Emie's P.O.V: Nakaupo na kami sa bleachers while waiting for the program to start. Masyadong maingay ang gym dahil may kani-kaniyang usapan ang mga estudyante. May iba namang mukhang pinaghandaan ang pag-cheer para mamaya sa pagpresenta ng mga candidates for Mr & Mrs. Summer Fest 2019. Nagpaalam pa na umalis si Jam dahil bibili raw ito ng maiinom. Masyado ring mainit dito sa loob ng gym kahit malakas na ang aircon. Siguro dahil sa dami ng estudyanteng nakaokupa ngayon at sa ingay na rin. "Ang init," hindi ko na napigilan ang pag-reklamo habang pinapaypayan ang sarili. "Medyo. Pero lalamig din 'yan mamaya," sabi nito. Hindi na ako sumagot at nanahimik na lang. "Hey," agad akong napalingon sa katabi ko. Si Jeremiah lang pala. "Hi," nahihiyang tugon ko. Si Jeremy o Jeremiah ay isa sa