Emie's P.O.V: Dalawang araw na rin ang lumipas mula no'ng maospital si Renzo. Kahit gusto pa man ng mommy ni Renzo na doon muna kami sa ospital ay wala kaming nagawa dahil nagpumilit ito na umuwi na. Kaya kinabukasan ay umuwi na rin kami at pagsapit ng hapon ay pumasok muna ako para kumuha ng special exam. Buti na lang at naiitindihan ako ng prof ko dahil nga sa nangyari kay Renzo. Ipinagbilin din ng doctor na huwag pagurin ng husto si Renzo dahil baka lumala lalo ang kalagayan niya at kung may ano mang naramdaman si Renzo ay dapat itong isugod agad sa ospital. Sabado ngayon at kasalukuyan akong nasa bahay ni Renzo. Isa sa napag-usapan namin na sa tuwing weekends ay dito ako makikituloy sa kanila. Suhestiyon na rin iyon ng mommy niya para raw sa ikabubuti ni Renzo. Pumayag naman si Jam