Epilogue

693 Words
Epilogue: Nagmulat naman ako nang mga mata at nagsimula naman akong umiyak dahil naaalala ko na naman muli ang mga nangyari noon na dapat ay kinalimutan ko na. "I'm sorry to say this Ms. Angelic pero may hinakbangan kang scene na hindi mo sinabi" sabi ni doktora saakin. Tiningnan ko naman sya at sinamaan nang tingin habang patuloy parin ang pagtulo nang luha ko. "Yun na lahat doc kung ano man ang sinabi ko yun na yun!" Singhal ko sakanya saka tumayo na at pinunasan ang mga luha ko na patuloy parin na bimabagsak. "Alis na po ako may pupuntahan pa po akong tao na alam kong naghihintay saakin atsaka wag mo po akong sabihan nang kung ano ano habang nakatalikod ako dahil hindi mo alam ang pakiramdam na mamatayan ka nang kaibigan sa araw nang kasiyahan nyu at sa mismong harap mo" saad ko saka umalis na dun. Pinuntahan ko naman si peter sa mental hospital para dalawin. Ang totoo hindi baliw si peter nawala lng siya sa sarili nya dahil hindi nya kinaya ang mga nangyari noon kaya nagmukha siyang baliw dahil hanggang ngayon ay patuloy parin namin napapaniginipan ang nangyari. Kaya mula noong umuwi kami ay palagi na syang may dala na pocket knife sa bulsa nya kahit alam nyang wala nang mangyayaring masama saamin dahil nakabalik na kmi pero sabi niya naninigurado lng hanggang sa nawala na sya sa sarili nya kya pinasok ko sya sa mental para mag pahinga sya at makabalik na. "Hi peter kamusta kna?" Tanong ko sakanya. "Ok na ko angelic gusto ko nang umuwi" saad nya saakin na nagpangiti saakin. "Ok uuwi na tayo hmm" saad ko saka sinamahan siyang mag-impaki nang mga gamit nya na nandito saka nagpasalamat sya sa mga doktor na tumulong/nag-alaga sakanya habang wala ako. At umuwi na kami sa bahay namin. Tama sa bahay namin dahil mula noong nakabalik na kami ay napagpasiyahan namin na tumira sa iisang bahay at kinarer nya talaga ang pagproprotekta saakin dahil sabi niya tutuparin nya ang pangako niya kay xyriel. Kahit na sinabihan ko siyang ok na dahil nakauwi na kami pero sya mismo ang nag insist. Nang makauwi na kami ay gabe na kaya nangpahinga na kami pagkatapos naming kumain sa labas. "Tulog na ako pete atsaka ikaw naman ay magpahinga kna hmm" saad ko at tumango naman siya kaya pumunta na ako sa kwarto ko. Nahiga na ako at bago matulog ay nagdasal muna ako saka nag goodnight kina jean kahit wala sila dito. "RUN!" Sigaw nilang dalawa. "Hahaha so brave young ladies! Now run for your lives hahahaha" huling rinig ko sa chairman bago ako hinatak ni peter. Nang makalabas kami sa bukana nang bayan nayun ay hinatak ko pabalik ang braso ko saka lumingon kina xyriel na sana hindi ko na lng ginawa na sana sinunod ko na lng ang sinabi nya pero huli na dahil nakita mismo nang dalawa kong mga mata kung paano nila pinagtatadtad nang itak ng potang-inang Antonio'ng iyun ang mga katawan nang dalawa kong kaibigan na pinaghahati pa nila sa gitna at parang walang awa nila itong pinagtatapun sa gilid nang daan. "WAAHHHHHH  XY! JEAN!" Sigaw ko habang humahagulgol dahil sa nasaksihan ko. Tatakbo na sana ako pabalik pero hinatak na ako ni peter sa van at pinasakay na. "P-peter---------" "Angelic gising angelic nanaginip ka lng angelic gising!" Tawag nang kung sino saakin at pag mulat ko ay si peter pala kaya niyakap ko sya nang mahigpit saka umiiyak na sinasabi na "P-peter s-sina j-jean *hik*" sabi ko habang patuloy parin akong umiiyak. "Shhhh angelic nanaginip ka ok matagal na ang nangyaring yun" saad nya habang pinagtatahan nya ako. "P-peter h-hanggang ngayun parang *hik* kahapun lng *hik* yun" saad ko habang tumutulo ang luha ko. "Shhh tahan na angelic nandito lng ako ok" saad nya kaya tumango ako. Isang taon na nga ang nakaraan pero parang hinahabol parin ako nito at simula nang araw nayun ay walang gabe akong hindi umiiyak pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung hindi sakanila hindi ako/kmi nakauwi nang maayos pero andito parin yung sakit na naiwan. THE END! Date Started: 06/30/2020 Date Finished: 07/07/2020

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD