Chapter 12.2

519 Words
Chapter 12.2 "You're mine" sabi nito sa gitna ng halikan namin. Natigilan ako sa sinabi niya at humiwalay sa kanya nang hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa kanyang leeg. Hinabol pa nito ang labi ko pero tinignan ko siya mata. "No one owns me Montefalco" seryoso kong sabi dito. Nginitian lang ako nito bago hinaplos ang aking pisngi "The moment you kiss me that night, I own you. You're mine Laina whether you like it or not" hindi makikitaan ng kahit anong pagbibiro ang mga mata nito. Seryoso itong nakatingin sa akin bago hawakan ang aking panga at muling angkinin ang aking mga labi. I closed my eyes again and feel his slow but sweet kisses. He made me feel like I'm the only girl in the world. Nanlalambot ang mga tuhod ko nang maghiwalay ang aming mga labi. Agad kong isinandal ang aking noo sa kanyang balikat dahil nakaramdam ako ng hiya matapos nang halik na pinagsaluhan namin. Umangat ang isang kamay nito patungo sa aking ulo at marahang hinaplos ang aking buhok. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago ako patakan ng halik sa aking ulo. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sayang nararamdaman dahil sa sinabi niya sa akin. He's right he owned me. He has his own special ways para pasunurin ako at makuha ang mga bagay na gusto niya. Pagdating sa kanya, I immediately succumb in all ways that he wants. Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon ni Brix sa hallway. Nakikita kong pinagtitinginan kami kaya pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya. "Nahihiya ako Montefalco, akin na ang kamay ko" mahina kong sabi sa kanya pero tinignan lang ako nito bago nagpatuloy sa paglalakad. "Bakit nahihiya kang kasama ako?" nakataas ang kilay nitong tanong. "No! Ayoko lang pinagtitinginan. I'm not used to be in everyone's attention" sabi ko dito habang pasimpleng tumitingin sa mga taong sinusulyapan din kami. "Let them know that I own you, Laina" confident nitong sabi at hinalikan ang likod ng aking palad sa harapan ng lahat. Napanganga ako sa ginawa nito at mabilis na hinampas ang braso niya. "Anong you own me? Hindi pa kita sinasagot?! Ni hindi mo pa nga ako nililigawan!" pagtataray ko sa kanya. Kumunot ang noo nito. "Eh ano yung kanina? We shared a kiss Laina. Don't tell me you kiss a stranger or your suitor?" nang iinis nitong sabi. Napapikit ako sa inis na nararamdaman ngayon dito. "No!! I kissed no one! Bigla ka kasing nanghalik kanina. Nabigla lang ako" pagpapalusot ko dito na nagpatawa kay Brix. Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumahimik. Gulat ang mukha nito. "Wait, I'm your first kiss?" mangha nitong sabi. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa tanong nito. Kailangan pa ba talagang itanong yan!!!! Bwiset talaga to eh!! Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kanya at nakayukong tumango dito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa kamay ko. "Now I'm sure. You're totally mine Laina" sabi nito at hinalikan ako sa noo bago ako hinatak palayo sa mga tao. Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay at napangiti. Am I doing the right thing here????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD