Chapter 4
"Ah.. andito na pala kayo pasensya na nauna na kaming pumunta rito sa bahay ninyo hindi na rin kami nakapunta sa burol kasi may mga inasikaso pa kasi kami sa station"
"maupo po kayo chief.. okay lang naintindihan din naman namin.. pero -"
napahinto sya sa kanyang pag sasalita at napatingin kay Ella na kakapasok lang sa loob ng bahay
"hindi ko alam kung makaka usap po ba ninyo sya ngayon"
dugtong ulit ni Amanda habang naka tingin sa kanyang pamangkin
napaharap naman sa kanila ang kanina pa nila pinag uusapan na si Ella at saka marahang nag lakad papalapit sa kanila
"magandang araw sayo iha"
bungad naman ng chief of police na si Armando De Castro
"magandang araw din po.. huwag po kayong mag alala ikukwento ko po sainyo lahat lahat nang nalalaman ko para lang mahuli ninyo ang pumatay po sa aking mga pamilya"
nagulat naman si Armando at saka si Amanda mula sa nasabi sa kanila ni Ella
"ibig mo bang sabihin okay lang sayo na kausapin ka nang mga pulis Ella?"
pagtatakang tanong naman sa kanya nang kanyang auntie
"opo tita.. "
naupo na si Ella sa sala at saka nag simula na ngang mag tanong ang mga pulis sa kanya
Matapos ang kanilang pag uusap ay ihinatid na nga ni Amanda ang mga pulis sa labas nang gate para makapag paalam na rin
"maraming salamat po Mam sa pag paunlak sa amin para sa kasong ito"
"basta para sa kuya ko at sa kanyang pamilya walang problema po chief.. sana po eh mahanap nga ninyo ang salarin na yun para pag bayaran nya ang kanyang ginawa"
"makaka asa po kayo Mam sige po mauna na po kami at marami pa po kaming aayusin na kaso"
"sige po"
umalis na ang mga pulis at saka naman pumasok si Amanda sa loob nang bahay hindi nya na rin nadatnan si Ella sa sala dahil umakyat na ito sa kanyang kwarto napa buntong hininga na lang sya at saka naupo sa sala
Samantala habang nakaupo si Ella sa kanyang kama ay napansin nya ang litrato nang kanyang ama na naka dikit sa pader at halatang may kalumaan na rin nga ito
"Pa.. bakit nyo po ako iniwan paano na po ako?
di ba sabi po ninyo mag babakasyon pa tayo pero bakit po ninyo ako iniwan.. bakit nyo ako iniwan nila mama at samuel"
dahil sa labis na pag dadalamhati nya ay hindi nya na namalayan na nakatulog na pala sya
Kinaumagahan habang nag aalmusal ay napa tingin sa kanya ang kanyang lola at lolo habang naka ngiti
"bakit po.. lola lolo may problema po ba?"
"wala naman iha kamukha mo lang kasi ang iyong ama kayat napangiti kami dahil parang andito parin pala sya" masayang pag papaliwanag naman sa kanya nang kanyang lola
"alam mo ba na matalino ang papa mo bata pa lang sya ay laman na sya nang mga honor students at madami na rin syang nakuhang awards" dugtong pa nang kanyang lolo
kayat napatingin naman sa kanya si Amanda at tinignan ang kanyang magiging reaksyon
"talaga po.. sayang hindi po ako nag mana sa kanya" ngiti naman nyang pag kakasabi sa kanyang lola at lolo
"bakit mo naman nasabi yan?"
tanong nang kanyang lola
napatigil saglit si Ella sa kanyang pag kain at saka payukong nag salita
"dahil hindi po ako naging matapang katulad nya natakot ako na iligtas sila mula sa taong yun"
napansin ni Amanda na namumuo na ang luha da mata ni Ella kaya kaagad syang tumayo para bigyan nang maiinom ang kanyang amat ina pati na si Ella
"alam nyo tikman nyo tong fruit juice na to and it really taste good and aside from that sobrang healthy nito sa ating kalusugan kaya uminom na kayo"
Matapos ang kanilang pag kain ay nilapitan naman ni Ella si Amanda para kausapin
"Tita.."
"oh Ella.. bakit andito ka sa balcony? may sadya ka ba sa akin?"
"tita.. pwede po ba tayong pumunta sa bahay namin?"
"bakit anong gagawin mo dun?"
"hindi po ba dito na ako titira simula ngayon.. gusto ko po sanang makita muna ang bahay namin at makuha yung mga natitira ko pa pong gamit doon"
napatingin naman sa kanya si Amanda at saka ngumiti
"oo naman tapusin ko lang itong iniinom ko at pupunta tayo sa bahay ninyo ngayon"
ngumiti naman si Ella sa kanyang tita Amanda
"salamat po Tita Amanda"
Maya maya pa ay umalis na nga sila Ella at Amanda patungo sa dating bahay nila Ella
pag dating nila doon ay bahagyang napa lingon si Ella sa buong paligid nang bahay at saka pumasok sa loob
"hindi ko akalain na mahilig din pala si kuya sa mga antique na bagay"
sambit naman ni Amanda na kasalakuyang hinahawakan ang isang flower vase
hindi na lang ito pinansin ni Ella at saka marahang pumasok sa kanyang kwarto