Adam POV Pagkatapos ng dalawang araw na hinaba habang paglalakay ay sa wakas narating din namin ang kaharian ko ngunit hindi muna kami nagpakita sa mga taong naghihinatay sa may bungad ng tarangkahan ng palasyo. Dahil nanatili kami sa bungad ng kagubatan dahil pawang nasa anyong lobo parin kami at hindi naman pwedeng ganito kami haharap sa mga mamamayan at kapag sa harap naman ako nila mag-aanyong tao ay makikita nila akong hubad at baka kung ano pa ang masasabi nila tungkol sa'kin. Naramdaman kong nagsisimula nang pumaloob sakin ang sensasyon inisip ko ang magiging anyo ko bilang tao at hindi nagtagal ay nakita ko na ang sarili ko na hubad "Nic paabot ng isang short na maisusuot ko." I smirk waiting for her reaction ngunit muntik pa akong matawa ng maramdaman ko ang mga mata nito s