"Ngayon maaari ko na bang malaman kung bakit magkasama kayong dalawa, Pael?" seryosong sambit ni Lourdes sa anak. Tahimik lang si Pael. Maging si Rada ay hindi makaimik. Sinulyapan ng dalagita ang binata ngunit hinayon sya nito ng makahulugan. Bigla tuloy syang nailang at nakonsensya. Hindi tuloy malaman ni Rada kung paano tutugon sa nanay ni Pael. Paano niya sasabihin kay Aling Lourdes na sinadya nya talaga si Pael sa taniman? Na kaya hindi nito natapos ang pagtatrabaho sa bukid dahil sumulpot sya na parang bubuyog na nakalanghap ng nektar sa gitna ng palayan. At dahil masyado syang adbenturera ay naipahamak niya ang sarili. Naging kargo na nga sya ng lalaki ay mukhang masisisi pa ata ito ng ina. Ibinalik nya ang mga mata kay Aling Lourdes pagka't di niya matagalan ang mga titig n