"Tseeeh! Paano mo malalaman hindi pa ako tapos!" reklamo ni Shandle. "Shungaaaa! Bilisan mo kasi!" tugon naman ni Chin-Chin. "Ano ba kasi 'yan teh?!" sabat naman ni Amy. "Ohhhh ... Goshhh ... All of you so hottt! tugon ni Shandle na pinapatirik pa ang reaksyon ng kaniyang mata. "Ahhaaah! Hindi ako kasali diyan!" reklamo ko kasi nanahimik lang naman ako. "Okay, teh! Hindi ka kasali, sila lang ... high-five!" sabay taas niya sa kaniyang isang kamay at hinarap sa akin ang kaniyang palad at tumugon naman ako. "PAAAK! Ganern!" wika ni Shandle. "Ganito kasi mga bayotz, darating ang chiwawa ko next-week." Ang tinutukoy chiwawa ay ang penpal niyang Koreano. "Wow! Talaga, bayotz?!" masayang turan ni Amy. "Yes na yes! Tapos ang sabi niya, sasamahan ko raw siya sa hotel ... " tili niyang sab