5

1831 Words
Adam POV Para akong tanga na kanina pa sinasapak ang aking sarili ko. What the hell did I do? Sa tatlong araw na lumipas ay walang ginawa si Nic kundi ang iwasan ako at baka nga iniisip na nitong nababaliw na ako at ang malala ay nababakla dahil sa ginawa ko sakaniya sa paliguan. Oo nga inaamin ko ang ginawa ko ay Hindi naangkop na ikilos ng isang hari at nakakahiya dahil nagawa ko 'yon ang halikan siya na isang lalaki. Kahit hindi ko tanungin ito alam kong naiilang ito sa presensiya ko dahil tila may malala akong sakit na di nito matignan o malapitan man lang. Sa bawat tawag ko rito kapag inuutusan ko siya ay pawang tango at nakaiwas ang mga mata nito sa'kin. At 'di ko alam kung bakit nasasaktan ako sa bawat pag-iwas nito sa'kin. "Adam nandiyan na ang mga kababaihan sa ibaba bago namin sila dalhin sa kanilang kaniya kaniyang kwarto ay gusto kong itanong kung gusto mo ba sila harapin?" Sabi ni Breeze na nakatayo sa harap ng aking lamesa. Napabuntong-hininga ako saka tumango. "Sige gusto ko silang harapin." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naglakad palabas habang nakasunod lang sa'kin si Breeze naglakad kami sa pasilyo ngunit nahinto kami sa paglalakad nang makitang nasa harap ng dadaanan sana namin si Kent ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong alipin sa palasyo. "Anong kailangan mo Kent?" Malamig kong saad na naging sanhi ng malakas na pagpintig ng puso nito. Rinig na rinig ko rin ang kaba nito ngunit isinawalang bahala ko iyon dahil sanay na ako sa ganitong reaksiyon na binibigay ng mga taong nakakaharap ko. "Gusto lang po namin I-balita na natapos na namin ang paghahanda para sa inyong napiling okasyon na magaganap bukas. Ngunit mahal na hari gusto rin sana namin itanong kung ihahanda na namin ang kwarto para sa magiging reyna. Narinig po kasi namin na malapit na siyang mahanap kaya gusto sana namin na--" Itinaas ko ang kanang kamay ko para pahintuin ito and I smirk then shook my head hindi ko gusto ang kung anong iniisip nilang gawin dagdag pang ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung pinapangunahan ako. Dahil hindi kakailanganin ng reyna ko ng kwartong matutuluyan sa oras na makita ko siya. "Ang kwarto para sa isang reyna ay kailanman ay hindi gagamitin. Dahil ang reyna ng kahariang ito ay kasama ko matutulog kaya Kent gusto ko na ihanda mo lang 'yung kwarto 'yun at iwang bakante. May naisip na akong gawin don." Tumango ito saka nagpaalam na. Pero bago 'yon Narinig ko pang parang may binubulong ito na hindi makapaniwala na ang tradisyon nang kahariang ito na magkaibang kwarto dapat ang hari at reyna ay hindi ko susundin. Paano ba naman kasi I am excited to do my ways to her. Kung pwede lang nga ay hilahin ko na ang araw para dumating na ang araw na hinihintay ko ang makita ang baabeng itinakda. Gusto ko na rin kasi matapos ang kahibangan na ito. Ayaw ko nang magpatuloy tong kahihiyan Ko na pati lalake pinapatulan ko sapagkat di ko makuha ang release na kailangan ko maabot. And I know that this problem. Will be cured by that woman which is The chosen one. "Hindi talagang halata na excited ka no?" Taas kilay na sambit ni Breeze na kinailing ko lang saka nagsimula ulit maglakad. Nang marating na namin ang isang malaking pinto ay binuksan ito ni breeze at. Pumasok kami at sumalubong saakin ang iba't ibang uri ng amoy at iba't ibang pagbati na mula sa mga babae. Naglakad kami ni Breeze at pumunta sa harap nila. They all look beautiful but I don't find myself being attracted to them at 'yon ang nakakagulat dahil kung gusto ko ang atensiyon ng babae edi sana kaninana pa ako tinigasan but my manhood is stiff and lifeless. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko nagustuhan ang nakita ko dahil ang isa sa mga alipin na lalaki ay sinusubukan na linisin ang mataas na parte ng isang malaking metal na kawal na dekorasyon habang si Nic ay inaalalayan ito sa pamamagitanng paghawak ng binti nito na nakatungtong sa isang silya bilang suporta para hindi ito mahulog. Bigla tuloy ako nagsisi kung bakit lahat ng alipin ay lalaki. Bwesit kung hindi lang kami nakukulangan ng babae hindi ko talaga nanaising makita--w-wait? Ano ba 'tong iniisip ko? Nagseselos ba ako? "Uuy Adam naghihintay sila ano ba 'yung tinitingnan mo?" Nagising ako sa sinabi ni breeze at nung akma nitong sisilipin ang tinititigan ko ay agad na akong nagsalita. "Alam kong nasabi na sa inyo kung bakit niyo kailangan na pumunta sa mahalagang okasyon na gaganapin sa susunod na araw dito sa palasyo. It is the night waway I would hunt my queen kaya gusto kong makibahagi kayo rito and serve to be a good welcome to your future queen. At gaya ng pinangako ko sa inyo ako na ang hari niyo ay ibibigay ang lahat ng kinakailangan niyo at ang proteksiyon na kinakailangan niyo. So as what I have said ibibigay ko lahat ng kailangan niyo and all your needs ay nasa kHindi-kaniya niyo nang kwarto and Breeze will lead you." mahabang Pahayag ko na kinasanhi ng madami at kani-kaniyang reaksiyon meron ay naguguluhan ngunit halos lahat ay nagagalak sa nangyayari. Sapagkat sa wakas may chansa ng makita ang reyna nila na magsasalba sa kanila at magsasalba din sa'kin. "Pero mahal na hari paano ninyo siya mahuhuli? At paano niyo po siya makikilal?" Curious na tanong ni maricel ang pangalawa sa may pinakabatang edad ng mga kababaihan sa palasyo. "Makikilala at mahuhuli ko siya Maricel huwag kang mag-alala." Tumango ito saka ngumiti ng matamis. "Breeze pakihatid na lang sila." ngumiwi ito saka sinamaan ako ng tingin na kinaismid ko lang. Napabuntoof-hininga ito saka nagmarchang naglakad habang nakasunod ang mga babae sa likod nito. "Roy para kang tanga 'di kita ihuhulog. dalian mo na kasi riyan." Napatiim bagang ako sa narinig kong malakas na tawa mula sakaniya. I felt greedy about it. Gusto ko ako lang ang makarinig non gusto ko sa akin lang siya tumawa at hindi ang ibang lalaki. Asar na asar ako at hindi ko napansin na naglalakad na pala. Ako papalapit sa kanila. At nang nasa malapait na ako ay napahinto sila at napatingin sakin na puno ng pagtataka. "Magandang umaga mahal na hari ano po ang maipaglilingkod namin?" Sabi ni Roy at si Nic ay nakayuko. "Leave." Madiing pahayag ko. Nagulat sila at umangat na rin ang mukha ni Nic showing me his gorgeous face. "I said leave!" Galit na sigaw ko. Kaya natatarantang bumaba si Roy mula sa kaniyang tinutungtungan at yumuko bago umalis susunod din sana si Nic ngunit hinawakan ko siya sa braso. Napatingin ito sa aking kamay kaya binitiwan ko siya agad. "Maiwan ka Nic." Mahinahong usal ko na kinatango nito. Nang tuluyan ng nakaalis si Roy ay hinarap ko na si Nic. At agad ko itong tinulak sa pader caging him in my arms umawang ang labi nito sa gulat at lumarawan ang pagtataranta sa mga mata nito I caress his face and sigh. "Pwede bang huwag mo na iyon gawin muli?" Tinaasan ako nitong ng isang kilay. "Ano ba ang ibig niyong sabibin. Wala akong ginagawa kayo po ang may ginawa." Bintang nito bakas sa boses nito ang pagkalito at galit na sa di ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkadismaya. "Oo ako ang may kasalanan pero 'di ko ito ginusto. It's my body moving like they have their own mind. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko nang makita ko kayo kanina na nagtatawanan. Gusto kong magwala. Alam ko nakakalito at hindi kapanipaniwala but I want you close to me. Hindi ko ito naramdaman kanino man sayo lang. I can't control my hormones when I am around you. At kapag kapiling kita ay isa lang ang gusto kong laging gawin at 'yon ay.." Hinila ko ang batok nito saka inilapit ang aming mga labi. Sinakop ko ang malambot at mainit nitong labi sa marahas na paraan. I nip his lips with urgency. Licking his lower lip asking for entrance ngunit nanatiling nakasara ang labi nito at naramdaman ko na lang ang pagtulak nito sakin ng malakas na naging sanhi nang pagkahiwalay namin sa isa't isa. Umawang ang labi ko habang nakatitig ako sa nanggagalaiting expresyon sa mukha nito. He shook his head in disappointment. "Hari kang tinuring pero nagagawa mong lapastanganin ang mga taong nasasakupan mo. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo! Nakikipaghalikan ka sa lalaki? Sa isang lalaki na alipin lamang! Nasaan ba ang tama niyong pag-iisip. Kasi imbes na protektahan mo ang mga tao mo ay pinagsasamatalahan mo pa! Pasensiya ka na mahal na hari kung sa iniisip mo ay susunod ako sa mga pinanggagawa mo ay nagkakamali ka. Mas gugustuhin ko pang bumalik muli sa tinitirhan kong kweba kaysa ang makapiling ang bastos na hari na katulad mo. At pwede rin ba na huwag kang umasta na ikaw ang nagmamay-ari sa'kin dahil hindi ako katulad mo. Pwede akong makipag-usap at makipagtawanan sa iba. Dahil hindi ako maaapektuhan sa mga lalaking nakakasalamuha ko. They are my friends at wala ng hihigit doon. At ikaw naman ay hari at amo ko lang na sinusunod ko pero hindi ko lalampasan ang pagitan natin hanggang doon lang 'yon." Tumagos lahat ng sinabi nito sa aking isip at pandinig. Doon ko lang naisip ang katangahan na ginawa ko. I made the wrong move. Nagpadala na naman ako sa aking emosyon at pangangailangan. Kahit ako ay nadismaya sa aking ginawa. Hindi naman ako ganito noon. I didn't have attraction with man. Pero kay Nic 'di ko mapigilan ang sarili ko "I-I'm s-sorry." Nanghihinang sabi ko saka umakmang lalapitan ito pero umatras ito at umiling. "Maaari na ba akong makaalis mahal na hari." Madiin at nakayuko nitong pahayag. Napabuntong-hininga ako at napahilamos ng mukha gamit ang aking palad. Kailangan ko na talagang mahanap ang nakatakdang babae para sa'kin dahil lumalala na talaga ang kabaliwan ko. "Yes you may." Sumusukong sambit ko at pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto nito. Kapag nahuli talaga kitang babae ka. Gagawin ko ang lahat para maparusahan ka. Dahil sa pagpapahirap sa'kin ng ganito. Pinagaan ko ang loob ko. Sa kaalamang huli na itong ginawa ko. Dapat bukas ay mahanap ko siya. Dapat maikulong ko siya sa aking ng permte dahil ayoko nang mapahiya ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD