Chapter 1.1

424 Words
Chapter 1.1 "Laina, can you bring this to the student council's office" utos sa akin ng prof. ko "Sure po" kinuha ko ang mga papel at pumunta sa student's council office. Pagkapasok ko pa lang ay nakarinig na ako ng tawanan at mga estudyanteng nag uusap. Nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang nasa loob. Kent and Meg is happily chatting with each other. Napairap ako nang magtama ang mata namin ng ex boyfriend ko. Mabilis kong ipinatong ang mga dala sa table at lalabas na sana nang magsalita si Kent. "Is it true Brix and you, Laina?" tanong nito sa akin habang nakapangalumbaba. Napatingin ako sa kanya at nakita kong tumahimik na rin ang iba at hinihintay ang sagot ko. "Why are you asking? Still not over me?" napahalukipkip ako at nagtaas ng kilay na nakatingin sa kanya. Tumawa ito at sumandal sa upuan niya. Inakbayan pa nito si Meg, the woman he used to cheat on me. "You're really full of yourself ha? Kaya hindi tayo nagtagal eh ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Akala mo kung sino ka. You think every man will bown down on you and come running towards you? Kung hindi man lang din sa apelyido mo tingin mo may gustong ma link sayo? Everyone sees you as an investment" tumatawa nitong sabi. Napalunok ako sa mga insultong natamo mula sa ex ko. Nakita ko rin kung paano nagsipagtawanan ang mga lalaki at babae na nakarinig sa sinabi niya. I feel a lump on my throat nang makitang pinagp'pyestahan nila ako. No, I won't cry! I won't cry in front of them! I was about to answer when an arm encircled on my shoulder. Nakita ko kung paanong nawala ang mga ngiti ng mga taong nasa harapan ko. Nagsipag ayos sila ng upo maliban kay Kent. Tinignan ko ang dahilan kung bakit naging ganun ang reaksyon nila. I see Brix standing beside me with a poker face expression. He looked at me. Kumunot agad ang noo niya. Napigil ko ang paghinga ko nang bigla niyang ilapit ang labi niya sa tenga ko. Damang dama ko ang init nang kanyang hininga na dumadampi sa balat ng aking tenga. "Hold your tears! Don't f*cking cry in front of your bastard ex boyfriend" may galit sa boses na sabi nito. Lumayo siya sa akin at nanlaki ang mata ko nang pagapangin niya ang malaki niyang kamay sa beywang ko at hapitin ako palapit sa kanya. He smirked at me bago bigyan ng mapang insultong tingin si Kent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD