Gaige's POV . I could no longer concentrate thinking that Art is just in front of me. Sinadya yata niya na maupo sila ni Sir Xavion sa harapan na mesa, at nakaharap ito rito sa cashier area. Glass ang wall, kaya mula rito ay kitang-kita ang mukha ko at ganoon din naman sila. Nakikita ko rin ang mukha nila. Their food was served and I pretended that I was busy. Pero ang totoo, walang customer maliban lang sa kanilang dalawa dahil tapos na ang peak hours. "Madali lang naman 'di ba?" si Ma'am Lolit sa akin. "Y-yes, Ma'am," ngiti ko. "Bukas ilalagay kita sa umaga hanggang alas kwatro. That will be your schedule for two weeks. Eight hours shift tayo at fifteen minutes lang ang break. Sa kusina ka kumain, and the food is free. May pagkain tayo na para lang sa atin. After two weeks, you wi