CHAPTER 5 HUGE FOOL

1340 Words
Mabilis na akong bumangon at niligpit ang lahat ng kalat sa ibaba. Maging ang lahat ng nabasag ay inilagay kong lahat sa basurahan at kaagad inilabas ng mansion. Mabuti at walang nagising sa nangyaring mga ingay kanina pero hindi ko alam kung papaano ko ito ipaliliwanag sa kanila, kay Claude or kay Nanay Lydia kung sakaling hanapin nila ang ilang pigurin na nangabasag. Sana naman ay matandaan pa ni Charlie ito paggising niya bukas para hindi ako pagbintangang magnanakaw no? Unang araw ko pa lang at ganito na kaagad ang nangyari! Malamang ay ako lang ang pagsususpetsahan dahil ako lang ang bago dito! Ano ba namang buhay ito? Pagkatapos kong linisin ang lahat ng kalat ay kaagad na akong dumiretso sa aking silid at natulog. Bahala na si batman bukas. *** KINABUKASAN Nagising ako sa mga malalakas na katok sa pinto ng aking silid. Lagot na. "Lhevy!" Napamulagat ako nang marinig ko ang malakas na tinig ni Claude mula sa labas ng pinto! "S-sir, sandali po!" Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Lagot na ako nito! Madali na akong bumangon. "Make it faster!" "Opo!" Sinuri ko munang mabuti ang sarili ko sa salamin kung maayos ba? May bra na ba ako sa loob? Naka-t-shirt ng maluwag at nakapadyama ng maluwag din. Okay na! Kaagad na akong lumapit sa pinto at binuksan ito ng mabilis. Bumungad sa aking harapan ang maaliwalas na hitsura ni Claude. "S-sir." Mabuti naman at naka-white shirt na siya ngayon at naka-jersey short! "What time is it?" tanong niya habang bahagyang nakataas ang magkabila niyang kilay. "Ahm..h-hindi ko po alam eh. W-wala po akong relo." Napangiwi ako sa sarili kong sagot. "Aah, so kaya hindi mo alam na sa mga oras na ito ay tanghali na," mahinahon ang kaniyang pagkakasabi. Ako naman ay natigilan. "T-tanghali na?" "Aha. Come with me, mag-grocery tayo sa supermarket. And let's just have breakfast there. C'mon, i'll wait for you outside." Mabilis na niya akong tinalikuran. Ako naman ay hindi pa rin mapigilang matulala. Wala pa ba siyang napapansin? Kaagad kong hinagilap ang sipit ko na tsinelas. Nagbanyo muna ako at nag-toothbrush bago sumunod kay Claude sa labas ng mansion. Natataranta ako habang tumitingala sa itaas ng mansion at hinahanap sa paligid si Charlie. Baka gising na siya at makita ako. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Baka mamaya niyan ay may bigla na lang sumigaw sa akin. Parang ngayon pa lang ay ninenerbyos na ako! Nakarating ako sa labas at nakita ko sa tabi ng sasakyan si Claude na may kausap sa phone. Oo nga pala. Nakalimutan kong mag-text kay mama para ipaalam na narito na ako sa Manila. Eh wala naman kasi akong phone kaya paano ko sila makokontak? P'wede siguro akong manghiram kay Claude. "A'righ. I'll call you later." Nakalapit na ako sa kaniya at iyon na lang ang huli kong narinig na sinabi niya sa kausap niya sa phone. "S-sir." "Just call me Claude, please?" nakangiti niyang saad sa akin. Siguro kung hindi ko unang nakilala si Charlie ay sa kaniya ako unang mahuhulog dahil sa napaka-charming niyang angking kagwapuhan at mas lalo pang tumitingkad sa tuwing siya'y ngumingiti. "Ahm, s-sige na nga. Nakakahiya po kasi eh." "It's fine with me, okay. Just Claude. I want you to be my friend that's why. I wanna have a lot of friends here." "S-sige." Lumawak naman ang kanyang pagkakangiti. "Friends?" Itinaas niya sa aking harapan ang kanyang kamay na parang nakikipagkamay. Napahinga na lang ako ng malalim bago iyon tinanggap. "F-friends." Nahihiya pa rin ako dahil hindi kami magkapareho ng estado, sa pamumuhay at sa tinapos. Isa siyang propesyonal na negosyante. "Yown. So let's go!" Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan bago siya pumasok sa kabila. Napapahanga ako at naninibago dahil ngayon lang ulit ako nakasakay ng kotse. Unang beses ko itong naranasan ay noong nagbakasyon sila Charlie sa Mindoro at noong nagkayayaang mag-swimming sa resort sa pangatlong bayan. "Ahm...C-claude?" "Yes? Ang sarap naman sa pandinig," nakangisi niyang sagot habang binubuhay na ang makina ng sasakyan. "P-pwede ba akong makigamit ng phone mo? P-pwede ba akong makitawag? Gusto ko lang makausap si mama. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya na narito na ako at gusto kong kumustahin ang anak ko." "Sure. Here." Para namang lumukso ang puso ko nang iabot niya kaagad sa akin ang kanyang phone. Ang kaso... "S-salamat pero...p-paano ito? H-hindi ko alam gamitin eh," nahihiya kong tanong sa kaniya. First time ko pa lamang makahawak ng malapad na phone at walang keypod. 3310 lang ang phone namin ni mama sa probinsya kaya mangyan ako sa ganitong klaseng cellphone. Pangmayayaman lang ang ganyan. "What?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. "Mahirap lang ako. Hindi pa ako nakakagamit ng ganyang phone," nakasimangot kong sagot habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa labas na kami ng gate at nagulat pa ako dahil may pinindot lang siyang kung anuman sa harapan ng kanyang sasakyan at kusa ng bumukas ang gate! At kusa din siyang sumara noong makalabas na kami. Iba talaga kapag mayayaman eh. Lahat magagawa basta may pera. "Sa 'yo na lang 'yan so you can have contact with your family." "Ha?" Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. "Yeah." "Naku, hindi. Hihiram lang ako. Isang beses lang naman eh." "Don't be shy. I have a lot of that. Or if you want, I'll just deduct it from your salary so that you'll not be ashamed anymore." "Naku, mas lalong hindi pwede. Kailangan ko ng pera para sa anak ko." "Ayst. Ano ka ba? It's even more important that you have your own phone so that you can keep in touch with your family and know their situation there especially for your baby. I wasn't always at our mansion 'cause I used to stay in the office for work," mahaba niyang saad. Seryoso siya pero hindi naman mukhang galit. Kaya lang, kakabago ko pa lang at sobrang nakakahiya talaga sa kanya. Hindi ko pwedeng galawin ang magiging suweldo ko dahil para sa anak ko iyon. Gusto ko nga sanang bumale muna para may maipadala na ako kay mama. "Go on, tawagan mo na o ako na lang. What's their contact number?" Kinuha niya ang phone at siya na ang nag-type doon habang nagmamaneho. "I'll teach you how to use it later." Sinabi ko na ang number ni mama at kaagad naman niyang ni-type doon. Mabilis din niya itong ibinalik sa akin. Kaagad ko itong itinapat sa aking tainga at ilang ring lang ay may sumagot na kaagad sa kabilang linya. "Helow?" tinig ni Mama. "H-helow, Ma? Si Lhevy po ito. Kumusta po kayo d'yan?" "Nak! Hay naku, 'buti at tumawag ka na. Narito kami sa hospital. Mataas na naman ang lagnat ni totoy kagabi pa at hanggang kaninang umaga ay hindi bumababa kaya dinala na namin dito." Kaagad kumabog ng malakas ang aking dibdib. "K-kumusta po siya, Ma?" Pumatak ang mga luha ko sa sobrang pag-aalala sa anak ko. "Medyo bumaba naman na ngayon ang lagnat niya kaya huwag ka ng masyado pang mag-alala pero may mga test ulit na ginagawa ang mga doctor at kailangan ng pera, anak. Ang tatay mo ay umuwi muna para maghanap ng mauutangan dito." "I'll pay all the hospital bills." Bigla akong napalingon kay Claude dahil sa kanyang sinabi. Patuloy pa rin siya sa kanyang pagmamaneho. Ngayon ko lang napagtanto na naka-loudspeaker pala ang phone at naririnig niya ang aming usapan ni mama! "C-claude?" "Don't worry, ako ng bahala. Pera lang 'yan." Nagsunod-sunod ang pag-agos ng aking mga luha. May makakatulong na sa akin para sa pagpapagamot ng anak ko. Pero kailangan pa ring malaman ni Charlie na may anak kami. Siya ang dapat na tutulong sa amin dahil siya ang ama. "S-salamat, Claude. H-hulog ka ng langit." "Human life is more important than money and your baby is an angel. He's very lucky 'cause you're his mother. And his father was a huge fool because he left you like a trash." Hindi na ako nakasagot pa. Ang sinasabi mong huge fool ay ang kapatid mo Claude. Si Charlie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD