Kinabukasan ay kaagad na rin nilang inihanda si Charlie at ang aming anak para sa gagawing operasyon. Kinakabahan ako at sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Malakas ang t***k ng puso ko at hindi ko mapigilan ang pangangatal ng aking mga kamay. "Hey, what's wrong with you? Hindi pa ako mamamatay," sambit ni Charlie na tila natutuwa pa sa nakikita niyang hitsura ko. Hinampas ko siya sa braso at sinamaan ng tingin. Ganito na nga ang nararamdaman ko eh tinatawanan pa ako. Pero mas lalo lang naman siyang natawa habang naglalakad na kami sa hallway patungo sa operating room. Itinutulak na rin ng mga nurse ang maliit na sasakyang kinalululanan ng aming anak. "Hindi ikaw! 'Yung anak ko ang iniisip ko!" Inis kong sigaw sa kanya. "Ang sama mo. Don't you even worry abou