Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw na ito ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata. Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sina Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa silid niya. Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa ama. Saglit siyang huminto sa kalagitnaan ng hag