Nagising ako sa bango ng bulaklak at isang romantic music. Parang ginising ako nito sa matagal na pagkakatulog gamit ang violins with the tune ng Love Yourself by JB. I slowly opened my eyes at bumungad sa akin ang isang bugkos ng red roses sa tabi ng kinahihigaan ko. Mabilis ko itong kinuha at hindi ko napigilang hindi mapangiti. Sumandal ako sa head board ng kama at inamoy-amoy ang mga bulaklak. Umikot ako ng tingin pero wala naman akong nakitang tao sa kwarto ko. Hmm. Baka pakana na naman ito ni Vince. Bahala na. Ang ganda ng mga bulaklak, kasing ganda ng music na napapakinggan ko. Pakiramdam ko tuloy mas lalong gumanda ang umaga. Hawak ko pa rin ang bulaklak nang makita kong bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking naka-topless. Medyo pawisan ito at may dala-dalang tray ng