“ATTORNEY, may mga bisita po kayo.” Nag-angat ako ng ulo mula sa aking binabasa nang marinig ang sinabi ng isa sa aking mga sekretarya. Nakita ko kung sino ang tinutukoy niyang mga bisita nang magkasunod na pumasok sina Uncle Tommy at Papa. Agad akong tumayo upang salubungin ang dalawa. “Uncle Tommy, what a surprise!” “Attorney Gamboa! Ang paborito kong pamangkin!” sambit nito habang natutuwang niyakap ako. Si Uncle Tommy ang Daddy ni Grant. Mula pagkabata ko ay malapit na talaga ang loob ko sa kaniya at pati na rin sa Mommy ni Grant na si Madam Emilia. Nang bitiwan niya ako ay saka ko binalingan si Papa. Tipid akong ngumiti bago yumakap dito. “Take your seats, gentlemen,” anyaya ko, inilahad ang mga silya sa harapan ng office desk. Dinampot ko ang telepono upang manghingi sa sekret
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books