Chapter 3

1206 Words
Chapter 3: Habang hinihintay namin yung lalagyan nang tubig ay may lumapit saamin na isang medyo matandang lalaki at may kasamang dalawang lalaki na nakainiporme nang tanod, sya siguro yung chairman dito. "Good Afternoon mga iho at iha" bati niya saamin na ikina lingon nina xyriel sa gawi niya. "Good Afternoon din po" bati namin lahat pabalik. "Bakit naman kayo napadpad dito sa malayong lugar namin?" Nakangiting sabi niya. "Ahm naghahanap po sana kami nang resort na matutulugan ngayung gabe pero nagkaabirya po ang sasakyan namin at tamang-tama na may malapit po na bayan dito" saad ko sakanya na ikinangiti nya nang tudo. "Oh tamang-tama mga iho at iha fiesta dito saamin at mukhang malalim ang gabe ngayun dahil may bisita kami na katulad ninyo na napadpad sa maliit na bayan namin" saad nya na hindi mawala-wala ang ngiti nya sa labi. Kinunutan ko naman sya nang noo dahil sa ngiti nya na parang may binabalak. "Ay oo nga pala ako si Cap. Antonio Magaluna Chairman nang Baranggay Dahan Dahan at sila yung mga tanod na nakaduty ngayon" pakilala nya saamin kaya nagpakilala na din kami at nauna nang nagpakilala si jean. "Ako nga po pala si Jean Garancho" nakangiting pakilala nya sabay lahad nang kamay nya para makapag shakehands sana pero nagulat kami nang tinutukan nya si jean nang baril galing sa bewang nya. Pero ang di rin namin inaasahan ay nakatutok na din ang baril ni xyriel sa ulo niya. "Subukan mo pong iputok yan ay pati tong hawak ko ay puputok rin" sabi ni xyriel sabay alis nung safe mode nang baril. "Sino ba kayo at armado kayo?" Singhal niya saamin dahil kitang kita nya ang baril ni jean pero tong isa tumawa lng. "Kalma po chairman haha mga sugo po kami nang batas tulad nyu po haha magpapakilala po ako ulit ha ako nga po pala si Jean Garancho isang Marine Colonel" pakilala ni jean sabay pakita nung badge nya na nakalagay sa wallet nya. Kaya binaba na nung chairman ang baril niya at binalik sa bewang nya ganun din si xyriel binalik nya na ang pagkasafe mode nung baril nya at binalik sa loob nang jacket nya. "Pagpasensya na iha akala ko kasi mga bandido kayo mahirap na kasi lalo na ngayun na fiesta nang bayan namin" paghingi nya nang pasensya kay jean at kay xyriel. "Ako naman po si Xyriel Arostique isang Air Force Colonel" pokerface na pakilala ni xyriel kay chairman saka pinakita ang badge nya at nilahad ang kamay nya para makipagshakehands. Tinanggap naman iyon ni chairman ang kamay nya at nag shake hands sila saka pinuri pa si xyriel. "Pasensya na ulit iha atsaka bilib ako sa bilis mo" nakangiting saad nya at tumango lng si xyriel bilang tugon. "Ako naman po pala si Angelic Nieva isang fashion designer" nakangiting sabi ko na lng at nginitian niya rin ako. "Peter Mine po" maikling pakilala ni peter. "Christian Bustillo po isang doctor" pakilala niya. "Third Aygas po isang lawyer" nakangiting saad din ni third. "Ako naman po si James Bullag isang Police Chief Officer po" pakilala ni james saka pinakita niya ang kanyang tyapa o badge bilang patunay. Nginitian naman kami nang chairman at humingi nang pasensya ulit. "So saan kayo magpapalagi nang gabe ngayon?" Tanung nya saamin. "Yun nga po eh naghahanap po kmi nang matutulugan ngayung gabe at tamang tama po na nandito kayo" sabi ko na ikinangiti nya ulit. "May mga motel o mga Inn po ba kayo dito?" Tanung ni james sakanya. "Meron iho" nakangiting sagot nya. "Hay salamat naman dahil pagod na pagod na kmi sa byahe po" saad naman mi third. "Ok kung gusto nyu na magpahinga papasamahan ko na lng kayo sa mga tanod ko" nakangiting sabi niya kaya nagpasalamat kami sa kanya saka na sya nagpaalam dahil may pupuntahan pa daw sya at magkita-kita na lng daw kami mamayang gabe dahil inimbitahan nya narin kami sa bahay nya para maghapunan. "Guyz balik muna tayo sa van para kunin yung mga gamit natin" yaya ko sakanila at pumayag naman sila. ***** Nandito na pala kmi ngayun sa motel na nirekomenda nang tanod na kasama namin kanina. At isang kwarto lng ang kinuha namin pero malapad naman at dahil na ding sinabi nina xyriel at jean na wag kaming maghiwa hiwalay kaya heto kami ngayun nagpapahinga kaming tatlong babae sa kama dahil malapad naman kaya kasya kami at yung apat na boys sa lapag pero may mga blanket naman na nakalatag. "Guyz gisingin nyu na lng ako mamaya pag sinundo na tayo nung tanod ni chairman" saad ni third na nakapikit na. "Kami rin" sabay na sabi nung tatlong kumag. "Ako na ang magbabantay sa inyo kaya matulog na kayo" sabi na lng ni xyriel sa tabi ko habang nakaupo at parang may iniisip si jean naman ay tulog na. Pero ako ay hindi makatulog kahit nakahiga na ako sa kama dahil parang hindi ako mapakali sa nakita ko kanina sa mukha nung tindira na tinanungan namin kanina. Nga pala yung van ay dun parin sa gilid nang kalsada maayos na at nalagyan na nang tubig bago kasi kmi umalis ay inayos na muna yun ni peter para aalis na lng daw kami bukas. "Xy?" Tawag ko habang nakahiga parin. "Hmm" response nya saakin. "Hindi ako makatulog" sabi ko na lng. "Magpahinga kana angelic para may lakas ka at dahil parang kailangan mo yan para mamaya" makahulugang saad nya saakin habang may kinakalikot sa phone nya. "Bakit? May mangyayari ba?" Nagtatakang tanung ko. "Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa chairman nayun atsaka tingnan mo oh wala sa google map ang bayan nila kanina ko pato senisearch eh pero walang lumalabas" naiiritang saad nya kaya bumangon na ako. "Xy may sasabihin ako pero atin atin lng muna to ha" mahinang sabi ko na ikinalingon nya. "Ano naman yun?" Tanung nya. "Masama rin kasi ang kutob ko dito sa lugar na to nagsimula lng to nung pumasok tayo dito at tinanungan natin yung tindira kanina" sabi ko. "Ako rin angelic kaya hindi ako mapakali eh" saad nya. "Yung mga ngiti kasi nila parang nakakahinala" sabi ko pa na ikinatango nya pa. "Tama ka! Ok sige na angelic matulog kna muna ok *tsup*" sabi niya saakin at hinalikan ako sa noo na ikinangiti ko. Gustong gusto ko talaga ang ganitong side ni xyriel kasi parang nanay na sya namin at kmi naman yung mga anak niya haha. Nginitian ko na sya saka nahiga at natulog na. ***** "Angelic gising na! Angelic bangon na para makapaghanda ka dahil susunduin na tayo nang tanod nang chairman mamaya" gising saakin ni xyriel. "Hmmm anung oras na ba?" Ungol kong tanung. "9 pm" sagot nya at napamulat naman ako sa narinig. "Grabe ganun katagal ako natulog" hindi makapaniwalang saad ko. "Buti nga yun! Atsaka bangon na jan maghilamos kna at mag-ayos dahil maghahapunan pa tayo ok" nakangiting saad nya saka umalis na sa harapan ko at ginising na din yung iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD