Emie's P.O.V: "Ano po ang pinag-uusapan ninyo?" tanong ko ulit nang wala ni isang sumagot sa akin sa unang tanong ko. "K-kanina ka pa ba Riyan?" nauutal na tanong ni Jam. Ngumiti ako saka umiling. "Hindi. Bago lang. Para kasi kayong nag-aaway," pagsisinungaling ko. Umaliwalas muli ang mukha ko. "Kailan lang po kayo dumating?" pag-iiba ko ng usapan. "Kanina lang. Pasensya na at hindi na namin kayo sinabihan," sagot ni Tita. Nagpanggap ako na wala akong interes sa narinig ko. Pero 'yong totoo ay atat na akong malaman kung ano ba iyon. Nagpaalam si Jam na aalis na, kaya muling nawala ang usapan nila kanina. Hindi ko na lang pinilit ang sarili kong alamin kung ano nga bang pinag-uusapan nila. Nagpaalam na lang din ako sa kanila saka bumalik na sa kwarto. Hindi ko na rin kasi naramdaman