha pov:
Napansin ko naman nakangisi sakin si Yugin kaya binalik ko na lamang ang paningin ko sa harap hanggang matapos ang lahat ng klase nagpahuli akong lumabas dahil ayoko makipagsiksikan, napansin ko naman yung dalawang scholar at may dala silang paper bag at lumapit ito sakin.
"Uhm Kisha sama ka samin kasi super mahal ng foods dito tsaka baka pag diskitahan nila baon mo" sabi ni Lance
"Lance's right jusko imagine spaghetti nila ay isang libo and take note yun pinaka mura nila" pagsangayon ni Erika
Ayaw ko man makipag socialize sa kanila ay wala na kong magawa dahil kaylangan ko makakuha ng impormasyon tungkol kay Yugin kaya sumama nako, habang nagalakad napatigil sila ng paglalakad ng hilain ko sila papasok ng canteen. Napansin ko naman napatingin samin lahat at mukang natatawa samin, nakita ko din na napayuko si Erika at Lance kaya naman dinala ko sila sa bandang gitnang table.
"Kisha bawal may baon dito" bulong ni Erika
"Oo nga sis wala kaming pera" dagdag pa ni Lance
Di ko sila pinansin at sumenyas sa waiter at lumapit samin.
"Good afternoon today we are serving italian dishes for today here is the menu" saad nito at inabot samin ang isang menu" saad ng waiter at binigay ang menu
"I'll take 3 orders of Tagliatelle ai funghi 2 orders of Ragù alla Bolognese 1 order of Arancini and lastly 3 orders of budino" saad ko at umalis nato
"Jusko ano ibabayad namin ang mahal ng mga pinili mo ang mura lang ata yung budino na 500 isa" parang natataeng saad ni Erika
Di ko naman sila pinansin at hinintay dumating ang order ko, after a few minutes nakita ko naman na lumapit samin ang 2 waiter at binaba ang order ko at inabot ang resibo.
"The total is ₱6,800" saad ng waiter
Kaya naman inabutan ko ito ng ₱7,000 at sinabing keep the change na nakapagpalaglag ng panga ng dalawa kong kasama, habang kumakain ay panay tanong sakin ng 2 kung mayaman bako pero di ko sila pinapansin pero napatigil ako ng makita ko si Yugin kasama and 2 pang lalake kaya tinignan ko sila Lance at Erika at nagtanong.
"Who are they?" i ask
Tinignan naman nila ito bago mag salita.
"Well sila ang Campus Kings, si Yugin Beckham 21 yo sya ang anak ng may ari ng school kilala ito bilang playboy at bully. Next is they guy with glasses, he is Jake Santos 20 yo may pag ka nerdy sya pero sya pinakamabait sa kanilang 3 and they also own airports in every country . And lastly the guy na naka manbun hair is Rendy Manalo they own a clothing brand in different countries medyo playboy din ito at bully like Yugin and 20 lang sya, share holder ang magulang nila Rendy at Jake kaya malaki din ang kapit nila." paliwanag ni Lance
Napangisi naman ako dahil mukang mapapakinabangan ko nga silang 2 para makakuha ng impormasyon.