WALANG nagawa ang aking mga magulang at pumayag sila sa aking kagustuhan. Nagtuloy na kami ni Tatay sa mansion. Sa mga panahong ito ay medyo magaling na si donya Berta at siya ang nagbukas ng pinto. Agad kong sinabi sa kaniya ang pakay namin ni Tatay. "Tuloy kayo." Ngumiti si donya Berta at pinatuloy niya kami. Agad niyang tiyang tinawag ang katulong at pinagbigyan kami ng juice. "Sandali lang, ha. Kukunin ko muna ang notebook," aniya at pumanhik siya sa itaas. Ang tinutukoy niyang notebook ay 'yung nakaperma si Tatay. Ilang sandali lang ay bumalik na si donya Berta. Pagkatapos naming makapagbayad ni Tatay ay nagpaalam na kami. Nalungkot naman ito at nanghihinayang sa aking pag-alis. Sa totoo, gustong-gusto ako ugli ni donya Berta, dahil masyado itong mabait. Hanggang sa nakauwi