Ang lakas nang kabog ng aking puso habang ako ay nagmamadaling umalis sa aming building. Mahigpit na nakahawak ako sa taas baba kong dibdib at mabilis na naglakad patungo sa kabilang building. Kung saan wala pa masyadong estudyante para magtago. Shit, why is Noah here already? Nagtataka kong tanong sa aking sarili. Hindi ko inaakala na nandito na sa paaralan ang lalaki. Akala ko ay mamaya pa siyang nine kasi 'yan naman ang usual na time na darating siya. Syempre alam ko 'yan dahil 'yan palaging chismis ng aking mga kaklase. Kung bakit ang tagal niyang pumasok sa university. But why the heck is he so early today? Gusto kong magsisigaw sa sobrang inis. Inagahan ko pa nga ang pagligo at pag punta sa university para hindi ko ito makita, pero ito ngayon, kakapasok ko pa lang nakita ko na ag