Chapter 1 - Wedding
"Xander, do you take Maya to be your wife?" tanong ng pari na nakapagpabingi kay Maya. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa edad na twenty five years old. Marami pa siyang kailangang patunayan sa kaniyang buhay. How about her dreams? Her desire to be a famous chef someday? I hate you, Alexander Lopez! sigaw ng kaniyang isipan.
"Yes, I do, Father." nakangiting sagot ni Xander. Kinakabahan man ay pilit niya itong kinukubli kay Maya. This is his dream all his life. He want Maya to be his wife and to be the mother of his children. I love her so much!, sigaw ng kaniyang puso.
"Maya, do you take Alexander to be your husband?" pagkuwan ay baling ng pari kay Maya na ngayon ay tulala sa kawalan. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring tugon mula kay Maya. Nagsisimula ng magbulungan ang mga tao sa simbahan. Samantala, si Xander naman ay tagaktak na ang pawis dahil sa sobrang kaba. Hinawakan niya ang kamay ni Maya at pinisil iyon ng bahagya. Napukaw niyon ang atensyon ng dalaga. Hindi niya namalayan na tulala na pala siya at siya na pala ang tinatanong ng pari.
"A-Ahmmm. A-Ano po 'yon?" nauutal niyang tanong. Kahit pa ayaw niyang ikasal kay Xander ay ayaw naman niyang mapahiya dito sa loob ng simbahan, lalo na ang kaniyang mga magulang. Ayaw niyang ma-disappoint ang mga magulang sa kaniya, specially her father. She loves her father so much. Kung hindi lang dahil sa ama'y, hindi niya pakakasalan ang lalaki na nasa tabi niya ngayon.
"Again, Maya, do you take Alexander to be your husband?" ulit na tanong ng pari. Masamang tingin ang ipinukol ni Maya kay Xander.
"I-I d-do, father." nauutal at may alanganin niyang sagot.
"Woohoo, finally!" sigaw ni Lyndon. Isa sa mga matalik na kaibigan ni Xander. Iilan lang ang dumalo sa walang kwentang kasalan na ito. Tanging ang mga kaibigan ni Xander lang ang nandito. Ni wala man lang ang mga matatalik na kaibigan ni Maya. Pribado ang naging kasal nilang dalawa. Walang media at walang mga partner sa negosyo ng kanilang mga magulang.
Napabaling naman ang tingin niya kay Lyndon at masama rin itong tinitigan. Magkakaibigan silang lima simula pagkabata. Pero mas close niya si Greyson sa kanilang apat. Ayaw niya kay Xander dahil hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong pagsira sa doll house na laruan niya noon. Sinira iyon ni Xander dahil nakita nito na naglalaro sila ni Greyson sa kwarto. Kaya simula noon ay galit na siya sa lalaki. Mas lalo pang nadagdagan ang pagkamuhi niya sa binata dahil sa pag-pursue nito na ikasal silang dalawa. Alam niya ang lahat ng ginawa ni Xander. He manipulated her mom and dad to convince her to marry him. Labag man sa kaniyang kalooban ay sinunod niya ang kaniyang ama na may sakit. Ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin at stress ng kaniyang ama.
Napapitlag siya nang bigla siyang kabigin ni Xander sa kaniyang batok at hinalikan sa kaniyang labi. Hindi niya alam ang magiging reaksyon sa halik na iyon. Tikom lamang ang kaniyang bibig habang ang labi naman nito ay banayad na gumagalaw. Masigabong palakpakan ang nagpaingay sa loob ng simbahan. Dinig niya ang t***k ng kaniyang puso na sobra pa sa tambol kung kumalabog. Lumapat ang dalawang palad niya sa dibdib ni Xander at mahina niya itong itinulak.
Naglaban ng titig ang kanilang mga mata. Xander starring at her with love and desire, but Maya is an opposite. She stare him with full of hatred.
"I'm sorry," paumanhin nito kay Maya. Nadala siya ng emosyon sa kaniyang ginawa.
Inirapan ni Maya si Xander at ibinaling ang atensyon sa mga bisita. Ang saya nila sa set-up na 'to. Akala siguro ng mga nandito ay mahal niya si Xander kaya siya nagpakasal dito.
"Congrats, bro!
"Best wishes!"
"Mabuhay ang bagong kasal!"
Kaniya-kaniyang bati ng mga bisita. Napangiwi na lamang si Maya sa mga naririnig. Kung p'wede lang masuka ay ginawa na niya. Gan'on katindi ang galit nito para kay Xander. Nakasimangot si Maya na lumapit sa in laws niya, kasama nito ang kaniyang mga magulang. Nakipagbeso siya sa ina ni Xander at nagmano naman sa ama nito. Tulad ni Maya ay ganon din ang ginawa ni Xander sa mga magulang nito.
"Congrats, iho. Finally, Maya is your wife now," bati ng ina ni Maya. Hindi napigilan ni Maya ang ikutan ng mata ang kaniyang ina. Masamang-masama ang loob niya sa mga ito dahil sa ginawang desisyon para sa buhay niya na dapat ay siya lamang ang gagawa. Pakiramdam niya tuloy hindi siya mahal ng mga ito.
Samantala, ngiting wagi naman si Xander. Masaya niyang sinalubong ang in laws at mga magulang. Hindi na muna niya pinansin ang hitsura ni Maya na parang binagsakan ng langit at lupa. Mahalaga para sa kaniya ang araw na ito. All his life, he promise to himself that he will get Maya hook or by crook. He will do everything, para mahalin siya ng dalaga. Pinangako niya rin sa sarili na hinding-hindi niya ito sasaktan. Mamahalin niya ito ng buong-buo.
"Can you just smile for me?" pakiusap ni Xander sa nakasimangot na mukha ni Maya. Nasa reception area na sila ngayon dito sa Sofitel. Nagkakasiyahan ang lahat ngunit si Maya lang yata ang tila nalugi.
"Smile? for you?" sarkastiko niyang tanong.
"How can I smile, kung ikaw ang kasama ko? How can I smile, kung sinusumpa ko ang araw na ito? You don't know how miserable I am right now. Hindi mo alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba ako na ikinasal ako sa'yo o magagalit. But, one thing is for sure. I will make your life like a living hell with me. I don't care, kung asawa na kita. Gagawin ko ang lahat para pagsisihan mo ang araw na ito!" may diin na wika ni Maya. Natulala na lamang si Xander sa mga narinig. Pero ang totoo'y parang sinaksak siya ng libo-libong kutsilyo sa mga narinig mula kay Maya. Tagos sa buto ang galit nito sa kaniya.
"'Wag mo akong tuturuan kung ano ang dapat kong gawin. Nakuha mo na ang gusto mo, ang pakasalan ako. Pero hindi ibig sabihin n'on na nakuha mo na rin ang puso ko. I don't love you... even a little!" dagdag niya pa na mas lalong ikinadurog ng puso ni Xander.