bc

Wanted: Mafia Lord Series 13 (R-18 SPG)

book_age18+
171
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
one-night stand
family
HE
age gap
fated
badboy
mafia
gangster
blue collar
sweet
bold
disappearance
rejected
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Blurb:Mabagsik, matapang, walang awa at ma-pride. Iyan ang mga katangiang taglay ni Kent Lucero ang kagila-gilalas na isang Mafia Lord. Ceje Bril, isang nakapaka simpleng babae at laki sa hirap na namumuhay sa Isla Canar. Isang dalaga na walang magawa kung hindi ang magtiis sa tyahing malupit.May mga bagay na hindi natin hawak o kontrolado ang pangyayari sa ating buhay.Gaya na lamang ni Ceje na ibeninta ng kanyang tiyahin. Kung kaya napilitan 'tong tumakas. Bago pa siya makuha ng mga taong pinagbintahan ng kanyang tyahin. Ngunit magawa pa kaya niyang makatakas, dahil hindi lang pulis ang naghahanap sa kanya, gayon din ang buong mundo. Eh, paano kung magpanggap na lang siyang lalaki upang makapasok ng trabaho, ngunit paano kung bumagsak din siya sa taong humahanting sa kanya? Makatakas pa kaya siya o baka naman. Makulong na rin ang puso niya sa isang Mafia Lord dahil sa angkin nitong kakisigan at natatagong kabaitan.Abangan!

chap-preview
Free preview
Kangkong
"Ceje, ikaw na muna ang magpitas ng mga kangkong at makikitong-it ako. Alam mo naman 'yon hindi ba?" Agad akong napalingon sa aking tiyahin. Nag-alala ako na baka magalit ito sa akin. Ngunit bahala na nga! "Pe-Pero, Tiya. Hapon na po at malayo po 'yon." "Bakit? Nagre-reklamo ka na! Ikaw nga na pinapalamon ko tatlong beses sa isang araw hindi ako nagrereklamo! Tapos ngayon ayaw mong sumunod sa akin? Gusto mong makatikim?" "Hi-Hindi po, Tiya. Kukuha na po ako ng paglalagyan at aalis na po ako agad." Agad akong tumalikod para umalis sa harap ng tiyahin ko. Baka bigla na naman niya akong tadyakan oras na hindi ako sumunod sa kanya. Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tinig ng isang babae na kararating lang sa aming bahay. At mukhang nagmamadali rin 'to. "Minda, halikana at naghihintay na 'yong mga kaklase natin sa bahay ni Leonor. Dali!" "Ito na kukuha lang ng pangpuhunan," mabilis na sagot ng tiyahin ko. Iiling-iling na lamang ako. Lulong na talaga sa sugal ang tiyahin ko. "Ceje! Pagbalik mo magsaing ka at magluto ka na rin ng kangkong na adobo, ha?" bilin pa ng aking tyahin. "O-Opo, tiya Minda." Hanggang sa makita kong naglalakad na sila. Mayamaya pa ay isinirado ko na rin ang pintuan at umalis na rin ng bahay upang kumuha ng mga kangkong. Kasalukuyan akong naglakad nang masalubong ko si Jessa ang aming kapitbahay na nakatingin sa aking mga dala-dala. "Uy, Ceje. Saan ka pupunta? Bakit may dala kang basket at mga plastik?" "Inutusan kasi ako ng tyahin ko na kumuha ng kangkong." "Gano'n ba? Sige mag-ingat ka bilisan mo at baka gabihin ka na sa daan. Samahan sana kita kaso may ini-utos din kasi sa akin si Inay," turan naman ng aking kaibigang si Jessa at iniwan na niya ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang dala-dala ang basket at palinga-linga sa paligid. Medyo mahabang lakaran ang aking lalakbayin bago makarating sa kangkungan. Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan nang makarating ako ay naranaw ko rin ang mga kangkong na nagkalat kung saan-saan at maraming talbos. "Oh, hija. Bakit nandito ka pa maggagabi na?" tanong sa akin isang babae na biglang sumulpot sa kung saan. "Ay! Ano ba 'yan? Nandyan po pala kayo. Kukuha lang po ako ng kangkong para pangbenta po ng tiyahin ko at pang-ulam na rin po." "May dala ka bang bota?" tanong pa nito sa akin. "Wala po, eh." "Naku! Dapat nagdala ka ng bota kasi lulusong ka sa tubig. Mahirap na baka matuklaw ka ng ahas o baka makatapak ka ng matutulis na bagay sa paa mo. Maganda na 'yong nag-iingat ka, Ceje. Tapos maggagabi na rin, baka bago ka pa makauwi sa inyo madilim na. Mahirap pa naman ang panahon ngayon. Babae ka pa naman. Dapat nagpasama ka man lang. Saka dapat hindi ka hinayaan ng tyahin mo na mag-isang pumunta rito." "Salamat po sa paalala. Pero kaya ko naman po ang sarili ko. Ang mabuti pa po ay umalis na po kayo para makauwi na rin po kayo at makapag pahinga," anas ko sa Ginang. "Oh, 'tong bota ko. Hiramin mo muna at bukas bumalik ka rito at kukunin ko 'yan sa 'yo." Naantig ang puso ko sa sinabi ng babae at nakaramdam ng galak sa aking kalooban nang marinig 'yon. Mabuti pa siya kahit hindi niya ako kadugo ay may pakialam siya sa akin at nag-aalala. Napahinga na lamang ako ng malalim. "Oh! Soutin mo na 'yan. Sige na at mauna na ako sa 'yo. Mag-iingat ka," aniya pa nito sa akin at tuluyan na ngang naglakad palayo. "Salamat po! Opo, ibabalik ko po 'to sa inyo bukas na bukas din," mabilis naman na saad ko sa kanya habang napapangiti. Mabilis kong isinuot ang bota na pinahiram sa akin at agad akong nagsimulang lumusong sa tubig at kumuha ng talbos ng kangkong. Magdidilim na ay hindi pa ako tapos sa pagpitas ng kangkong. Lagot na naman ako nito kay tiya Minda. Hindi pa ako nakasaing ng kanin. Kaya naman hindi ko na tinapos ang aking ginagawa, kung ano lang ang aking nakuha ay iyon lang talaga. At nagmadali na akong naglakad pauwi dahil talagang ginabi na nga ako. Dahil walang street light sa daan ay talagang nakakaramdam ako ng takot. Ngunit wala akong magawa kung hindi ang lakasan ang loob ko at maglakad na tila hindi naduduwag. Hanggang sa may makakasalubong akong lalaki at pasuray-suray 'to sa paglalakad. 'Mukhang lasing 'tong lalaki na 'to, ah," wiika ko sa aking isipan at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ngunit nang makakasalubong ko na siya sa daan ay hinarangan niya ako, dahil kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Magandang gabi po," magalang pa na saad ko sa kanya. "Magandang gabi naman sa 'yo, magandang binibini. Mag-isa ka lang? Gusto mong magpahinga muna saglit sa bahay ko? Malapit lang dito. Baka gusto mong uminom ng tubig?" "Hi-Hindi na po, nagmamadali po kasi ako. Sa-salamat na lang," mabilis naman ns sagot ko. At akmang lalakad na ako palayo mula sa lalaki nang bigla na lang hinawakan ang isang kong kama na aking ikinagulat at nakaramdam ng takot. "Sige na, pumayag ka na. Saglit lang naman." Pagpupumilit ng lalaki sa akin. "Ayoko ko po!" Sigaw ko. Halos lumuwa ang aking mga mata at manginig ang aking katawan sa sumunod na pangyayari dahil tinutukan niya ako ng pat*lim sa bandang leeg ko. "H-huwag po." "Ssshhhh. . . . Huwag kang mag-alala. Hindi kita papatayin, basta sumunod ka lang makakauwi ka sa inyo. Pangako," saad pa nito sa akin. "Huwag po. Parang awa niyo na po." Pagmamakaawa ko. Dahan-dahan akong hinihila ng lalaki paatras habang nakatutok ang pat*lim nito sa aking leeg. Patungo sa matatalahib na damo. 'Diyos ko, ano'ng gagawin ko? Hindi puwede 'to. Ayoko ko pang mamatay." Natatakot at naiiyak na saad ko sa aking isipan habang nag-iisip ng paraan. Nang nasa matataas na talahib na kami ng damo ay lalo akong nakaramdam ng doble-dobling kaba at takot. "Higa!" Utos ng lalaki sa akin. "Huwag po, maawa po kayo. Huwag niyo pong gawin 'to sa akin." Muling pagmamakaawa ko sa kanya. "Hihiga ka ba o gusto mong mamatay?" Banta ng lalaking akin habang nakatutok ang patalim sa akin. Dahan-dahan at labag sa loob na ginawa ko ang kagustuhan niya dahil sa takot. Ngunit habang dahan-dahan akong humihiga sa damuhan ay may nakapa akong bagay na puwede kong gamitin sa lalaki. "Susunod ka rin pala. Ang dami mo pang arte!" Nakangising saad ng lalaki sa akin at binitiwan nito ang dalang patalim at dahan-dahan na tinanggal ang mga saplot sa katawan. Doon ay mabilis siyang umibabaw sa akin. Balak sanang halikan ang aking leeg, ngunit mabilis kong kinuha ang bagay na nakapa ko. At walang pagdadalawang isip kong ipinukpok ang bato sa ulo ng lalaki na mas malaki pa sa aking kamao. Doon nga ay napahiga ang lalaki sa sakit ng kanyang ulo at mabilis akong kumilos. "Sorry po, sorry," takot na takot na saad ko at hindi na nga nag-atubili pang kuhanin ang basket na naglalaman ng kangkong. Ni hindi na rin ako lumingon pa sa aking likuran dahil kumaripas ako ng takbo palayo. Ang tanging gusto ko lang ay nakalayo sa lalaking 'yon. Tumatakbo ako ng matulin habang panay ang punas ko sa aking luha na tumutulo sa pisngi ko. At hindi nga nagtagal ay nakarating nga ako sa bahay ng aking tyahin. "Ano'ng oras na? Bakit ngayon ka lang? Hindi ba't sabi ko sa 'yo magsaing ka? Nasaan ang pinakuha kong kangkong sa 'yo?!" Galit at sunod-sunod na tanong ng tyahin ko at halos lumuwa ang mata nito sa galit. "Tiya, naiwanan ko po. Kasi may lalaking gusto akong pagsamantalahan. Mabuti nga po at nakatakas ako. Kaso lang nakalimutan ko na po 'yong mga dala ko. Patawad po," paliwanag ko. "Nagsisinungaling ka pa talaga! Ha!" Galit na saad ng aking tyahin at madiin nitong hinawakan ang aking panga. "Nagsasabi po ako ng totoo, Tiya. Maniwala po kayo." "Nangangatwiran ka pa talaga! Ha? Humanda ka sa akin!" "Tiya, huwag po. Maawa po kayo sa akin," pagmamakaawa ko. Ngunit parang walang naririnig ang aking tiyahin dahil muli ay hinuli nito ang aking buhok at hinila-hila na parang mabubunot sa higpit ng pagmakakahawak nito. Saka naman kinuha ang walis ting-ting na pinaghahampas sa aking katawan. "P*ste ka talaga! Alam mo na ngang iyon lang ang hanap buhay natin! Hinayaan mo pang mawala! Talo na nga ako sa tong-it dagdag ka pa!" Dak-dak ng tyahin ko at walang humpay sa paghampas ng walis ting-ting sa aking katawan. Hindi pa 'to nakontento dahil simampal pa niya ako ng pa ulit-ulit. "Malas ka talaga! Malas ka sa buhay ko!" Sigaw at galit na galit na saad ng aking tyahin. "Huwag kang kakain ngayong gabi! At dito ka matulog sa labas!" Sigaw pa nito sa akin at itinulak ako sa labas saka sinaraduhan ng pintuan. . . . Itutuloy Title: Wanted Author Srredilla

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
78.7K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.3K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Dangerous Spy

read
311.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook