“It hurts because it matters.” – John Green Chapter 20 2 weeks later Masayang masaya ako ngayon dahil makakalabas na ang anak ko, normal ang anak ko at walang kapansanan at laking pasasalamat ko dahil tinupad ng panginoon ang hiling ko sa kanya. Ang maliit noon na katawan ng anak ko ay medyo tumaba na, breastfeed si Zoe kaya madali siyang tumaba at tsaka puro gulay ang kinakain ko kaya lahat ng sustansya napupunta kay Zoe. Wala na akong balita kay Sandro, hindi na siya tumawag, merong nagpapadala ng pera samin weekly, tinatanggap ko iyon dahil hindi ko inuuna ang pride ko, inuuna ko ang kapakanan ng anak ko. I smiled nang tinignan ko si Zoe, buhat ko siya ngayon at kasama ko si Sherlyn sa lake house. Dito muna kami tutuloy ni Zoe hanggat wala pa akong ipon, pag makaipon na ako, ibab