C1- BABY GIRL

2069 Words
"Sebastian! Sebastian! Where is my daughter? Where is Diva?" tanong ng matandang babae na nakasuot ng magarang damit, na may panic sa kaniyang boses. "She's still inside, Mom," sagot ni Sebastian na natutuliro dahil sa nangyayari sa kaniyang asawa sa loob ng operating room. "AAAAAAAAAAGGGGGGGGGHHHHHHHHH!!!!!" Sigaw ng isang maputing babae sa loob ng operating room habang nakahiga, at nilalabas ng doctor ang bata sa kaniyang tiyan. "Congratulations, Mommy Diva. It's a healthy baby girl," nagagalak na anunsyo ng doctor nang nakuha na niya ang bata na iyak ng iyak. Naiyak naman sa tuwa si Diva nang makita at marinig niya ang pinakamamahal niyang anak. Nang matapos malinisan ang bata ng mga nurses ay binigay na ito sa nanay nito. "Hi, my princess," bulong ni Diva na hindi maalis ang mga tingin sa kaniyang unika hija na sobrang ganda na sa unang tingin pa lamang ay alam mo na matangos ang ilong nito, maputi, at may reddish lips. "Tatahiin lang kita, Mommy, ah," paalam ng doctor sa pasyente niya. "Please put the baby to the NICU. I'll talk to the relative outside once I'm done," instruction niya sa isang babaeng nurse na may bitbit sa bata. "Yes, doc," sagot ng nurse na tumungo rin, at lumabas na siya ng room. Kaagad naman na tumayo ng diretsyo si Sebastian at ang matandang babae, at lumapit sa nurse na may dalang bata. "Ayan na ba ang apo ko? Goodness gracious, she's so pretty. Hi, baby. This is Mamita Ester, your grandmother," pagpapakilala ni Mamita sa kaniyang apo. "Hello, my princess. Si Daddy mo ito, ang laging nakikipag-usap sa 'yo. Do you remember my voice?" pagpapakilala ni Sebastian sa anak niya na mukhang na love at first sight siya rito. "Pwede ko ba siya hawakan?" paalam ni Mamita sa nurse. "Pasensya na po, Ma'am, pero hindi po muna. Inform ko lang po kayo na dadalhin ko po ngayon si baby sa NICU para i-incubate muna siya, pero pwede niyo po siya makita sa bintana. Lalabas naman na po si doc, paantay na lang po," magalang na sagot ng nurse, at nagpaalam na sa kanila para ihatid ang baby sa NICU. "Ah, okay. Naiintindihan ko," saad ni Mamita, at ngumiti sa nurse. "Pwede ako sumama?" tanong ni Sebastian sa nurse na hindi maalis ang tingin sa kaniyang anak. "Dito ka na lang, anak. Hintayin mo ang doctor na lumabas. Pakinggan mo lahat ng sasabihin niya, ah. Ako na ang sasama sa nurse para makita ko kung saan ilalagay ang apo ko," singit ni Mamita na ayaw din mawalay sa unang apo niya. "Sige po," magalang na replied ni Sebastian, at sinundan na lang ng tingin ang anak niya. Samantala, ilang steps lang ay nasa tapat na sila ng NICU. "Pasensya na po, hanggang dito na lang po muna kayo. 'Wag po kayo mag-alala, bubuksan ko po ang curtain para makita niyo po siya," mabait na sabi ng nurse, at pumasok na sa loob at binuksan ang curtain habang hawak-hawak pa ang baby. Kaagad na dumungaw sa bintana si Mamita na sinundan ng tingin ang kaniyang apo na ibinaba sa isang incubator na may yellow light na nagsisilbing warmer para sa mga babies. Pagkalapag ng nurse sa baby ay kaagad siya kumuha ng nametag para ilagay sa gilid, at saka niya inilapit ito sa bintana para masilayan ulit ang baby. Labis naman ang tuwa sa mukha ni Mamita kaya naman kinuhanan niya ito ng picture bago siya umalis. Sa kabilang banda, lumabas ang doctor sa operating room na tinanggal ang suot niyang blue gown bago niya harapin ang lalaking naghihintay sa kaniya sa labas. "Kayo po ay kaano-ano ng pasyente, Sir?" tanong ng doctor for verification. "Husband po, doc. Kamusta po siya?" sagot ni Sebastian na may pag-aalala sa kaniyang asawa na hindi pa niya nakikita. "She's good. The baby is good too. Ngayon ay ipapadala ko na sa kwarto si Ma'am, pwede na rin kayo umakyat para makita siya. Inform lang kita, Sir, ha, kukuha kami ng blood sample kay baby, standard procedure lang to check her condition. Newborn screening kung tawagin. And once we got the result ay ipapaalam namin sa inyo kaagad. For now, let's let her rest, at kung okay na siya within 2 to 3 days, we can room in the baby na. May questions po ba kayo bago po ako umalis?" balita ng doctor, at saka tinanong ito para masagot niya lahat ng tanong nito bago siya umalis. "Ilang araw, doc, 'yung result sa newborn screening?" tanong ni Sebastian, curiously. "Usually, within 24 hours naman may resulta na. Ibibigay sa inyo 'yun ng nurse. And don't worry, bibisita ako ulit bukas sa room niyo, Sir, mga around 1pm." "Okay, mabilis lang pala. Nga po pala, doc, kailan pwede kumain ang asawa ko? Baka kasi manghingi ng food pagkagising niya," pahabol na tanong ni Sebastian dahil kilala niya ang asawa niya na laging gutom. "Pagkagising niya, pwede na siya kumain pero please no solid food yet. Pwede na rin siya uminom ng water. If within the day or two makadumi na siya at okay na ang pakiramdam niya, idi-discharge ko kayo kaagad," responded ni doc ng mabilis, na napangiti dahil nakita niya kung gaano kaalaga ang husband ng pasyente niya. "Okay, doc. Thank you so much po," masaya na sabi ni Sebastian, at hinawakan ang isang kamay ni doc para magpasalamat ng taos-puso rito. "Walang anuman, Sir. Mauuna na po ako," nakangiting saad ng doctor, at nagpaalam na rin. Pagkaakyat ni Sebastian sa kwarto nila ay binuksan niya ang pinto, at nakita niya ang isang nurse na nag-aayos ng IV line sa asawa niya. Mabilis siya lumapit sa asawa niya para kamustahin ito pero nakipikit pa ang mga mata nito na pinag-alala niya, kaya tumingin siya sa nurse. "Nurse, mga anong oras kaya siya magigising after siya mabigyan ng anesthesia?" tanong ni Sebastian sa nurse. "'Wag po kayo mag-alala, maya-maya po gising na siya, Sir. Ang sabi po ni doc, pwede na po siya kumain at uminom ng tubig, ah, pero no solid food po muna. At kung ready na po siya magpadede, sabihan niyo lang kami para po dalhin po namin si baby sa inyo," informed ng nurse, respectfully. "Okay, mabuti naman. Sige, nurse, salamat," nakangiting tugon ni Sebastian, at tumingin na siya ulit sa asawa niya na mahimbing na natutulog. Pagkalabas ng nurse ay siya naman na pasok ni Mamita, na masaya nakita ang kaniyang anak after ng operasyon. "Ano sabi ng nurse, anak?" tanong ni Mamita, at kumuha siya ng silya para maupo sa gilid ng kaniyang anak. "Maya-maya raw gigising na siya. Pwede na raw siya pakainin at painumin ng tubig, pero hindi raw po muna pwede ang solid food. Need din niya mag-poops muna bago siya i-discharge sabi ni doc. At kung okay na siya, kung kaya na niya magpadede, pwede natin ipadala dito si baby," diretsyong sabi ni Sebastian na kumuha rin ng upuan, at naupo sa kabilang gilid ng kaniyang asawa. "Mabuti naman kung ganun. Nga pala, anak, kailangan mo asikasuhin ang birth certificate ni baby. Pumunta ka sa registration sa baba para ipa-register ang name ni baby. May napili na ba kayong name ni baby?" paalala ni Mamita sa manugang. "Meron na po, Ma. Napagdesisyunan namin ni Diva na pangalan ang first baby girl namin na Bella Snow na hango sa favorite niyang movie na Beauty and the beast na si Belle, at si Snow White from Snow White and the seven dwarves. And that makes her have a full name of Bella Snow Crame Gonzales," masayang anunsyo ni Sebastian. "Maganda ang napili niyong pangalan, anak. I like it. Sige na, bumaba ka na muna para asikasuhin mga papeles ni baby," nakangiti rin na sambit ni Mamita. "Okay po. Dito po muna kayo," aniya, at lumabas na siya ng kwarto. Sa kabilang banda, isang babae na nakasuot ng black na hoodie ang pumasok sa loob ng hospital. Tumayo siya sa harap ng elevator, at ng bumukas ito ay nakasalubong niya si Sebastian na kaagad niya nakilala kaya iniyuko niya ang ulo niya para hindi siya mamukhaan nito. Pagkalabas ni Sebastian ng elevator ay pinindot niya kaagad ang button na 4. Pagkabukas ng elevator door sa 4th floor ay hinanap niya kaagad ang NICU. Nang matagpuan niya ay tumingin siya sa kanan at kaliwa niya dahil naghahanap siya ng paraan para makapasok sa loob. Then, nakita niya ang isang nurse na pumasok sa loob ng banyo na nakita niyang pagkakataon kaya naman sinundan niya ito. Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng banyo na may suot na nurse uniform, habang ang tunay na nurse ay naiwan sa loob na nakatali ang parehong kamay at paa at tanging panloob lang ang suot. Pinipilit nito sumigaw pero dahil may tela at tape sa bibig nito ay wala nakakarinig sa kaniya na sinuman. Hindi naman nagpahalataan ang babae na nagpanggap na nurse nang may makasalubong siya na isa pang nurse, and then, dumiretsyo siya sa loob ng NICU room na walang suspetsya. Hinanap niya kaagad ang epilyidong alam niya, at pagkakita niya sa 'Gonzales, Baby girl' ay napangiti siya, at saka kinuha ito palabas ng kwarto. Pero bago siya tuluyan na makalabas ay bumalik siya sa banyo para magbihis ulit, at dahil doon ay nakaalis siya ng hospital na walang kahirap-hirap habang bitbit ang bata. However, isang matandang nurse ang pumasok ng banyo at nabigla siya nang makita niya ang katrabaho niya na nakatali kaya naman pinakawalan niya ito kaagad. "Ma'am, may nakapasok na kidnapper dito. Kinuha niya ang bata," hatid na balita ng nurse na nasaksihan ang krimen. "Sige, magbihis ka. Punta lang ako sandali sa NICU. Tumawag ka ng pulis after mo para ma-report kaagad at mahuli ang kidnapper," sambit ng matandang nurse, at dali-dali na tumakbo sa NICU room. Binilang ng matandang nurse ang babies sa loob ng NICU room nang makita niya na nawala ang bata sa isang incubator. Tinignan niya ang surname, at kaagad na lumabas para i-report ang nangyaring insidente. At the meantime, isang nurse ang kumatok sa kwarto na kaagad pinagbuksan ni Mamita, na saktong balik ni Sebastian. "Ma'am, Sir, hindi ko po alam kung paano ko po ito sasabihin sa inyo pero...nawawala po ang baby niyo. May kumuha po sa baby niyo," malungkot na balita ng nurse na kaagad iniyuko ang ulo as apology. "What?!" parehong sigaw ni Mamita at Sebastian. "Paano nangyari?" tanong ni Sebastian na gulat na gulat. "Isang babae po ang nagpanggap na isang nurse ang kumuha sa baby niyo. Yung nurse po namin na kinuhanan niya ng uniform ay kinulong niya sa loob ng banyo. Nagsasagawa na po kami ng investigation ngayon. Pasensya na po sa nangyari, Sir, Ma'am," paumanhin ng nurse na iniyuko ulit ang ulo. "Naku po, kapag ito nalaman ng anak ko, baka mabaliw ito," bulong ni Mamita habang pinagmamasdan ang anak niya na mahimbing pa rin ang tulog. Dahil sa nangyari ay maraming pulis ang nakapaligid sa buong hospital na ipinagtataka ng ibang tao. Samantala, dalawang pulis ang kumukuha sa statement ng nurse na nakuhanan ng uniform. At meron din apat na pulis sa CCTV room, kasama si Sebastian na nakisali sa paghahanap sa nawawala niyang anak. Ilang sandali pa ay nakita nila ang video sa loob ng NICU kung saan isang babae na nakasuot ng mask ang tumangay sa baby. Nakita din nila ang babae na pumasok sa banyo, at nang lumabas ay iba na ang suot nito. From there ay sinundan nila ito hanggang sa elevator kung saan ay nagkasalubong ang dalawa, at kung saan ito nanggaling. At dahil hindi nila nakita ang mukha ng babae ay dinispley nila ang mukha nito na may mask sa buong lugar para mahanap ito, pati na rin ang huling picture ni Mamita sa baby para mahanap ito at maibalik sa kanila. Mahirap man ipaalam sa asawa ang nangyari sa kanilang baby girl ay ipinaalam pa rin ni Sebastian ang nangyari. Malakas na iyak at hikbi ang pinakawalan ni Diva dahil sa nangyari, na dahil sa pagpupumilit niya na mahanap ang kaniyang anak ay nawalan na lang siya bigla ng malay na ipinag-aalala ng asawa niya at ng mother niya. At gamit ang kapangyarihan ng kanilang pamilya na may connection sa matataas na opisyal sa bansa, maraming tao na ang nakakaalam sa pagkawala ni baby, mapa-tv newspapers, radio, at social media man. Naglabas na rin sila ng malaking pabuya kung sinuman ang makakahanap sa baby nila at sa kidnapper nito. Itutuloy...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD