Chapter 12
Mae's POV
May nakahawak sa akin na mga bisig. Pag tingin ko kung sino ang nagmamay-ari noon ay si Zeke.
Hawak nya ako sa aking bewang at nakaalalay sa likod ko ang isa nyang kamay, upang ako'y suportahan. Teka, suportahan? Para saan? Napatingin ako kanyang likuran ng may makita akong tao na may hawak na pana at nakatutok kay Zeke... Hindi.. Wag... Hindi maaari... Nang makita kong bibitawan na nya ang palaso ay agad kung ipinagpalit ang pwesto namin ni Zeke... 'Hindi...'
Nagising ako na hingal na hingal, na para bang hinabol ako ng isang pulutong ng mga asong ulol. Tatayo sana ako ng may maramdaman akong kirot may bandang likod ko.
"Shit." Nasabi ko ng kumirot ulit ito...
"Mae, gising ka na. Sandali lang tatawagin ko si Doc." Biglang sabi ni Zeke na nasa tabi ko pala at inalalayan akong umupo.
Ano bang nangyari? Bakit ako nasa hospital? Damn, lintik na org. yan, pagbabayaran nila lahat ng mga katarantaduhan nila. Napatingin naman ako kay Zeke.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.
"Ikaw ang may sugat tapos ako ang tatanungin mo kung okay lang ako? Tsk.. Hindi ako okay, dahil dalawang araw kang walang malay at pinag alala mo ako ng lubos." Sagot ni Zeke.
"Ang haba ng sinabi mo, oo at hindi lang ang posibleng sagot sa tanong ko." Inirapan ko sya pagkasabi ko nun.
Tska naman dumating ang Doctor. Lumabas din agad yung doktor pagkatapos ako suriin. Wala naman na daw syang nakitang mali kaya pwede na raw akong iuwi mamaya.
"Mae, may gusto sana akong sabihin sayo." -Zeke
"Kung tungkol yan sa Rejection na sinasabi mo, sad to say, I WON'T ACCEPT IT." sabi ko ng may diin sa huling sentences.
"That's what I am saying. Ayokong tanggapin mo yun. I'm sorry sa mga pinaggagagawa ko, patawarin mo ko. Dahil ang tanga ko, nasa bingit ka nang kamatayan tska ko lang narealize na hindi ko pala kaya na mawala ka sakin. Kaya please, forgive me and let's starts a new." Litanya nya. Habang nakahawak sa nga kamay ko at nakatitig sa mga mata ko. Kita ko ang sinseridad nya at pag aalala.
"Tsk, pagkatapos mong makipag make out sa traydor nayun? Tsk.. Malamang nagka virus ka na. Bwisit." Pagkasabi ko nun ay pinaabot ko sa kanya yung wet tissue na nasa lamesa at kumuha ng isa at pinampunas sa buong mukha nya at sa leeg.
"Oh Ayan, wala ka ng virus. Gusto kong malaman mo na possesive din ang tao sa kanyang pag aari tulad nyong nga lobo." Nakatulala lang sya sa akin kaya naman binigyan ko sya ng smack kiss at nginitian.
"Ano? Tutunganga ka lang ba jan Zeke?" Natauhan sya at bigla akong niyakap.
"Thank you, thank you so much Love, sobrang saya ko dahil makakasama na kita." Masaya nyang sabi habang yakap ako.
"T-teka, m-masakit." Pinalo ko sya sa braso dahil naiipit nya ang sugat ko sa likod.
"Sorry Love, nadala lang." Nakangisi nyang sabi tska ako hinalikan sa labi. Ng 5 beses na smack.
"Tsk, sumosobra ka na ah. Nagugutom ako. Gusto ko ng mushroom soap. Bili mo ko. Zeke." Umalis naman sya agad para bumili.
Habang nag hihintay sa kanya ay may biglang pumasok na nurse na nakatakip ang bibig. Napakunot naman ang noo ko. Kakatapos lang ako suriin ng doktor ah.. Ano to.. Pinagmasdan ko ito ng maayos ng hindi nya nahahalata hanggang sa lumapit sya sa akin at hawakan ako sa braso.
"Sandali lang po ito ma'am." Bago pa nya maiturok sa akin yung injection ay inunahan ko na sya. Hinawakn ko sya ng mahigpit sa kamay.
"Sa tingin mo ba ay ganun lamang ako kadaling malinlang huh?" Malamig kong saad sa kanya. Nagpumiglas naman sya. Kaya ang nangyari ay nauwi kami sa one on one.
"Kapag nakalabas ka dito, iparating mo to sa boss nyo. 'Hindi ako titigil hangga't hindi kayo nagbabayad sa nga katarantaduhan nyo. Naintindihan mo?" Sabi ko habang nagcacounter attack sa mga atake nito. At dahil hindi pa ako ganun ka nakakarecover sa tama ko ay natamaan nya ako ng sipa sa tagiliran.
"Fuck." Napatumba ako ng sipain nya din ang likod ng tuhod ko at tinulak ako pababa. Dahilan para mapaupo ako.
"Uubusin muna namin kayo bago mangyari yun. Kaya magpaalam ka na." Itinutok nya sa akin yung hawak nyang baril.
Ibinato ko sa kaya yung base na malapit sa akin. Nasa may paanan ako ng hospital bed ko samantalang malapit sya sa may pintuan. f**k, kailangan kita ngayon lakas ko, hindi sya pwdeng makatakas. Itinutok nya ulit sa akin yung baril pero nauanahan sya ng mga tauhan ni Zeke na kakapasok lang tska naman ako nilapitan nito.
"Ikulong yan." Utos nito sa mga lalaki.
"f**k, dumudugo nanaman yung sugat mo, okay na sana e. Mapapatay ko talaga ang lalaking yun." Inis nyang sabi habang buhat ako at inilapag sa higaan.
Tska naman bumukas ang pinto at pumasok ang doktor at ginamot ulit ako... Pagkatapos akong gamutin ay nakatulog ako ulit.
Michael/Zeke POV
Hinayaan ko na muna syang matulog dahil uuwi na kami maya-maya. Pati ba naman mga masasamang tao sa teritoryo namin ay kasama sa problema ko?
"Kailangan ko nga silang problemahin dahil kay Mae.. Argh.. "
"Prince, nakahanda na ang sasakyan sa pag uwi nyo." Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng pack.
"Okay, hintayin nyo nalamang kami sa baba." Utos ko sa kanya.
Binuhat at dahan dahan kong inilagay si Mae sa Wheel Chair at lumabas na ng kwarto. Minuto lang at nakarating na kami ng sa pack house at sinalubong kami nila mama.
"Iho, kamusta na ang anak ko?" Tanong ng mama ni Mae.
"Okay na po sya tita, natutulog lang. Iaakyat ko na po sya sa kwarto ko." Magalang kong sabi.
"Oh sya sige, ipaghahanda namin kayo ng makakain." Pagkasabi nun ni mama ay umakyat na ko sa hagdan at dinala sya sa kwarto ko. Maingat ko syang hiniga at kinumutan. "
Zeke?" Aalis sana ako para kumuha ng pamalit na damit ng hawakan nya ang kamay ko.
"Bakit Love? May masakit ba sayo?" Nag aalala kong tanong sa kanya habang hinahaplos ang pisngi nya.
"Don't leave me." Lumuluhang sabi nya. s**t, bakit sya umiiyak?
"I won't leave you love, i promise." Sagot ko sa kanya habang nakakatitig sa mukha nya.
Mukhang nananaginip sya dahil nakapikit na ulit sya. Hinalikan ko muna sya sa labi bago nagtungo sa closet ko at nagpalit ng damit. At tinabihan ko syang sa pagtulog. Hanggang sa nakatulog narin ako.
~~~~~~~
Kinabukasan
Michael's POV
Nandito ako ngayon sa Office ni Dad, pinapunta niya ako dito dahil may mahalaga daw kaming pag uusapan. Alam kong tungkol ito sa nangyari ilang araw na ang nakakalipas. Nandito rin sa loob ang mga kasamahan ni Mae sa Midori Organization.
"Son, Nandito tayo upang pag usapan ang nangyaring pagsugod nang Black Organization sa University at sa drugs na pinag-aaralan at sinusubukan nilang pagtagumpayan." Seryosong panimula ni Dad. Seryoso naman akong tumango sa sinabi nya.
"As you can see, Hindi naging maganda ang epekto nito sa katawan ni Mae. Hindi pa din natin alam kung ano talaga ang pinahuling epekto nun sa katawan nang tao. Kung ikamamatay ba ito o mabubuhay parin ang sino mang maturukan nito. Dahil naagapan natin ang kay Mae." Saad ni Blue na sinang ayunan nang lahat.
"Kaya kailangan nating mas maging maingat. Dahil alam nating kilala na nang Black Org. si Mae at sigurado akong siya ang pupuntiryahin nang mga ito." Saad ni Dad.
"Sa ngayon, hindi ko muna hahayaang sumabak si Mae sa mga mission nyo hanggat hindi pa sya lubusang magaling. Wag kayong mag alala, wala akong balak na pahintuin si Mae sa trabaho nya. Besides, I will fight with her side. Ang kalaban nya ay kalaban ko rin." Pinal kong saad.
May mga pinag usapan pa kami at nagkwentuhan bago tuluyang umalis ang mga taga Midori. Nang tuluyang makaalis ang mga ito ay siya namang pagbalik ng Beta ni Dad.
"Alpha, alam na nang mga inutusan nating ispiya kung kaninong pangkat nang rogues ang nagtangga sa buhay nang prinsipe." Magalang na pag uulat nito kay Dad.
Pagkasabi nya nun ay agad kaming bumalik sa office ni Dad upang mapag usapan at mapagplanuhan ang mga bagay bagay. Bago tuluyang makapasok sa pack house ay nakita ko pang nasa garden si Mae na nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan sa mga kapatid ko at kapatid nya.
"Grupo ni Donnie ang nagtangka kay Michael, Alpha. Ayon sa ispiya natin sa grupo nila. At nagpaplano rin sila kung kailan ang susunod nilang pag-atake sa pack." Report nito kay Dad.
"Kailangan natin ihanda ang lahat para rito. Nais ko rin na habang naghahanda ang lahat ay ang mailipat ko na sa iyo MIchael ang pagiging Alpha. Pagkatapos nun ay ang pagpapakasal mo sa iyong Luna. Nang sa ganun ay lalong maging matibay ang ating Pack." Seryosong nakatingin sa akin si Dad nang banggitin ang kanya mga plano.
"Yes Dad, Nangangako akong hindi ko pababayaan ang Pack natin. Gagawin ko ang lahat nang sa ganun ay maging ligtas at tahimik ang pack natin pagkatapos nang paparating na digmaan." Seryoso kong sagot sa kanya.
Matagal narin naman akong handa sa responsibilidad ko sa pagiging susunod na Alpha, lalo na ngayon na kasama ko na ang aking Luna. Gagawin ko ang lahat nang aking makakaya nang sa ganun ay maginig ligtas ito at ang magiging anak namin pati ang buong pack.